Ituring mo ang oras bilang ginto.
Add comments September 18, 2008 » 548 days agoLitratong Pinoy, writings
Pumapatak ang oras, umiikot ang mundo, unti-unting nauubos ang bawat segundo. Walang kapagurang nagsisitakbo, naghahabulan ang mga kamay ng relo. Nag-uunahan, nagkukumaripas, pabilis ng pabilis, naiiwan na ako.
Pumapatak ang oras, umiikot ang mundo, panahon ay lumilipas at lahat ng bagay dito ay isa-isa nang nagbabago. Darating. Mananatali. Ngunit lahat ng mga ito’y mawawala, at sa di inaasahang panahon ay tuluyang maglalaho.
Pumapatak ang oras, umiikot ang mundo. Kahit gaano man kahigpit ang pagkakakapit mo, unti-unting dudulas, magpupumiglas, at kakawala sa pagkakahawak, pagkakatali, pagkakabigkis mo.
Ituring mo ang oras bilang ginto.
Ito ang aking lahok para sa ika-25 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Ginintuan. Ang litrato ay kinuhanan kanina, habang hawak ang aking relong kulay ginto ang mga kamay. Bisitahin ang iba pang nagkukuminang na mga lahok ng iba pang mga miyembro dito.














ginto talaga yan! kaya’t dapat gamitin ng tama!
magandang huwebes sa’yo!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/09/lp-24-ginintuan.html
ang ganda ng pagkakuha mo dito, arvin!
Arvin, humanga ako sa turan mo, magaling!
kaya pangalagaan ang relo, este oras…ginto nga ito talaga!
Happy LP sa iyo!
arvin, pareho kayo ng naisip ni Ronnie. ang galing ng iyong text. dramatic – true komski style.
Oo nga e:D Ngayon lang ulit ako nakapagsulat ng ganyan para sa LP:) Hirap mag-emote dun sa mga tema dati e, hehehe.
ayus to saktong-sakto! kaya lang sana matuto tayong mga noypips na sumunod sa oras… pinoy time is always not on time hehehe!
yup, time is gold :)
LP Ginto sa MyWork
LP Ginto sa MyParty
andami ko nang nasayang na mga oras, andami ko ng gintong naitapon. minsan naiisip ko, sana hindi na lang ako nagsayang ng mga oras. nakakahinayan :(
nice arvin… cool shot… :)
malalim ito kapatid…napakabilis nga ng oras totoo…
Napa ka Makata mo naman!!!! Pero tama ka talaga!!!!!!
mabilis nga ang oras. di natin namamalayan, tapos na ang isang araw. hmm, hindi ba ok un para sa atin? dahil kung mabilis ang oras, ibig sabihin, malapit na kitang makasama muli. :)
teka baby, may relo ka pala? ^^,
ginto talaga ang oras kaya dapat pinapahalagahan yan :)
Galing naman ng katha mo – pang-gintong award!!! :lol:
Gandang LP sa iyo, kapatid!
nice. time is gold nga naman. pero higit pa sa litrato, napabilib mo ko sa iyong pagsulat. ;)
maligayang paglilitrato, kapatid! ^^
1:15am? or pm?
lufet ng kuha mo p’re