Love 201

Posted 3 years ago podcast

Heto ang officially una pero pangalawang podcast namin dito sa Kundiman. Officially una, dahil ung una naming podcast eh trial lang naman talaga. :) O diba, at talagang may logo pa kami. :) photoshop yan, parang Gradeschool lang ang gumawa. :P

Para sa aming unang subok ng “seryosong” podcasting, isang usapang pag-ibig galing sa blog entry ni Churvah na “Love 101“. Ano nga kaya ang dapat gawin? Sino ang dapat piliin? Ano pang hinihintay mo, kinig na. :)

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Love 201 – Next Level na!

awoooooo

Awoooooo!

Posted 3 years ago Litratong Pinoy, so random

awooooo

Ewan ko na lang kung anung mararamdaman ko kung ganyan ang makasalubong ko next time sa kusina namin. Parang nasira ata tiyan niya hehe:P

Ito ang ang aking lahok para sa ika-31 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Kadiliman, dahil hindi ko naman ito magagawa kung hindi madilim. Ang litrato ay kinuhanan ko kagabi gamit ang aking phone (with J2MEFlashlight) at CHDKed-camera. Bisitahan ang iba pang lahok ng mga miyembro dito.

dear G-force

Posted 3 years ago blabbers

Why don’t you love me, the way I loved you
It feels so crazy cause I dunno what I did to you
If you’re gonna hurt me then do it quickly
Cause I’m tired of cryin’, If you don’t wanna stick around
Then, baby forget about me

dear G-force,

bakit ang gagaling nyong sumayaw? lagi akong nanonood ng ASAP ’08 at inaabangan ko ang prod. number nyo. paborito ko ung Dance Cool. ito lang ha, pamatay ung Forget About Me na steps nyo, dun sa lyrical hiphop nyo na episode. hayop! sobra! sumakit ang katawan ko/naming magkakapatid dahil sa pagaaral ng steps na un. Napurga na ang mga magulang namin dahil buong araw ata naming pinapatugtog ung kantang un. Iyon na rin ang ringtone ko na sa tuwing may tatawag eh tinatapos ko talaga ung kanta bago ko pa sagutin ung tawag. haaay, kakaadik ung kanta. ngayon nga, pinapatugtog pa ng kapatid ko ung kanta kaya naman di ko matapos-tapos tong post. dahil bawat chorus eh tatayo kaming pareho para sumayaw.

kailangan nyo ba ng panibagong miyembro sa grupo nyo? magau-audition ako! :D pangarap ko kasi talagang sumayaw at ang maging part ng dance group. kung saka-sakali mang tumatanggap kayo ng video as audition piece, heto ang sa akin.


Forget About Me – Little Bit

gusto kong maging part ng G-force. gusto kong sumayaw para maipahayag ang aking nararamdaman.

gusto ko rin kasing magsayaw at maging part ng Dance Cool sa ASAP ’08.
para makita ko rin si yeng. :D

Lovelots,
your number wan fan.
– mimay

isang mahabang thank you post

Posted 3 years ago Uncategorized

SUPER THANK YOU.

grabe. :) words are not enough para magpasalamat sa bawat isang tao na bumati sa akin ng happy birthday. kung pwede lang na puntahan ko kayo isa-isa para naman mayakap ko kayo’t mapasalamatan ng personal eh ginawa ko na. pero dahil di pwede un, idadaan ko na lang dito sa kundiman ang pasasalamat ko. :D

dahil nga dalawang time zones ang sinusunod ko kapag nagcecelebrate ako ng birthday, parang halos dalawang araw tuloy ang aking kaarawan. Oct. 24 (11am) pa lang dito, midnight na ng Oct. 25 sa Pinas. birthday ko na. hanggang Oct. 26 (12nn) eh birthday ko pa rin dahil Oct 25 (11pm) pa lang dito sa Amerika. time zones. tsk. pahirap sa buhay. :P

SUPER THANK YOU.

unang-una kay Papa God. salamat sa panibagong taon. ganito po pala ang feeling ng 24, parang 23 lang din. wala masyadong difference, maliban nga sa paga-add ng isa sa aking edad.

sa aking pamilya. sa aking nanay na gumising sa akin ng 6am para batiin ako’t hiramin ung bus pass ko. sa tatay ko na indirectly akong binati. indirectly kasi, nanay ko ang kausap nya. sabi lang nya, “birthday na ng anak mo, malapit nang magasawa yan”. sa aking mga kapatid na kasama ko buong araw ng aking kaarawan. salamat sa bonding time nating magkakapatid na bihira nang mangyari dahil lahat tayo’y busy-busyhan. sana sa susunod kong birthday eh kayo naman ang manlibre sa akin.

sa mga kamag-anak ko. na nageffort magonline para lang magmessage sa friendster, magemail at offline message sa akin sa YM. salamat kay ate jigi sa MYMP Now na CD na pinadala nya. sa wakas, kumpleto na MYMP CD collection ko :D

kay arvin. baby ko :). salamat dahil ikaw ung kausap ko nang mag 12mn dyan sa Pinas at 12mn dito. salamat sa pagkanta ng happy birhtday. i know sasabihin mo, “salamat ka dyan?” pero wala kang magagawa, salamat talaga sayo mahal. :)  pinasaya mo ako ngayong birthday ko, at sa araw-araw na kausap kita. panalo ung podcast mo mahal. wag mo akong kakalimutan kapag sikat ka na ha. :)

kay besis. salamat sa pagbati sa akin sa twitter. nainggit ako kasi nakapanood ka na ng HSM3. ako hindi pa, baka hintayin ko na lang na ipalabas sa Disney Channel. :P

sa barkada kong es2pidas. salamat sa text, sa tawag at sa pagkakaibigan. ilang birthday ko na rin ang pagsamahan natin, andyan pa rin kayo. :D sana sa susunod kong birthday eh makasama ko na kayo.. :)

sa mga kaklase ko noong elementary, HS at college. kampai! :D

sa mga kaibigan ko dito sa Amerika na nagtext at tumawag. :) sensya di ko kayo nailibre, cost-cutting eh. nakikisabay ako sa recession.

salamat sa friendster, multiply, facebook. kung hindi dahil sa birthday reminders na pinapadala nyo lagi sa mga kaibigan ko, di nila maaalala ang birthday ko. salamat sa mga nagfriendster comment at message. hindi ko na iisa-isahin kung sino-sino kayo, baka may makalimutan pa akong pasalamatan. basta kilala nyo na kung sino kayo. :)

sa mga nag @reply at nagDM sa akin sa twitter. buti na lang hindi nagdown nung araw mismo ng birthday ko. :)

sa aking mga ka-idlip — noime, yeye at clarice. salamat mga ganda. :D sensya na, nagdown ung mga blog nyo ng araw ng birthday ko. naglipat kasi kami ng hosts ni arvin. ngayon, ok na ata. :) hehehe.

kay sissy vanny. salamat sa bati sis. :) ingatz ka dyan ha, and sana maging happy ever na kayo.. :)

sa mga fellow blogista ko. mga dating kablog na nagcomment sa friendster, salamat sa pagalala. :) salamat lalo sa mga nagcomment sa podcast post ni arvin. :)

sa mga nagmessage sa akin sa YM. :) di ko na ulit kayo iisa-isahin, basta salamat sa inyo! ^_^

at sayo, na nagbabasa nitong post. :) na pagtapos basahin itong post eh magcocomment para batiin ako ng happy birthday. salamat in advance. ^_^

haaay.
24 na ko.

belated happy birthday to me! :D

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.