sensya sa pagdadrama. ok pa rin kami ng baby ko. :) di lang talaga maiiwasan na magsenti paminsan-minsan. – karmi
kaaalis mo lang ng bahay, papasok ka na kasi. as usual, late ka na naman. oo na, di ka late, sakto lang. hanggang sa huling segundo bago ka umalis ay bukas pa ang ating mga webcam para makita ang isa’t-isa. nakasakbit na nga ang iyong bag para pagpatay mo ng PC eh aalis ka na lang. pihadong tatakbo ka na naman hanggang sa labasan at paparahin ang pinakaunang tricycle na makikita.
lagi tayong magkausap. araw-araw. oras-oras. kung di man tayo magkachat gamit ang YM o plugoo, madalas ay magkatext tayo gamit ang twitter at brightkite. pansin nga na gamit na gamit natin ang twitter dahil halos dalawang libong direct messages na ang napapadala mo sa akin. brightkite naman ang gamit kong pantext sayo na ok lang kahit ilang beses isang araw, dahil unlimited naman ito para sa akin. kung di pa sapat ang text at chat, patatawagin pa kita sa celphone ko. boses mo ang kasama ko habang naghihintay ng bus o di kaya’y syang gigising sa akin bago ako pumasok. lahat na ata ng pwedeng nating gawin para punan ang layo sa isa’t-isa ay nagawa na natin. pati nga snail mail eh pinatos na natin.
pero bakit ako biglang nalungkot ngayon?
pero baka dumalang na pag-uusap natin sa gabi
hmmm..
ok.
alam ko na di naman pwedeng araw-araw o minu-minuto tayong magkausap. noon, alam ko un noon. pero bakit ngayo’y pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na kaya ko ito? bakit iba na ngayon? bago pa man ako pumasok sa relasyong ganito, alam ko na kung anong maaaring mangyari. pero mali pa rin pala ako, hindi ko kaya ang di ka makausap. OA ba? siguro nga. siguro dahil nasanay lang ako na andyan ka kasi palagi. na isang buzz? ko lang sayo ay sasagot ka kaagad.
hay.
nagagaraan talaga ako. nalulungkot. ewan.
lalo ko tuloy gustong makasama ka na talaga.





