x-marks-that-romantic-spot

X marks that romantic spot.

Add comments October 7, 2008 » 522 days ago
BridgeTheGap, ldr

Nung isang araw ay tinignan kong muli sa Google maps ang layo sa pagitan naming dalawa ng baby ko. ganun pa rin, 8,400+ miles. ‘Di man lang lumiit kahit kaunti. At mukhang lumalayo pa nga ata unti-unti dahil sa Continental Drift Theory (Oo, scientifically incorrect ang sentence ko na yun, hehehe).

At ayun, naisipan ko tuloy lagyan ng marks ang mga bahay namin para mas madaling makita. Isa sa Bulacan, isa sa San Antonio, at kapag niZoom-out mo ay makikita talaga ang malaking karagatang Pasipiko na nasa pagitan naming dalawa:P Sobrang layo…

At ayun, sunod ko nang naisip ay lagyan ng marka ang lahat ng pinuntahan namin nung andito siya:)? At nasa ibaba ang screenshot ng nagawa ko. Maari mong iclick ito para makita talaga ang mapa ng June 17 date namin ni karmi sa La Mesa Eco Park.

Ang galing niyan, kaya iminumungkahi ko na gawin niyo rin, hehehe:P Magpunta lamang sa maps.google.com, at magsign-in gamit ang inyong Google/GMail account. Makikita sa kaliwa ng screen ang link patungo sa My Maps, i-click yun at may lalabas na menu para sa Create New Map. Enjoy:D

Ang Bridge the Gap series ay pagtatalakay sa mga paraang ginagawa namin ni karmi para mapunan ang layo sa pagitan naming dalawa. Sundan ang serye na ito upang makakuha ng mga tips at ideya sa mga pwedeng gawin upang mabasawasan ang hirap ng pagkakawalay sa minamahal.

Mga Kahalintulad na Posts



6 Responses to “ X marks that romantic spot. ”

  • karmi says:

    lalo tuloy kitang namis. *yakap!*

    teka, bat panay solo ko lang pinost mo?! MADAYA ka talaga.. may solo pics ka rin naman ah.. :P zinoom out ko ung binyahe natin mula Cubao hanggang La Mesa Eco Park, ang layo pala. :| pero di ko masyadong naramdaman, ikaw kasi kasama ko.. ayiii.. :) hehehe..

    at oo, buti na lang tumigil ung jeep, at nakita ko ung banner, ngenge kasi si manong, sabi nya, ibababa nya tayo, eh nakalimutan na nya.. :P

    next na uwi ko, sa Avilon Zoo naman. :D love you baby :)

    Tinignan ko kung nasa’n yung Avilon Zoo, grabe, ang layo, doble nung layo ng bahay niyo galing Cubao:P Hehehe, so kelangan maaga as in:P ‘tas magtatagal din tayo dun malamang, para sulit:D

  • yeye says:

    harkkks…matry nga ehehehehe

    Sige try mo:D Astig

  • Sheng says:

    Wowww…ang sweet naman…..talagang nakamap yung places ha…inggit ako….hehehhe Ingatz!

    salamat:D Natuwa nga kami nung nagawa namin yan, well.. meron pa kaming isang map na ginawa hehe.

  • lalaine says:

    kelangan talaga lagyan ng tanda? hahaha… pasensya na at nakikialam lang…

    nga pala… nung last week eh galing kami sa ecopark… ganda pala dun… wala lang… ot lang… hehehe

    yngat :)

  • vanny says:

    aww. kung kame 960km, kayo thousand miles! pero oks lang yan. salamat sa technology, lumalapit c karmimay. :)

    @ate lalaine
    bakit ako di pa nakakapunta sa ecopark? loser. hahaha

  • Tin says:

    Ang cute naman ng idea, so sweet. In my case, magkabilang panig ng mundo ang pagitan namin…ang layo…wahhhh :-((

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.