1 month, 3 weeks ago by komski Makinig ka sa likha kong musika. Buksan mo ang pandinig sa pasaliwsaliw na tinig ng paikot-ikot na plaka. Lunurin mo ang sarili sa mga lumilipad na nota at hayaang matangay sa mundong higit na mas maingay ang tugtog kaysa sa iyong mga problema.
Sa bawat pagkaskas kong paulit-ulit sa pabago-bagong kanta, ipaubaya mo ang pag-iyak sa mga nagsusumigaw na tono’t nang hindi na tumulo pa ang luha sa iyong mga mata. Ikubli ang iyong pagdaing sa ritmo’t himig ng alay kong musika.
Sa gabing ito’y ako munang hahawak at magpapaikot sa iyong mundo.
Ito ang aking lahok para sa ika-26 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Puti at Itim. Ang litrato ay mabilis na kinuhanan nang mapansing umalis ang DJ para kumain. Ito ay sa Fiama bar sa may Buendia, para sa Eng’g Grad Party (pero hindi pa ako gradweyt). Ang theme ng party ay Old Hollywood kaya ang suot ko ay mukhang waiter sa catering service:P Ang iba pang litrato sa party ay narito. Bisitahin ang iba pang mga monotone na kuha ng mga miyembro dito. Happy LP!
aba kuya, ituloy mo bagay sa iyong dj ha ha! black & white ay iyong get-up di ba….safe na terno ng kulay mapa sa lalaki o babae :D
happy lp!
At ok na ulit magblack, malamig na ang panahon e:) hehehe.
feel na feel ni arvin hehehehe
Syempre pa!
Naku, akala ko pa naman eh DJ-ing ang past time mo… bagay sana. Sabagay, naisip ko baka walang sumayaw kapag ikaw ang DJ dahil sigurado senti music lang ang tugtog mo..hehehe.
Happy lp!
Haha, diko naisip yan ha, hehehe:P Pero hinde no, when it’s time to party, it’s time to paartehhh!:P
lufet brad :)
request naman mr. DJ—pwede ba yung love song ko?
happy LP day :)
eto AKIN
Ako pa! lol
hello dj komski! hee hee!
Puti at Itim sa Yosemite
Puti at Itim na Biskwit
Hello po:D
yo yes yes yo!!!!
Bagay ah. Parinig nga ng mix mo :)
Happy Lp Kapatid!
Live lang ako, baka kasi pag nirecord ko’y baka sumikat:P hindi pa handa ang mundo sa akin, hahaah. lol
mr. dj pwede bang mag request? pwede ba yung love song ko
ay kala ko totoo, nakaw na sandali lang pala. natawa naman ako dun sa description mo sa outfit mo…di ah, parang pag opis nga eh
eh pano yan, ikaw ang mundo ko, so papaikutin mo sarili mo? :P hehehe. korny.
kung ikaw ang DJ, pakikinggan ko ang likha mong musika at hahayaan ko ang aking sarili na malunod sa mga nota upang makalimutan ang mga problema, takot at kabang nadarama.
…….
umm, la na akong maisip. :) hehehe. love you baby:*
Talaga bang nagdi-DJ ka o baka naman ka-chat mo lang uli si “baby” - aminin!!! Hahaha! :)
kunwari ka pa, ikaw naman ang dj!!!
nice music (kahit virtual lang hehehe) :)
happy LP!
hindi ba ikaw ang dj:) hehehe!
ayos! DJ komski kuno! kakaiba rin ang lahok mo:)
wow! ibig mong sabihin maliban sa pagiging magaling magsulat e nagkakaskas ka rin ng turn table? lol! husay..hay kelan kaya ako makakasali ulit sa LP :(
Ayos, galing ng porma :D
ang galeeeeng. hehe.
kala ko totoo eh! :)
Ayos! Matagal ko nang gustong humawak ng ganyan. Paano ba yan gamitin? Natutunan mo ba habang nilalasap ang maiksing panahong ninakaw mo habang kumakain ang DJ? Yo, mic check. Nice post.
Ha ha ha.. kala ko pa naman ikaw talaga ng DJ.. at saka mukha ka rin graduate nung elementary,,di ba ganayan ang suoy nila ..ha ha ha.. gandang araw sa iyo eto sa kin http://aussietalks.com/2008/09/litratong-pinoy-puti-at-itim-black.html
hehehe cool! Di naman mukhang caterer, walang scarf o apron eh! lol@jay’s request! Cge careereen mo yan! galingan mo ha!