you be the judge

Add comments September 16, 2008 » 512 days ago
blabbers

may natanggap akong text kanina lang, 5:02am Central Time galing sa bestfriend ko.

Direct from waychraych:
sis, nong gumraduate tayo ng HS, graduate pa lang si boylet mo ng elem?!!!!

:| wow. i love you too sis. talagang nageffort kang magdirect message sa akin sa twitter at kamusta sa dami ng exclamation points diba? hindi ka naman masyadong nagulat sa narealize mo. hehehe..

21 si arvin, 24 naman ako (next month). 3 years ang age gap namin ng baby ko pero hindi ito naging hadlang sa pagiibigan naming dalawa (naks may ganon). actually, nung una akala ko mas matanda sa akin si arvin o magka-age lang kami, dahil na rin siguro sa mga seryoso’t madadramang post nya dati sa blog nya. naging close kami as blogfriends, pero di ko maalala kung tinawag ba nya akong ‘ate’. siguro oo, pero un eh para asarin lang ako.

naging kami ni arvin, na hindi ko man lang naisip na ka-age at ka-batch nya ung isa kong kapatid. so oo nga, 4th year HS ako, Grade 6 naman sya. graduate na ako sa PUP, freshmen naman sya sa UP. in short, pwedeng-pwede nga akong kasuhan ng child abuse. LOL. madalas nga rin akong asarin na may pinagaaral pa daw pala ako sa Pilipinas. sasagot na lang ako ng oo at tatawa. sanay na rin. hehehe. pero wala lang sa amin ung age gap dahil ano ba naman ang 3 years diba? marami rin kasi siguro kaming parehong gusto at kinaadikan kaya nagkakasundo kami. saka totoo ang kasabihang ‘age doesn’t matter’, basta ba mahal nyo ang isa’t-isa eh. un un. :)

tinanong ako ni arvin, kung nafu-frustrate daw ba ako kapag may nakakapansin na mas matanda ako sa kanya. hindi naman, kasi totoo eh. gulat lang siguro, lalo na kung makakarecieve ka galing sa bestfriend mo ng ganong message. :) mapapaisip ka na, san kaya galing un? hehehe. ^^,

pero kahit na mas matanda ako, may pambawi naman..

halata bang 24 years old?
you be the judge. :P

Mga Kahalintulad na Posts



9 Responses to “ you be the judge ”

  • Ayiene says:

    Di naman halatang mas matanda ka, Ate Karmi. Mukhang magka-age lang kayo ni Kuya. :))

    Natawa naman ako dun sa may pinapaaral ka pa dito sa Pinas. Sauce.

    Yung nanay at tatay ko, 5 years ang agwat. Mas matanda naman tatay ko. Atually, nagtatrabaho na yung tatay ko, kakafirst year college pa lang ng nanay ko. Pero alam ko, 4th year HS pa lang nanay ko, sila na. Ang tindi noh? HAHA. Pag-ibig eh.

    IMY ATE KARMI! :)) *hugs*

  • komski says:

    Oo nga, lahat ng nakakakita nung picture nating nakasabit dito sa harap ng pc ko e tinatanong kung anung year mo na, hahaha:P

    Mukha lang talaga akong mama kaya di halata:P hehehe

    Pero grabe, kung Grade 6 ako ‘tas ikaw 4th year? Naku.

  • churvah says:

    ay hindi nga halata.haha!
    keber ba nila.

    basta lab nio ang each other, un na un.
    ^__*

    db,ate?
    hehe.

  • rio says:

    haha..di ko alam ito ah! mas matanda ka pala kay arvin baby?

    at 24 ka na pala? sus yan! mukha ka lang 18, karmimay..

    totoo! pramis!akala ko 18 ka lang…=)

    miss u karmi=)

  • claire says:

    hindi naman halatang 24 ka na, sis. actually, mukha kayong magka-edad lang.. i know how you feel about people asking about your age gap.. parehong-pareho tayo, sis! i’m 3 years older than my hubby… pero mukha lang kaming magka-age din.. pareho kaming bebe-face.. hihihi :)

  • yeye says:

    ok lang tol di halata hahahaha

    parang sinabi ko na mas matanda si arvin,.peace! hahaha

  • Yods says:

    inpernes, hindi mukang 24. uy lapit na bday mo, malapit ka na ngang mag24. ahaha.

    adbans hapi bday mimay.

  • manilenya says:

    heheheh hindi..bebing bebi ka pa e :) okey lang yan ako e 30 muntik ng magka dyowa ng 21 lol!. uki lang yan…mamatay sa inggit ang maingget lol!

  • maenoodle says:

    kala ko din ka-edad ko yan si master komski eh! tapos naisip ko nga “teenager” pala sha nung mga panahong un waha. 23 na ko waaaa… pero tama ka jan di naman halata 24 ka at di rin halata 23 ako wahihi. saka mukha lang kayong magka-age. sakto lang! wew

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
kode.dr.ag/on
Images by desEXign.