1 month, 4 weeks ago by karmi sensya sa pagdadrama. ok pa rin kami ng baby ko. :) di lang talaga maiiwasan na magsenti paminsan-minsan. - karmi
kaaalis mo lang ng bahay, papasok ka na kasi. as usual, late ka na naman. oo na, di ka late, sakto lang. hanggang sa huling segundo bago ka umalis ay bukas pa ang ating mga webcam para makita ang isa’t-isa. nakasakbit na nga ang iyong bag para pagpatay mo ng PC eh aalis ka na lang. pihadong tatakbo ka na naman hanggang sa labasan at paparahin ang pinakaunang tricycle na makikita.
lagi tayong magkausap. araw-araw. oras-oras. kung di man tayo magkachat gamit ang YM o plugoo, madalas ay magkatext tayo gamit ang twitter at brightkite. pansin nga na gamit na gamit natin ang twitter dahil halos dalawang libong direct messages na ang napapadala mo sa akin. brightkite naman ang gamit kong pantext sayo na ok lang kahit ilang beses isang araw, dahil unlimited naman ito para sa akin. kung di pa sapat ang text at chat, patatawagin pa kita sa celphone ko. boses mo ang kasama ko habang naghihintay ng bus o di kaya’y syang gigising sa akin bago ako pumasok. lahat na ata ng pwedeng nating gawin para punan ang layo sa isa’t-isa ay nagawa na natin. pati nga snail mail eh pinatos na natin.
pero bakit ako biglang nalungkot ngayon?
pero baka dumalang na pag-uusap natin sa gabi
hmmm..
ok.
alam ko na di naman pwedeng araw-araw o minu-minuto tayong magkausap. noon, alam ko un noon. pero bakit ngayo’y pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na kaya ko ito? bakit iba na ngayon? bago pa man ako pumasok sa relasyong ganito, alam ko na kung anong maaaring mangyari. pero mali pa rin pala ako, hindi ko kaya ang di ka makausap. OA ba? siguro nga. siguro dahil nasanay lang ako na andyan ka kasi palagi. na isang buzz? ko lang sayo ay sasagot ka kaagad.
hay.
nagagaraan talaga ako. nalulungkot. ewan.
lalo ko tuloy gustong makasama ka na talaga.
sa sobrang pagmamahal mo sa isang tao, nasasanay ka na lagi siya nasa tabi mo.
minsan kelangan mo din siya intindihin. may trabaho siya. at para un sa future nyo :)
**hugs** karmi…
dumadaan talaga sa isang relasyon ang mga ganitong pangyayari.hindi maiiwasan na medyo nagkakatampuhan dahil ang isa ay medyo busy. minsan, kailangan nyo ding bigyan ng konting space para makahinga kayo pareho.
na mimiss nyo lang ang isa’t isa kaya ka nalulungkot… magiging ok din kayo=)
carme francia!
tama ba sis? hehehe. *hugs*
wag malungkot sissy. wag maparanoid. ako lang ang paranoid.
ganyan tlga. kahit alam mong ikaw ang life nya, may sarili cyang buhay. err. gulo ng sinabi ko. i mean, may mga dapat cyang gawin. kelangan ng sariling oras. pero hnde naman porke hindi kayo nag kakausap, ibig sabihin e hnde ka na nya naiisip. hnde ka naman nya nakakalimutan eh.. alam kong mahal na mahal ka nya. at cympre alam kong mahal mo din cya..
waaaah.. hnde para sayo yang comment na yan sis. im talking to myself. hahahaha.
loveyou sissy! muahmuah! :D
10 min hugs for u sis!
hehehe..
dumadating talaga ang gnyang moment.
konting lawak pa ng pag iisip.
at pag intindi na may mga oras na na kelangan nya ilaan sa ibang bagay ngunit di nangangahulugan na hindi ka nya na mimiss.
mahirap talaga pasukin ang long distance relationship.
katakot takot na pang-unawa,tiwala at pasensya ang kelangan.
im sure malalampasan mo yan.
^__*
ok lang yan sis, at least alam mong andyan parin si arvin for you. :)
chill :)
Sorry na baby, gagawin ko naman lahat para makausap kita ng mas matagal.. *yakap* ‘wag ka na magtampo, ayokong nalulungkot ka e, mas nalulungkot ako e. i love you baby ko:*
Makakaraos din tayo sa pagsubok na ‘to, lilipas din ang problema *yakap* dito lang ako lagi:*
hayyy hirap mawalay sa minamahal,
mamimiss mo sobra yong tao..
ingat lagi.. kaya mo yan
un na nga eh magkalayo na nga tas la pa communication…tsk
yan ung sinabi nia sakin. hirap talaga pag ldr.
kakayanin mo yan tol. kami nga dati, laging naka-unlitxt80….hahaha. pero ngayon aun di na kami masyadong magkatext or magkausap. di naman sa nagkakasawaan pero ok naman din kahit paano eh meron pa naman communication…and trust xempre.
mas nakakamiss ung mga ganyan…hehehe
waw sobrang nakarelate hehehe. anyway, sali mo ung entry ko sa saling ketket. hehehehe