ate, may writing contest ah. baka gusto mong sumali.
tungkol san naman?
susulat ka ng letter dun sa paborito mong author.
ah o? sakto, gusto kong sulatan si Nicholas Sparks.
oo, pwede living o dead. basta author na gusto mo.
kung nabasa mo na itong post ko dati, malamang ay alam mo nang paborito kong author si Nicholas Sparks. nabasa ko na lahat ng libro nya, at ngayon nga’y di na ako makapaghintay dumating ang Sept. 30, dahil may lalabas sya ulit na libro, ang “The Lucky One”. ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ko ung mga libro nya, eh kadalasan, tragic ang ending. madalas namamatay ang bida, basta nakakalungkot. at tulad nga ng sinabi ko sa post ko dati, “he never fails to make me cry”.
pagkauwi namin, ay chineck ko kaagad ung site na sinasabi ng kapatid ko. interesado ba talaga akong sumali sa pa-contest na un? gusto oo, pero di ako sasali. goodluck, nosebleed un pag nagkataon. saka isa pa, from grades 4-12 ung requirement. hehe, asal highschool student lang ako, pero di na nag-aaral kaya di talaga pwede.
ayos sana un kung makakagawa ako ng sulat para sa idol ko. ilang beses ko na ring tinangkang gumawa ng blogpost para sa kanya, pero madalas di ko natatapos. dahil na rin siguro sa sobrang daming gusto kong sabihin sa kanya eh hindi ko alam kung san sisimulan. gusto kong tanungin kung bakit mahilig syang magpaiyak ng tao. kung san nya nakukuha ung mga ideya nya sa mga libro nya. gusto kong sabihin na kahit na nangingilid ang luha ko kapag nagbabasa ako ng kwento nya, eh nai-inspire pa rin ako. dahil sa mga libro nya, natutunan kong maniwala sa pag-ibig at sa hiwaga nito. na kahit magkalayo kayo, kahit na anong mangyari, kung mahal nyo talaga ang isa’t-isa, hinding-hindi ito mawawala. na totoo ngang everything happens for a reason. gusto kong sabihin sa kanya na napakaromantic ng ginawa ni Wilson sa The Wedding, at the best na love story talaga ang The Notebook at kahit ilang beses ko nang nabasa ang A Walk to Remember eh naiiyak pa rin ako. pero… kahit na gusto ko ang mga kwento nya, marami pa rin akong tanong kung bakit ganon ang nangyari sa mga bida. itatanong ko kung bat kailangang mamatay ni Jamie sa A Walk to Remember, kung bakit di nagkatuluyan sina John at Savannah sa Dear John, at kung bat kailangang mamatay ni Lexie sa At First Sight. i can go on and on sa mga tanong ko at papuri tungkol sa mga libro nya, pero isa lang naman ang gusto ko talagang sabihin sa kanya.. SALAMAT. ok, THANK YOU, para maintindihan nya.
super thank you sa mga nobelang kahit ilang beses kong basahin ay kikiligin pa rin ako’t maiiyak. :)
ate, malay mo ung premyo eh mameet mo ung author na sinulatan mo
ayos un. pwede pwede. sana lang makausap ko sya diba? kaso, baka ma-starstruck ako.
(moment of silence sa sasakyan)
pero ate, pano kung ung sinulatan mo eh patay na pala.
…..
buti na lang buhay pa si Nicholas Sparks.













ayiee karmiiii.. nko 22o no.. hndi ako mahilig sa gnyang ending pero i love the stories na gnwa nya.. as in. i swear.. and oo, everything happens for a reason.. hay nko.. ngaun ko lang nga narealize ang mga bagay na yan eh.. naks and maniwala syempre sa LOVE LOVE LOVE. ayieee..
i swear. gusto ko rin sya! :D hehehe.
inlove ka sis eh.. naman.. believe in love.. <3
sana ma meet mo si N.Sparks..gudluck karmi=)
sana ate di ako ma-nosebleed! :D
naku tol masaya un pag ung patay ung sinulatan mo. creepy nga lang heheh. makikipagkamay ka sa kaluluwa hahahaha awooooooooooooooooooooooooooooo.
sulatan mo na siya. ehehehehe
:| tol, parang ayaw ko nun. hahaha.
j.k.rowling kasi dahil sa kanya kaya ako natutong magbasa ng mga libro aside from books required sa school…^_^
sa HP ko natutunan magimagine…kung gaano kasaya ang feeling na napupunta ka sa mundo ng binabasa mo…your imagination is your limit…*carried away*
isang HP book pa lang ang nababasa ko, un eh ung first book. bilib ako kay J.K. Rowling kasi ang galing nung imagination nya.. grabe. binuhay nya si Harry Potter at ngayon part na sya ng history. :)
gusto ko rin si Nicholas Sparks at na-amaze ako sa mga sulat ni ya kasi masyadong sensitive kaya tuloy noon akala ko girl ang author ng books na iyan:) Oy, pa-regards ako kay Nicholas Sparks pag na-meet mo na siya:)
haay, kung pwede lang maging bida ng isa sa mga libro nya…
wag lang ung mamamatay.. :P hehehe..
