migraine

Add comments September 18, 2008 » 548 days ago
LSS, blabbers

oo nga pala..
ano? sige ituloy mo.
..hindi nga pala tayo.
eh baby, tayo na nga diba?

naging LSS ko rin nitong mga nakaraang araw ang Migraine ng Moonstar88. kaya naman, nirecord ko ito. at syempre, ipo-post ko dito sa blog. ika nga ni Arvin, “Warning: You’ve been warned.” dadagdagan ko pa ng “Play at your own risk.”

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

may gusto akong line dun eh.
alin?
“ung tipong ang sagot, ay di rin isang tanong.”
maganda nga.
saka first time ko kasing marinig yan sa isang kanta.

maganda nga ung kanta. unang dalawang linya pa lang, parang alam mo na kung san patungkol ung kanta. “oo nga pala, hindi nga pala tayo”. naisip ko rin yan noon, nung panahong nainlove ako sa lalakeng di ko naman alam kung ano ba ako sa buhay nya. parang oooppss, reality check, hindi kayo ha. malabo, sobrang labo. kasi naman, kung makikinig ako sa instincts ko, eh sinasabi nitong mahal din nya ako. pero kung utak ko ang gagamitin, alam kong di pwedeng maging kami dahil wala syang gusto sa akin. nakakahilo. nakakalito. saktong-sakto ung kanta ng moonstar.

ilang beses ko ring tinangkang tanungin ung lalake kung ano ba ako sa kanya. kung friends, eh di friends na lang, hindi ung parang kami na hindi naman talaga. nangyari siguro once, kaibigan ko nung college. sabi ko sa kanya na nahihirapan na ako sa setup namin, nalilito ako kung girlfriend ba nya ako talaga o girl friend lang. natulala sya, di malaman ang sasabihin. nagsorry sya, di raw nya sinasadyang maguluhan ako. mahal daw nya ako kasi ayos daw akong kasama, kumportable daw sya. that’s it. walang chuva-choo choo. walang spark, ako lang pala ang nakaramdam nun. masakit tanggapin ang katotohanan, pero at least di na ako nagiisip ng kung anu-ano. after nun, naging friends na lang talaga kami. hanggang ngayon friends pa rin naman kami nung mokong.

oo nga pala
hindi nga pala tayo
hanggang dito na lang ako
nangangarap na mapasayo

sapul ang lyrics.

alam kong madaming nakarelate sa kantang yan ng Moonstar88. dahil at some point, naranasan natin ang magmahal at malito. at minsan ding sumagi sa isip mo ang tanong na…

aasa ba ko sayo?

Mga Kahalintulad na Posts



9 Responses to “ migraine ”

  • Yods says:

    ananay! sakit naman ng kantang yan.

  • komski says:

    Nagagandahan talaga ako sa kantang ‘yan (hmmm, pero dun sa rendition mo, hmmm:P) hehehe. Pero hindi naman ako nakaexperience niyan, kasi di naman ako naguluhan, ‘di nag-isip, dahil alam ko namang ‘di kami:P hehehe.

    ‘Di katulad nung kwento mo, hehehe:P

    Pero ngayon tayo naman nga baby e:P hehehe, kaya ‘wag ka sasama dun sa kay ano :P *belat* love you!

  • rio says:

    hay..mahirap tlgang umasa sa wala.
    mahirap yung hindi mo alam kung saan mo ilulugar yung sarili mo, kung friends lang ba kau o more than that…

  • maenoodle says:

    waw singer! hehe. uhm. kyut ung song may ganyang situation din ako dati pero di naman ako mashadong nalito kasi alam ko di naman talaga kame. hmmmm. pero masarap ung feeling ng kilig :)

  • yeye says:

    peyborit ko din to. kaso di naman bagay satin tong song na to ahahahaha

  • jem says:

    hehe..matagal din akong na LSS sa kanta na iyan. Saka yung MTV da best.. ;)
    tnx nga pala sa pagkocomment sa aking blog…sige..baka sumali na din ako..at least baka maging worthwhile pa ang mga naging kadramahan ko..haha..baka ayun pa ang magbigay sa akin ng isang makasaysayang free domain.. :)

  • churvah says:

    ay ewan..
    nakakainis ang entry na to,
    hahaha!

    ammf!

    btw..may bagong career?recording star?apir! haha.

  • joana says:

    ai nku ang hirap nga ng ganyang situation…ganyang ganyan ako nagyon alam kong mali pero sige pa rin ako…masarap kasi yung feeling ng kinikilig kahit alm na alam mong hindi kayo…hehehe

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.