Alas-dose na ng gabi, pero tahimik pa rin dito. Tahimik hanggang sa patayin ko na itong PC matapos kong gawin ang post na ito. Imbis na boses mo’ng naririnig ko’y tugtog mula sa isang radio station ang lumalabas sa headset ko. Higit na mas masayang pakinggan ang tawa mo kaysa kay Angel Rivero.
Hindi ko matitigan ang mukha mong wala sa nakabukas na webcam. Ngayo’y hindi ka lang talaga invisible ngunit offline na talaga. Vanny, sana nga’y kapag online ako’y online din siya para naman ang pagngiti nitong smiley sa pagbukas ng YM ay dahil sa saya. Ay grabe, hindi naman ako nagdadrama dahil napansin ko lang naman, ibang-iba talaga kapag ganitong wala siya.
Natawa akong muli nang tignan ko ang litratong inilagay ko sa taas, dahil hindi naman kailangang makausap kita para mapangiti mo ako, kahit sa pag-iisip lang sa iyo’y napapasaya mo na ako. Masaya ako sa bawat alaala, bawat alaalang napagsaluhan nating dalawa. Ayan, ayan ang madrama:P
Kaya simula ngayong kahit sabihin mo pang miss na miss mo na ako’t gusto mo akong makausap, ay ‘di na kita pagbibigyan, dahil kagaya nga ng sabi ko sa iyo last year; Hindi dapat pinapalagpas ang pagkakataon para matulog. Ayan tuloy, nagkasakit ka dahil sa kakulangan sa pahinga.
At oo, kapag wala akong maisip na ipost ay magpopost ako tungkol sa iyo *belat!* hehehehe. Lalo na ngayong hindi ka makakapag-online:P Kaya pagaling ka na, para imbis na gumagawa ako ng ganito’y nakakausap mo na lang ako.
Tip: Masama sa blogging career ang online relationship:P














e kung ganyan ba naman ka sweet eh! :-)
“Masama sa blogging career ang online relationship”
Di naman siguro, sabi nga nila if theres a will.
may tulay. bow!
napadaan po uli.
nyahahaha nko nagbgay pa ng tip! hahaha! ay nko infairness.. :) oo nga naman.. pagiisip pa lng sa taong love mo.. ngging happy na haha!
“dahil hindi naman kailangang makausap kita para mapangiti mo ako, kahit sa pag-iisip lang sa iyo’y napapasaya mo na ako”
– hindi naman kau masyadong inlab no? hindi halata e..konti lang..lol…
ang sweet…=)
baka nakakalimutan mo na pwede akong magOL dito s work at mababasa ko itong post mo. :P
miss na rin kita. sobra. badtrip na sakit kasi to eh. :( di tuloy kita makausap. nagtulog lang ako maghapon. sumakit tuloy lalo ulo ko. :|
@ate rio – inlab ba? ummm, di naman po masyado. :P hehehe.
love you baby:*
Tip: Masama sa blogging career ang online relationship :P
-> natawa ako. haahahaha :)
pagaling ka mommy karmi at si arvin eh nageemo at nang-iinggit. haahha :P
ang daya kasi hahahaha ang layo kaya di pwede batukan hahahahaha
di naman. kaw talaga karmi. hehehe
may sakit ka arvin? pagaling ka hehe
ako nagsulat nung entry yeye:P hehehe
si karmi yung may sakit:(
naku, sana gumaling na si arvin. hehehe
Wala akong sakit!:P Hehehe
Masama sa blogging career ang online relationship:P — hear hear.
wala nang mas hihigit pang kahinaan sa pagboblog ang karelasyon na kapwa blogger.
waaaaahh.. wawa naman sissy ko. sa sobrang sama ng loob ko kagabi, di ko man lang cya nakamusta. dumakdak lang ako ng dumakdak.. sori sis. labyu! pagaling ka ha. wag mo kong gayahin na lagi inaalagaan ang sakit. buti na lang may hunnie akong nurse. :D
bilas arvin.. :)
oo nga. prang naset sa mind ko na pag online ka, online din c karmimay. pagalingin mo muna para may lakas ulit cya. msyado mo kc pinapakilig sissy ko eh. ahhaa. peace sis. :D
PS.
sissy, kakyut tlga ng mata mo. ;)
minsan pinagsisisihan ko kung bakit hindi blogger si bee. haha. matagal na to ah. siguro naman okay na siya. :)
naku mga bunso…..i know how it feels to be in a long distance relationship, lahat ng kadramahan sa buhay lumalabas…but nevertheless, dont worry, if you are really meant God will find a way….sabi nga nila ang nakatadhana ang magiging tadhana mo…..(lalim repapips)
ahehe… kaw naman.. di naman ineng… basta ba may nakakacarry pang magbasa ng post mo okay pa rin yan… katuwa naman yung pic nyo… ;p cheers, glesy the great
http://anakngpiso.wordpress.com/