x-marks-that-romantic-spot

X marks that romantic spot.

6 Comments » October 7, 2008 » 526 days ago
BridgeTheGap, ldr

Nung isang araw ay tinignan kong muli sa Google maps ang layo sa pagitan naming dalawa ng baby ko. ganun pa rin, 8,400+ miles. ‘Di man lang lumiit kahit kaunti. At mukhang lumalayo pa nga ata unti-unti dahil sa Continental Drift Theory (Oo, scientifically incorrect ang sentence ko na yun, hehehe).

At ayun, naisipan ko tuloy lagyan ng marks ang mga bahay namin para mas madaling makita. Isa sa Bulacan, isa sa San Antonio, at kapag niZoom-out mo ay makikita talaga ang malaking karagatang Pasipiko na nasa pagitan naming dalawa:P Sobrang layo…

At ayun, sunod ko nang naisip ay lagyan ng marka ang lahat ng pinuntahan namin nung andito siya:)? At nasa ibaba ang screenshot ng nagawa ko. Maari mong iclick ito para makita talaga ang mapa ng June 17 date namin ni karmi sa La Mesa Eco Park.

Ang galing niyan, kaya iminumungkahi ko na gawin niyo rin, hehehe:P Magpunta lamang sa maps.google.com, at magsign-in gamit ang inyong Google/GMail account. Makikita sa kaliwa ng screen ang link patungo sa My Maps, i-click yun at may lalabas na menu para sa Create New Map. Enjoy:D

Ang Bridge the Gap series ay pagtatalakay sa mga paraang ginagawa namin ni karmi para mapunan ang layo sa pagitan naming dalawa. Sundan ang serye na ito upang makakuha ng mga tips at ideya sa mga pwedeng gawin upang mabasawasan ang hirap ng pagkakawalay sa minamahal.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.