“Pwede ka na tumawag.”

Post Info 1 month, 4 weeks ago by komski

Matagal-tagal na rin kaming magkarelasyon ni karmi (hehehe, magkarelasyon) na batid naman ng lahat na isang long-distance relationship ang meron kami. Nasa ‘Pinas ako, nasa Amerika naman siya, na kung susukatin ay lagpas walong libo’t apat na raang milya ang layo ng mga bahay namin.

pano mo nalaman? :P ang layo. grabe. hehe
mineasure ko sa google maps :P
geek. :P
lalagay ko sa post ko
ganon kalayo pero sa tuwing kausap kita, parang andyan ka lang. pwedeng makasama. mayakap. :P
wag ka nga magdrama :P
:P bat ba

Grabe, puro kami belat :P At nabanggit na rin lang ni karmi na kapag nakakausap ko siya’y parang andun lang ako, yun ay dahil marami namang magagamit talaga online para magawa iyon. At dahil na rin hindi naman talaga kami nasa harap ng PC lagi, lalo na kung nasa work kuno si karmi, ililista ko ang mga pwedeng gamitin para tumawag sa cellphone mula sa isang PC.

Gamit ang mga ito ay natatawagan ko na ang baby ko para gisingin siya sa umaga sa kanila, o kung bitin ang pag-uusap namin dahil aalis sila ng bahay, o kadalasan ay tuwing nasa work siya:D kung saan bawal ang YM.

EarthCALLER | labs.jaduka.com/earthcaller

Ito ang lagi naming ginagamit dahil ito ay madaling gamitin, libre, at non-stop ang tawagan. Well, yung iba pang babanggitin ko naman e libre rin at hindi limitado ang haba ng tawag, pero nakakaangat ang earthcaller dahil ieenter mo lang ang cellphone number at sa isang click lang ay makakatawag ka na saan man sa US o Canada.

Malinaw rin ang dating ng boses dito ngunit minsan nga lang e mahirap kumonek, lalo na kung gabi sa Amerika. Masyado kasing maraming gumagamit dahil maganda talaga itong EarthCALLER:) Sa sobrang dami nga ng users e down sila nitong mga nakaraang linggo upang mag-upgrade ng system. Up na ulit sila ngayon at ang huling gamit ko e kahapon:D

Para magamit mo itong EarthCALLER ay kailangan mong magsignup gamit ang iyong email address, dahil may phonebook functions at quick dial buttons, at ang browser lang na pwedeng gamitin ay Internet Explorer dahil ang gamit nila ay ActiveX at hindi Adobe Flash. Kung ayaw mo namang iwan ang Firefox ay pwede kang gumamit ng IE Tab.

Bueno | bueno.com

Nalaman ko lang itong site dahil nirekomenda ng EarthCALLER na pwedeng gamitin itong alternatibo nung down sila, isang parang sister company na ewan. Parehong-pareho sila ng quality ng EarthCALLER ngunit mas simple ang Bueno dahil wala nang sign-ups, enter lang ang number at tawag na kagad.

Yun nga lang ay meron isang recurring error habang tumatawag ka na nung una kong naranasan ay nawirduhan ako, naguluhan, kinabahan at natakot. Umuulit ang kausap mo:P Umuulit, teka, ieexplain ko.

Sa una’y ok naman ang tawag, mag-uusap kayo, magkukwentuhan, ‘tas bigla na lang uulitin nung kausap mo yung mga sinabi niya kanina, sasabihin niya ulit (hindi mula sa umpisa, pero minsan oo). Dirediretso siya, at hindi ka na niya pinapansin, pero ikaw pa rin ang kausap niya, yun nga lang, ikaw, 5 minutes ago. Oo, para siyang nag-timetravel into the past, 5 minutes ago. Ang gagawin mo kapag nangyari yun ay idrop ang call at tumawag ulit.

Ewan kung bakit.

Ang maganda dito sa Bueno ay nakasulat sa page nila ay iuupgrade nila ang service nila para makatawag nang libre in 137 countries. O ha, ang malas naman ng Pilipinas kung hindi pa siya masama dun. Ngayon ay US lang at pati ata Canada ang pwedeng tawagan.

Ang sunod na mga ililista ko e hindi namin masyadong ginagamit dahil sapat na yung EarthCALLER at Bueno, pero mas maganda talaga’y meron kang nakareserbang magagamit.

GTalk-to-VoIP | gtalk2voip.com

Gamit namin ito upang tawagan ako ni karmi mula sa phone niya, sa aking Yahoo! Messenger. Pwede ring magamit ang GTalk at MSN clients. Una’y tatawag si karmi sa isang local number, pagkatapos ay ieenter niya ang iyong ID na makukuha kapag nagsignup ka. Makakatanggap ka ngayon ng tawag mula sa GTalk2VoIP na dapat ay naadd mo na sa contacts mo. Gamit ito ay pwede ring makatawag sa isang SIP phone saan man sa mundo, yun nga lang, walang libreng SIP provider sa Pilipinas. Meron pa silang ibang mga libreng serbisyo.

Talkster | gtalk2voip.com/talkster.shtml

May partnership naman ang GTalk2VoIP at Talkster para magamit ang Talkster sa Gtalk, hindi yan redundant:P Dahil ang orihinal na Talkster ay maari lamang gamitin sa mga suportadong bansa. Maganda ‘to kasi may automated-operator pa kapag ginamit mo. Yun nga lang, medyo komplikado at ‘di maganda ang call quality. Ang maganda dito sa Talkster ay maraming bansa ang available para tawagan at mukhang magdaragdag pa sila sakaling maraming magsuggest, kaya pwede bang irequest mo dito na isama nila ang Pilipinas?

Yan na lahat ng ginagamit namin, at kung mapapansin mo ay puro outgoing mula sa Pilipinas dahil wala talaga akong makitang libreng serbisyo para makatawag dito. Ibagsak ang kapitalismo! Boooo!

Post a Response Comment icon Posted September 23rd, 2008 at 6:50 am

5 Responses to “ “Pwede ka na tumawag.” ”

  1. Eric Lee

    Can you tell me who did your layout? I’ve been looking for one kind of like yours. Thank you.

  2. samieboi
    samieboi

    wow! pag gusto nga naman palaging may paraan . winner post! :D

  3. karmi

    ibagsak ang kapitalismo!!! gusto ko naman na ako ung gumising sayo. :) hehehe.. yaan mo, makakahanap din tayo ng way para makatawag ako sau.. (ay actually, meron naman, pero ayaw mong gumastos ako. :P)

    panalo talaga yang bueno! :P anung number na baby? hehehe..

  4. Zhey

    hmmm… masubukan nga yan earthcaller na yan… thanks! :)

  5. samieboi
    samieboi

    bakit ayaw sa akin gumana ng earthcaller??? huhuhuh :((

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.