you be the judge
may natanggap akong text kanina lang, 5:02am Central Time galing sa bestfriend ko.
Direct from waychraych:
sis, nong gumraduate tayo ng HS, graduate pa lang si boylet mo ng elem?!!!!
:| wow. i love you too sis. talagang nageffort kang magdirect message sa akin sa twitter at kamusta sa dami ng exclamation points diba? hindi ka naman masyadong nagulat sa narealize mo. hehehe..
21 si arvin, 24 naman ako (next month). 3 years ang age gap namin ng baby ko pero hindi ito naging hadlang sa pagiibigan naming dalawa (naks may ganon). actually, nung una akala ko mas matanda sa akin si arvin o magka-age lang kami, dahil na rin siguro sa mga seryoso’t madadramang post nya dati sa blog nya. naging close kami as blogfriends, pero di ko maalala kung tinawag ba nya akong ‘ate’. siguro oo, pero un eh para asarin lang ako.
naging kami ni arvin, na hindi ko man lang naisip na ka-age at ka-batch nya ung isa kong kapatid. so oo nga, 4th year HS ako, Grade 6 naman sya. graduate na ako sa PUP, freshmen naman sya sa UP. in short, pwedeng-pwede nga akong kasuhan ng child abuse. LOL. madalas nga rin akong asarin na may pinagaaral pa daw pala ako sa Pilipinas. sasagot na lang ako ng oo at tatawa. sanay na rin. hehehe. pero wala lang sa amin ung age gap dahil ano ba naman ang 3 years diba? marami rin kasi siguro kaming parehong gusto at kinaadikan kaya nagkakasundo kami. saka totoo ang kasabihang ‘age doesn’t matter’, basta ba mahal nyo ang isa’t-isa eh. un un. :)
tinanong ako ni arvin, kung nafu-frustrate daw ba ako kapag may nakakapansin na mas matanda ako sa kanya. hindi naman, kasi totoo eh. gulat lang siguro, lalo na kung makakarecieve ka galing sa bestfriend mo ng ganong message. :) mapapaisip ka na, san kaya galing un? hehehe. ^^,
pero kahit na mas matanda ako, may pambawi naman..

halata bang 24 years old?
you be the judge. :P




