isang paguusap sa chat:
tol, alam mo ba si lovelyn, may fiancee na!
talaga tol? sino at kelan pa?
oo, si papa ronald, ung kababata nya.
sosyalin. eh pano na si papa mike?
wala na. nagpunta nga ung dalawa sa EK last last week eh..
taray ha. fiancee na talaga. :)
isa ulit tsismisan sa chat:
tol, balita ko, may fiancee na si mahalyn.
oo tol, kinikilig nga ako dun eh. teka, sino nagsabi sayo?
si sheila. hahaha. kitams, sya pa pala mauuna sa atin. kelan daw kasal?
2 years from now pa daw eh. at least di ba di na sya magiging old maid. hahaha.
itetext ko nga un, sabihin ko, next year na pakasal, para makauwi ako. :D
kita mo nga naman. may fiancee na ang isa kong barkada nung college. umaariba ang love life ng lola ko. nagulat talaga ako sa balitang yan dahil di ko alam na nagkakamabutihan na pala talaga sila nung boylet nya. kasi naman, nung huling kausap ko sya, ibang lalake ang pinoproblema nya.
naalala ko tuloy ung agreement naming magkakabarkada nung college. April 25, 2005. fresh grads. last bonding moment namin un as “bum”, dahil alam naming magiging busy-busyhan na kapag nagtrabaho na kami. ewan ko kung sino ung nakaisip, pero magkaroon kami ng official es2pidas agreement. napagkasunduan namin na magbigay ng 2% ng salary namin na idedeposito sa banko kapag may trabaho na kaming 5. matatapos lang maghulog ng pera, kapag 4 sa amin eh nagpakasal na, tapos dun sa huling ikakasal mapupunta ung pera. ayos sa plano. lahat kami pumirma sa kontrata. nangyari ba? hindi. dahil lumipad ako dito sa Amerika at dahil na rin siguro wala pang may bank account sa amin noon. :P
natatawa ako sa tuwing naaalala ko ung agreement namin na un. kasi naman, si lovelyn ung sinasabi naming huling ikakasal sa amin. sya rin mismo ung nagsabi na sya daw ung huli talaga. pero, kita mo nga naman sya pa itong mauuna sa aming 5. landi talaga ng kaibigan ko. :P hehehe. ako? pangilan ako sa ikakasal? hmmm.. kung hindi pangalawa, pangatlo. ewan kung bakit, un ung prediction ng mga barkada ko sa akin.. eh kitang wala akong boyfriend nun.. hehehe, mukha ba akong marrying type? :P
pero.. pano nga kaya kung natuloy ung agreement namin, kanino kaya mapupunta ung pera kapag nagkataon? :| baka sa akin ah.. swerte na nakakalungkot naman un. hehehe. pero, at least, makakauwi ako ng Pinas ng apat na beses. :) not bad.
tinext ko na ung kaibigan ko. iniintay ko na lang ung reply nya, baka matuloy nga na next year ung kasal nya, sisimulan ko nang magipon para makauwi. :)













hahaha..may ganitong agreement din kami ni ate lalaine mo..ang magkakaboyps after four years,after the graduation e talo at magbibigay ng 1,500..as usual, ako ang talo pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nabibigay ang 1,500 nya…
sana matuloy yung friend mo para makapagbakasyon ka ulit d2 sa pinas=)
hehe. akala ko, kami lang nakaisip nito. :P kayo rin pala ate.. :) hahaha. nakalimutan na ni ate lalaine un, wag lang sana nyang mabasa tong post ko. :P
sana talaga ate. :D
..hwaaaaaaaaaaat??!! c lovelyn may fiance na? cno nga ba c ronald? nkalimutan ko na sa dami ng lalake sa buhay nya e..hahaha….grabe.,..gulat ako eh…xempre, ako ang huling nkaalam…tsk…miss ko na ang barkada…kainis nman kc ang schedule..hay…d bale…kitakits sa kasal ni mahalyn! hahaha…ayos!
nauna ko pa ngang malaman kesa sau tol. :P kita mo, akala ko mauuna ka, pero nooo.. si love pala.. hahaha.. kaibigan mo, lumalandi. :P
miss ko na din kau noh. :( sobra. oo, kita-kits sa kasal ni mahal. :D
napakagandang agreement na hindi natuloy hahahaha sayang naman..!!!
grabe usapang kasalan na yan ah
kaw kaya tol kelan???
aheeeem aheem
Hala ka, e andami na nga nag-aalok sa iyo magpakasal e:P Ang bilang ko e dalawa:P hehehe.
Basta, huwag ka papaloko sa kanila:P
ako magpapasakal lang kapag mayaman na ko. at madaming dvd. para dvd marathon nalang habang nasa bahay. ayoko kasi na nagtatarbaho ako kapag nanunuod ng dvd. di ako nakakapag-focus.