girbaud.

Posted almost 4 years ago Litratong Pinoy, writings

ako po, si karmi, ang gumawa ng LP para sa Linggong ito. :)

lumang sapatos

July 9, 2004 (Biyernes). Birthday ng nanay ko. Last day naman ng mga kaibigan ko sa trabaho. Naginuman kami. Sabado na ako nakauwi. Madaling-araw. Nakita kong nakaabang na ung tatay ko sa may gate namin. Alam mo na kung anong sumunod na nangyari.

July 11, 2004 (Linggo). Nagsimba kami. Medyo di na galit tatay ko sa akin. Sumasagot na sya kahit papano sa mga tanong ko. Pagtapos magsimba, nagpunta ng Cubao. Ali Mall. Tinanong ako ng tatay ko kung gusto ko pa rin daw ba ung sapatos na ilang buwan ko nang kinukulit sa kanya. Tumango ako. Nakuha ko ung sapatos na gusto ko.

apat na taon na ang nakakalipas nang ibili sa akin ng tatay ko ang sapatos na nasa larawan. kahit alam kong galit na galit sya sa akin, eh sya pa itong parang nagpumilit na bumili. HS pa lang kasi ako, gusto ko na ung Girbaud. gusto ko kasi ung style. simple pero rock. :) mula nung binili ko ito, di ko na ito nalabhan. ilang baha, putik at dumi na ang napunta sa sapatos ko na yan. pansin naman sa kulay diba? paborito ko kasi eh. :)

hindi na kasya sa akin ang sapatos na yan (kasusuot ko lang ngayon bago gawin itong post), pero dinala ko pa rin dito sa America. naisuot ko pa ata nang isang beses. luma na nga ang sapatos pero may sentimental value naman. naaalala ko ang pagmamahal ng aking tatay. :)

Ito ang aking lahok para sa ika-28 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Luma na. Ang litrato ay kinuhanan kanina lamang matapos halungkatin ang aking cabinet. Itinago na kasi ng nanay ko ung sapatos, dahil di ko na naman ginagamit. Bisitahin ang mga bagay na luma na para sa mga miyembro dito. Happy LP!

28 Responses to “ girbaud. ”

  • ces said,

    dumaan din ako sa panahon na usong uso ang girbaud hehe…ang natitira nlang sa akin ay isang pulang wallet:)

    may dalawang itim na wallet pa po ako ng girbaud. nakatago na rin. hehe. :)

  • Pinky said,

    Sana mabasa ng tatay mo itong naisulat mo – tiyak ko mase-senti iyon – hehehe! :)

    Happy LP sa iyo!

    hmm.. more on magugulat po sya. :) hehe.

  • jeanny said,

    uy girbaud….gusto ko rin magkaroon nyan dati kaso ewan ko baket hindi ako nakabili….la yata ko pero noon…hehhee

    happy lp

  • komski said,

    Ako hindi ko alam ang brand na yan:P Pero ganyan nga yung wallet ko ngayon, hmmm, medyo luma na nga yung wallet ko na yun, nung HS pa nga ata:P

    Kasi naman, pasaway na anak:P Nakikipag-inuman e kitang alalang-alala na ang pamilya mo sa bahay *belat*

    pasaway ka dyan. :P di noh, ambait ko nga eh.. hehehe..

    *belat* ka rin.

  • Ayiene said,

    Wow, Girbaud! Kailangan ko na rin pala ng sapatos. Nasira na yung dalawa kong luma. Huhu.

    bili ka na Ayiene. :) converse naman ang gusto ko ngayon. :D

  • Em Dy said,

    Nakakatuwa ang kwento mo, sumisigaw ng pagmamahal ng isang ama! Magandang Hwebes!

    lahat po ata ng tatay natin eh may soft spot pa rin. :D hehe.

  • Jay said,

    kasya paba sayo yan?

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    di na po kuya eh.

  • lalaine said,

    hahaha…. nung high school kami nauso din yan… at siguradong sikat ka kapag may gamit kang tatak eh girbaud. hinde ko lang maalala kung wallet o damit ang binile ko eh… basta ang alam ko pinag-ipunan ko ng husto yun galing sa baon ko… hahaha

    naman ate. bigatin ka kapag may girbaud ka. :D
    nung nagkatrabaho na po ako, saka na lang ako nakabili ng wallet na ganon. =)

  • Thess said,

    Mapagmahal si tatay mo, sana nga ay mabasa nya itong isinulat mo.

    alam nya pong may blog ako. pero, mabasa nya ito? ummm… hehehe. ewan ko lang po. :P

  • Norm said,

    wow! very interesting naman ng kwento mo, ang bait naman ng ama mo super…

    super nga po. :)

  • Gusto ko ang kwento sa likod ng luma mong Girbaud… May sentimental value nga ito at kagaya mo, itatago ko rin sya kahit di na kasya.

    salamat po at nagustuhan nyo. :)
    nakakahon po sya dun sa cabinet ko, wala rin po akong balak itapon un. ^^,

  • toni said,

    Hindi matapon at hindi maiwan dahil sa kwento sa likod ng sapatos. Nakakasenti!

    nakakasenti po ba?
    kaya nga po itinago ko talaga ung sapatos. :) memorable kumbaga.

