matapos ang isang linggo at isang araw na pagpopromote at pagi-ispam sa mga blogs at forum, officially na po naming binubuksan ang E[kwento]MO Emo Writing Contest. gusto rin naming magpasalamat sa mainit na pagtanggap ninyo sa pa-contest na ito.kumalat ang E[kwento]MO hindi lamang sa blogosphere, kundi pati na rin sa friendster. napatunayan naming madami talagang emo/madrama sa mundo. :)
dahil masyadong mahaba ang nasa Mechanics page, eto po muli ang dapat nyong gawin kung gusto ninyong sumali sa contest namin na ito.
September 14, 2008-October 4, 2008 (Submission)*
Mayroong tatlong linggo para magsubmit ng entries. Maglagay ng part sa header o sa footer ng iyong entry na nagsasabing kasali ang entry mo sa E[kwento]MO. Pwede mong gamitin ang image sa ibaba, tapos ay ilink sa Entries page.
![E[kwento]MO logo](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small2-150x150.png)
i-send sa ekwentomo@gmail.com ang iyong entry kasama ang sumusunod.
- title ng entry
- permalink ng post
- excerpt o maikling description ng iyong kwento
- picture na may kinalaman sa entry mo (kung may nilagay ka)
Makikita sa Entries page lahat ng mga official entry na kasali sa E[kwento]MO. Hindi pa pwedeng bomoto habang submission week pa lang. Hihintaying matapos ang tatlong linggo, para naman maging fair sa mga ibang late nang makakapagpasa ng entries. Mas ok rin ito, para naman mababasa ng lahat ang lahat ng mga lahok.
Pwede mo ring i-follow ang official Twitter (http://twitter.com/ekwentomo) at Plurk (http://plurk.com/user/ekwentomo) accounts ng E[kwento]MO para sa mga updates. Doon namin ilalagay kung may bagong entry na kasali sa contest. kung may karagdagan ka pang tanong, magiwan lamang ng comment sa E[kwento]MO FAQ page o kaya’t magemail sa ekwentomo[at]gmail[dot]com.
o, ano pang hinihintay mo, E[kwento]MO na! ^_^












