E[Vote]MO na!

Add comments October 4, 2008 » 532 days ago
pakulo

this is it! matapos ang halos isang buwan na pangi-ispam sa mga forums at paggala sa blogosphere para ibenta ang kauna-unahanang Emo Writing Contest dumating na rin tayo sa punto nang pagpili ng inyong pinakapaboritong EMO-ment na kwento. gusto kong magpasalamat ngayon pa lang sa lahat ng mga nagpromote at sumali sa pa-contest na ito. mahirap magdrama alam ko, pero katulad nga ng sabi ni McRey, ‘there’s an EMO in everyone, I swear’.

15 entries. lahat madrama, may kirot sa puso. mga kwentong tungkol sa pag-ibig, sa buhay, pamilya, kaibigan at pati na rin hayop. mahirap pumili ng iisa lang na panalo, dahil may kanya-kanyang lalim at drama lahat ng mga entry. masasabi kong makakarelate ang bawat isa sa atin sa mga kwentong inyong mababasa. wag kalimutang maghanda ng panyo o tissue habang nagbabasang mga entries.

amin nang opisyal na binubuksan ang botohan para sa E[Kwento]MO. salamat kina IshyBitsy, McRey, Teresa, Prosetitute, Jem, Ice, Dramaqueen, Abou, Madjik, Miko, PonChong, Pmonchet, Ron, Yods at Enday sa pagshare ng inyong madadramang kwento. bisitahin lamang ang E[kwento]MO Entries Page at magiwan ng comment sa kung sino ang pinakapaborito mo. pwedeng bomoto ng hanggang sa tatlong entry. pwede rin namang kahit isa lang.

Sample comment entry:

I vote for these entries:

1. 3 tears
2. 2 tears
3. 1 tear

Kapag nakaboto ka na, hintayin ang e-mail na aming ipapadala sa email address na ginamit mo para bumoto. Kailangan mo ring magreply dun sa e-mail para maibilang ung boto mo. Kaya siguraduhin lamang na valid ung e-mail address na gagamitin. Mula Oct. 5 hanggang Oct. 17, 2008 ang botohan. Kung may iba pang katanungan tungkol sa voting process maari kang magiwan ng comment sa E[Kwento]MO FAQ page o kaya’y magiwan ng message sa chatbox namin.

ano pang hinihintay mo, E[Vote]MO na ang paborito mong E[Kwento]MO entry. :)

Mga Kahalintulad na Posts



Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.