walang humpay na ligaya.

Post Info 2 months, 1 week ago by karmi

naalala mo siguro ang litratong ito. :) nasa La Mesa Ecopark tayong dalawa. hawak mo ang iyong camera at sa bawat pagkakataon ata na pwede, eh kukuhanan mo ako ng litrato. ang kulit mo, di ako makapalag sayo.

Gusto na talaga kitang makita =) Naisip ko, kung hanggang june e masaya pa rin tayo kahit sa ganito lang, siguro kung magkasama tayo, magiging masaya habambuhay *yakap*

– arvin, Feb. 9, ‘08

nagsimula ang lahat sa sulat sa post-it note, na naisulat ko dahil sa pagkanta mo ng Tuyo ng Damdamin. September pala un, halos isang taon na. di pa man kita nakikita ng personal, alam ko nang ikaw ang tunay kong ligaya. mula noon, hanggang ngayon, you never fail to make me smile. :* swerte talaga. sobra. :)

magkalayo man tayo ngayon, at kahit na sobrang miss na natin ang isa’t-isa, alam kong darating din ang panahon na makakasama na kita. at tuluyan na talaga tayong magiging masaya habambuhay. :)

Post a Response Comment icon Posted September 11th, 2008 at 7:22 pm

8 Responses to “ walang humpay na ligaya. ”

  1. komski

    Oo no, darating din tayo jan:D este ako pala diyan, hehehehe:P

    Grabe isang taon na? Well, di namna kita masisisi:P hehehe. Simula ata nun e nagtuloy-tuloy na hanggang sa makarating tayo ngayon sa ganito:) At masaya, sobra:*

  2. churvah

    waaahh!
    ang kyut ni karmi dun sa pechur.
    at ang sweet ng entry na to..hehehe.

    naalala ko kayo dun sa song ni maja salvador at rayver cruz na narinig ko nung isang araw..MAGKITA NA TAYO ata yung title.hehehe.

    more sweet moments para sa inyong dalawa.
    spread the love in the blogosphere..hehe!

    Sa amin hango yun hahaha:P baby ko talaga, katext ko kanina, nakatulog na naman, hehehe:D

  3. yeye

    ganda nung kowt sa pic. :)

    at xempre nilalanggam na naman dito hehehehe

  4. jeniffer

    talagang super inlove.. dapat ganyan.. para humaba ang relationship :p ingatz karmi and arvin.. :)

  5. webslave

    congrats sa n u! getting stronger… :)

    from a distance, someone could really make you smile… and that is no other than the one you love and the one who loves you….

    “love knows no distance”…. - sabi un ni myn ko.. na ngayon ay ex ko nlng..

    morepower sa n u!!!

    ciao!!

  6. rio
    rio

    alam nyo ba na kapag napapadaan ako d2 sa blog nyong 2 e nabubuhayan ako ng pag asa tungkol sa pag ibig..kayo kasi ang magandang halimbawa na nagpapatunay na hindi hadlang ang layo para sa dalawang taong nagmamahalan at dahil din sa inyong 2 kaya umaasa ako na mapansin din ng aking crush n blogger ang aking lihim na pagtingin sa kanya…..echos lang!! hehehe=)

    ang daming langgam d2 s blog nyo..hehehe

  7. abou

    wow pang poster ang picture a. akala ko me pelikula ka na ha ha

  8. sam
    sam

    tae. napapaiyak naman ako at buhay na buhay ang laaab :D

    shet yan. basta stay in love be in love live for love :D

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.