  • Wow.. four years at hindi pa nalalabhan? Ang galing naman!

    Ang aking lahok ay naka-post na dito. Dumalaw na rin ako para sa kapatid ko, ang kanyang lahok ay naka-post dito. Sana makadaan ka. Happy LP!

    *** ShutterHappyJenn ***

    magaling po ba? madalas po akong pagalitan ng nanay ko eh.. hehe.

  • rio said,

    nanghihiram lang ako sa kapatid ko ng girbau shoe dahil ayaw kong bumili..sobrang mahal kasi e..hehe

    750php ata yan nung time na un ate. sobrang mahal nga. :|
    pero ganda kasi. hehehe.

  • Marites1034 said,

    bait ni tatay ano. ako rin siguro, itatago ko. ang tatay ko naman, naiinis pag nakikitang hindi nilalabhan ang mga sapatos ko. kaya tuloy, siya ang naglalaba para sa akin hehehe!

    naku, swerte po kayo. ewan ko lang kung ipaglalaba ako ng tatay ko ng sapatos. :P hehe.

  • Yen said,

    Mapagmahal nga ang Tatay mo! Sana mabasa nya ito:) Happy LP!

    mapagmahal nga po.
    sana po ba mabasa nya? ummm.. hehehe.

  • Karmi, ang ganda naman ng kwento kung paano mo nakuha ang sapatos na iyan. Kahit ako eh itatago ko yan (kahit mukhang mabaho na siya… hehehe!) kung para lang maalala ko ang pagmamahal ng aking mga magulang.

    Kasi naman eh, sino ba ang nagsabing unahin mo pa ang iyong kaibigan. Siguro naman eh nabati mo ng happy birthday ang iyong ina… I’m sure eh may say din siya diyan sa sapatos na yan.

    gabi po ung inuman eh. opo, nabati ko naman ung nanay ko. :)
    feeling ko nga po, nanay ko ang nagkumbinsi sa tatay ko na bilhan na ako ng sapatos.. hehe.

  • Girlie said,

    nakakatuwang magbasa ng mga history ng mga kagamitan natin noh…di halatang di nilabhan, kala ko ganun talaga ang kulay

    yan din po ang sabi ko sa nanay ko, nung sinabi nyang madumi na.. sabi ko, di naman halata. sagot nya sa akin? tinatamad lang daw ako.. hehe.

  • Lynn said,

    Nakakatuwa naman ang kwento ng sapatos mo. Mukha naman siyang malinis kahit hindi mo pa nalalabhan. :)

    mukha lang pong malinis yan, pero puti po kasi talaga yan nung bagong bili ko. hehe.

  • ettey said,

    favorite ko rin yan girbaud.. ilang ganyan din ang pinangharabas ko noon hehehe!

  • Meeya said,

    nakaka-touch naman ang kwento. hindi talaga tayo matiis ng parents natin ano? kahit galit sila, pero basta sumaya tayo di makatiis. :) ayan, na-miss ko tuloy tatay ko hehehe!

    happy lp karmi! :)

    Lumang Barko sa MyMemes
    Lumang Pantawag sa MyParty

  • G_mirage said,

    Ako man nahilig sa girbaud, yun sana ang lahok ko, girbaud wallet na regalo ko kay hubby nun dumating ako dito, 6 na taon na, nawala ng minsan yun pero naisoli pa hehe….oo totoong ang halaga ng mga bagay minsan ay sha nating pagkakaingatan!

    HAppy LP! Kahit hindi ako ang tatay mo matutuwa ako sa pagpapahalaga mo…

  • JoyD said,

    ang moral story ,, kailangan maging mabait pa rin sa tatay para kahit galit sya ,, mabibili pa rina ang ating gusto..
    Ganon din akosa mga anak ko … kahit may nagawang kasalanan ay lumalambot pa rin ang kalooban ko…

    may sentimental value nga yan sa iyo kasi naalala mo pa talaga angmag pangyayari…

  • julie said,

    Ang ganda naman ng shoes mo, mamahalin :) Mamahalin hindi sa presyo kundi sa sentimental value nito.

  • nangungulit lang said,

    gir … l galing nga sa baud eeerrr baul heheh ;)
    ano na gamit mo ngayon, bakya? :p

  • Reflexes said,

    luma na pero pwede pang ipamana :)

  • iris said,

    at konti nalang pala, birthday ko na nung binili ng dad mo yung girbaud mo :) naalala ko pa yang style ng sapatos na yan. old skool. haha. mahal ka talaga ng tatay mo kahit ganyan ka. :p

  • vanny said,

    hahaha. anu na kayang amoy nyan sis at di mo nilabhan? hehehe. peace! ;)

    girbaud wallets at bags lang meron ako. di ako bumili ng shoes kahit na lahat n ng mga clasmates ko meron nito.. u know.. im not a rubber shoes fan. haha

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.