Si nick sparks hahaha friends kami nun hehehe
btw yah isa sa gusto kung movie nya yong a walk to remember sali mo na rin yong the notebook ganda ng mga stories nya kaso tragic merong mamatay..
inaantay ko nga movie na bago yong nights in rondathe sana maganda din..
try mo visit to.. naging adik din me sa movie na to a walk to remember
http://sedfre21.blogspot.com/2006/05/excerpts-from-book-walk-to-remember.html
showing na nga ung nights in rodanthe. gusto kong mapanood pero wala naman akong makakasama.. :|
friends ba kau ni sir Nick? :D hehehe.. pakisabi-hi! :D
nakopo. naalala ko nung minsang gusto kong batukan si N.Sparks dahil dun sa Dear John. Pero panalo! Mahal ko din ang mga libro niya. :P
The lucky one? Pelikula na rin yun ah! wala lang.
natawa ako dun sa buti na lang buhay pa si Nicholas Sparks. LOL.
binabasa ko pa lang ung Dear John, sinabi mo na sa akin na pangit ung ending. :P hehehe.. pero oo nga, panalo pa rin ung kwento.. sayang lang talaga..
ung Nights in Rodanthe ung movie noi! :D gusto ko ngang mapanood eh.. =)
buti na lang talaga diba? hehehe..
oh yeah… maganda..maganda.. hehe.. i lab nicholas sparks’ novels as well..wahaha.. apir!
apir! :D
hi padaan ha…. nicholas sparks: hindi ko alam kung asar ako sakanya o love ko siya (torn between two emotions pag nagbabasa ako ng books nya).. tama ka!!! kasi ang tragic ng mga story nya, eh ako pa naman yung taong gusto ang mga happy endings… favorite ko yung a walk to remember up until now kinikilig at napapaluha pa rin ako sa kwento na yan… some of the books you mentioned nabasa ko na rin, pero not all kasi nga nalulungkot ako sa mga story nya…
pwede ba akong magrecommend ng book sa’yo? try mo twilight ni stephenie meyer.. ganda din… cheers!!!
http://anakngpiso.wordpress.com/
ung tita ko, ayaw nya nung mga libro ni Nicholas Sparks, kasi nga nakakalungkot.. nade-depress lang daw sya.. hehehe.. pareho tau, torn between two emotions talaga..
twilight? hmmm.. meron ako nun, pero hanggang chapter 8 pa lang nababasa ko.. :| maganda nga daw, pero tinamad na akong tapusin.. cguro one of these days. :D
salamat sa pagdaan.. :)
Hindi ko talaga nakahiligan magbasa ng novels. Siguro ang huling nagawa ko yan e nung Grade 3 ako, binasa ko yung ilan sa Illustrated Series (Sleepy Hollow, Around the World in 80 Days, Ship of Fools at !0,000 Leagues Under the Sea) sa library namin, uso kasi.
After nun, si Bob Ong na lang talaga ang fiction writer na binasa ko ang sinulat, hehehe.
Nga pala, nabasa mo lang ba yung tungkol dun sa sinabi mo nung isang araw sa akin, yung nawawalan ng identity, kasi masyado dumedepende.
Meron kasing nagsabi sa akin ng ganun din dati, eksakto sa pagkakasabi mo:P E bookworm din yun. Baka may pareho kayo nabasa, hehehe.
gusto ko ung Around the World in 80 days. ung cartoons na ha, hindi ung libro. hehehe..
salamat talaga kay Bob Ong. :)
hmmm, inaalala ko ung sinabi ko sayo.. hehe, di ko maalala.. :P makakausap naman kita, so, tanungin ko na lang sau.. :)
awtz! buti si bob ong sa akin. at si dan brown din!
kaso kaso kaso baka maspeechless ako pag kaharap ko na si dan brown kasi kasi kasi english iyon malamang.
noseBLADE yun!
idol ko rin si Bob Ong! :D hmm, di ko pa nababasa ung mga novel ni Dan Brown.. mas maka-love story kasi ako kapag nagbabasa ng libro.. :)
hahaha, ako rin, major nosebleed un kapag nakaharap ko si Mr. Sparks.. :)
meron akong dalawang libro ni Nicholas Sparks ngayon, pero di ko pa nababasa, yung isa Message in a Bottle, nabuklat ko na pala..kasama siya sa apat na sabay sabay kong binabasa ngayon lol! tibay hehehehe!
Yung The Notebook nya, e binabasa ko noon pero me inuwing dvd ang sis ko, binitiwan ko yung book at pinanood ko yung movie..I swear iyak ako ng iyak…di man libro yun…kwento nya pa rin yung pinanood ko na sobrang nakakaiyak.
wow, 4 na libro ate? hehehe, minsan bumili ako, 5 libro. :P 3 pa lang ung nababasa ko talaga dun.. hehehe. tibay talaga natin! :P
di ko pa napapanood ung The Notebook, actually, A Walk to Remember pa lang ang napapanood ko.. nakakaiyak nga daw.. haaay, baka kumpletuhin ko na ung mga DVDs na based sa libro nya. :D
ay ako rin karmi, idol ko si Nicholas Sparks! Kaya lang the notebook at a walk to remember pa lang nababasa ko e. grabe, iyak din ako dun lalo na sa a walk to remember. gusto ko rin sana mabasa mga iba pang libro niya, kaya lang wala akong mahiraman. hehehe
eto pa yata yung pagkakaparehas naten sis. super idol c nicholas sparks. :)
at yun din ang tanong ko, bakit kelangang mamatay ni jamie? waaaah. naiyak ako d2. i swear. :D
ingat ka lagi sissy, ok?
PS.
Sis, sabi ni hunnie ang mushy ko daw. totoo ba? haha
one of my favorites din si Sparks.. excited na ko sa Lucky One.. sana makakuha agad ako ng copy! oo nga, bakit nga kaya halos puro tragic ending yung sa mga books nya noh? cge, pakitanong na rin yun para sa akin ha.. hehehe
Hmm, favorite mo pala siya. Nabasa ko na ang The Notebook and napanuod ko naman agn Walk to remember pero di ko alam di talaga ako fanatic ng melo-dramatic love story. Mas prefer ko talaga ang sci fi or patayan, lols.
Yun nga lang, panu pag patay na?