bagong lipat.

Post Info 1 month, 4 weeks ago by karmi

down ba blog baby?

naging regular na tanong na yan kapag magkausap kami ni arvin. halos, araw-araw ata eh nagdo-down ung blog, at may specific time pa nga ata. kung bakit, eh di ko alam. kung tatanungin ko naman ung host ko, wala naman silang matinong maisasagot. wala na ngang dumadalaw masyado dito sa blog, magda-down pa. kamusta naman un?

kaya naman, naisipan ko nang lumipat ng host. mas reliable naman ata ito. :) sana.

kaso, madugo rin pala ang paglilipat. nameservers, DNS, EPP. mga bagong salita na ngayon ko lang na-encounter at nalaman. di pala ganon kadaling maglipat. :| madami kang dapat isaalang-alang. ung files, database, at syempre, ung pagpopoint ng domain mo sa bagong host. katatapos ko lang makipagchat sa dati kong host at sinabi nilang nailipat na daw ung nameservers. sana nga. :)

at dahil mejo ayaw kong maniwala sa host ko, ito ay isang trial post mula dito sa temporary web address namin. sana lumabas sya sa kundiman. :D

Post a Response Comment icon Posted September 22nd, 2008 at 10:13 pm

One Response to “ bagong lipat. ”

  1. rio
    rio

    maglilipat bahay kau?? sabihin nyo sa amin ang bago ninyong add ha para masundannamin kau ni arvin..=)

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.