you be the judge

Posted almost 4 years ago blabbers

may natanggap akong text kanina lang, 5:02am Central Time galing sa bestfriend ko.

Direct from waychraych:
sis, nong gumraduate tayo ng HS, graduate pa lang si boylet mo ng elem?!!!!

:| wow. i love you too sis. talagang nageffort kang magdirect message sa akin sa twitter at kamusta sa dami ng exclamation points diba? hindi ka naman masyadong nagulat sa narealize mo. hehehe..

21 si arvin, 24 naman ako (next month). 3 years ang age gap namin ng baby ko pero hindi ito naging hadlang sa pagiibigan naming dalawa (naks may ganon). actually, nung una akala ko mas matanda sa akin si arvin o magka-age lang kami, dahil na rin siguro sa mga seryoso’t madadramang post nya dati sa blog nya. naging close kami as blogfriends, pero di ko maalala kung tinawag ba nya akong ‘ate’. siguro oo, pero un eh para asarin lang ako.

naging kami ni arvin, na hindi ko man lang naisip na ka-age at ka-batch nya ung isa kong kapatid. so oo nga, 4th year HS ako, Grade 6 naman sya. graduate na ako sa PUP, freshmen naman sya sa UP. in short, pwedeng-pwede nga akong kasuhan ng child abuse. LOL. madalas nga rin akong asarin na may pinagaaral pa daw pala ako sa Pilipinas. sasagot na lang ako ng oo at tatawa. sanay na rin. hehehe. pero wala lang sa amin ung age gap dahil ano ba naman ang 3 years diba? marami rin kasi siguro kaming parehong gusto at kinaadikan kaya nagkakasundo kami. saka totoo ang kasabihang ‘age doesn’t matter’, basta ba mahal nyo ang isa’t-isa eh. un un. :)

tinanong ako ni arvin, kung nafu-frustrate daw ba ako kapag may nakakapansin na mas matanda ako sa kanya. hindi naman, kasi totoo eh. gulat lang siguro, lalo na kung makakarecieve ka galing sa bestfriend mo ng ganong message. :) mapapaisip ka na, san kaya galing un? hehehe. ^^,

pero kahit na mas matanda ako, may pambawi naman..

halata bang 24 years old?
you be the judge. :P

Gaano na kayo katagal?

Posted almost 4 years ago inlove

… Ah.. ewan… uhmm… 3 months?

Nung June kami unang nagkitang dalawa ni karmi at nuon din ay napag-usapan namin kung ano ang magiging anniversary namin, hehehe, na ang alam ko dapat ay ang date kung kelan kami naging kami.

June 14, 2008.

May mas iespesyal pa ba sa araw na yun? Unang araw na nakita namin ng personal ang isa’t isa kaya’t wala ng mas aangkop pa na petsa para sa pagsisimula namin bilang kami. Gara naman nga kasi kung ang isasagot naming date e yung nung hindi pa kami nagkikita. Panu yun, online lang ‘tas naging kayo na?

Dahil kung iisipin ay halos walong buwan na kami ni karmi. Oo, Enero pa lang ay hindi na kami basta blog friends lang kundi higit pa ro’n. Kahit kami, ngayon lang nakakilala ng dalawang bloggers na nagkamabutihan no, hahaha. Hindi na rin namin tuloy ipinakita sa iba na may nangyayari na pala. Pero kalauna’y ‘di na rin napigilan, mahirap talaga itago ang sayang nadarama.

Medyo malayo-layo rin ang aming narating mula nung nagkakilala kami bago matapos ang taong 2005.

Kahit kami, di rin namin inakala na dito pala ang kahahantungan namin. Kaya nga hindi na ulit ako mang-iispam ng mga tagboard, hehehe, ever. Nakita ko na kasi siya e. Matagal-tagal na rin, naging malungkot, malabo, magulo at ngayon nga, masaya. Sobrang masaya:D

Session

Happy monthsary! *yakap* baby ko:*

Kung nung dati’y ang iniiwang mensahe sa tagboard ay kadalasang hello! padaan lang:D, ngayon ay may pa-ilove-iloveyou baby pang nalalaman, hehehe.

E[kwento]MO na!

Posted almost 4 years ago contest, pakulo

matapos ang isang linggo at isang araw na pagpopromote at pagi-ispam sa mga blogs at forum, officially na po naming binubuksan ang E[kwento]MO Emo Writing Contest. gusto rin naming magpasalamat sa mainit  na pagtanggap ninyo sa pa-contest na ito.kumalat ang E[kwento]MO hindi lamang sa blogosphere, kundi pati na rin sa friendster. napatunayan naming madami talagang emo/madrama sa mundo. :)

dahil masyadong mahaba ang nasa Mechanics page, eto po muli ang dapat nyong gawin kung gusto ninyong sumali sa contest namin na ito.

September 14, 2008-October 4, 2008 (Submission)*

Mayroong tatlong linggo para magsubmit ng entries. Maglagay ng part sa header o sa footer ng iyong entry na nagsasabing kasali ang entry mo sa E[kwento]MO. Pwede mong gamitin ang image sa ibaba, tapos ay  ilink sa Entries page.

i-send sa ekwentomo@gmail.com ang iyong entry kasama ang sumusunod.

  • title ng entry
  • permalink ng post
  • excerpt o maikling description ng iyong kwento
  • picture na may kinalaman sa entry mo (kung may nilagay ka)

Makikita sa Entries page lahat ng mga official entry na kasali sa E[kwento]MO. Hindi pa pwedeng bomoto habang submission week pa lang. Hihintaying matapos ang tatlong linggo, para naman maging fair sa mga ibang late nang makakapagpasa ng entries. Mas ok rin ito, para naman mababasa ng lahat ang lahat ng mga lahok.

Pwede mo ring i-follow ang official Twitter (http://twitter.com/ekwentomo) at Plurk (http://plurk.com/user/ekwentomo) accounts ng E[kwento]MO para sa mga updates. Doon namin ilalagay kung may bagong entry na kasali sa contest. kung may karagdagan ka pang tanong, magiwan lamang ng comment sa E[kwento]MO FAQ page o kaya’t magemail sa ekwentomo[at]gmail[dot]com.

o, ano pang hinihintay mo, E[kwento]MO na! ^_^

walang-humpay-na-ligaya

walang humpay na ligaya.

Posted almost 4 years ago inlove

naalala mo siguro ang litratong ito. :) nasa La Mesa Ecopark tayong dalawa. hawak mo ang iyong camera at sa bawat pagkakataon ata na pwede, eh kukuhanan mo ako ng litrato. ang kulit mo, di ako makapalag sayo.

Gusto na talaga kitang makita =) Naisip ko, kung hanggang june e masaya pa rin tayo kahit sa ganito lang, siguro kung magkasama tayo, magiging masaya habambuhay *yakap*

– arvin, Feb. 9, ’08

nagsimula ang lahat sa sulat sa post-it note, na naisulat ko dahil sa pagkanta mo ng Tuyo ng Damdamin. September pala un, halos isang taon na. di pa man kita nakikita ng personal, alam ko nang ikaw ang tunay kong ligaya. mula noon, hanggang ngayon, you never fail to make me smile. :* swerte talaga. sobra. :)

magkalayo man tayo ngayon, at kahit na sobrang miss na natin ang isa’t-isa, alam kong darating din ang panahon na makakasama na kita. at tuluyan na talaga tayong magiging masaya habambuhay. :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.