katorse

katorse

Add comments October 13, 2008 » 484 days ago
inlove, ldr

Bumubuhos ang ulan, may bagyo na naman pala. Parang nung gabi bago tayo unang nagkita. Ngunit humupa naman ito sa oras ng ating pagtatagpo. Hindi tuloy nabasa ng ulan ang mga bulaklak na binili ko habang iniisip ka.

Maingay ang pagtama ng ulan sa bubungan. Parang nung sa MRT at sa bawat pagdating ng tren, na animo’y nawalan ng boses, nang makita kita. Tanging ang narinig ko lang nuon ay ang boses mong masaya at ang tibok ng puso kong hindi mapigil ang kaba.

Malamig ang hanging ihip ng nahuhulog na mga ulap, na lalong nagpapasarap sa pagkakayakap ko sa iyo at mga kamay kong ayaw bumitaw sa bewang mong malambot.

Kung dati’y umiiyak sa ligaya ang kalangitang bumalot sa ating kinaroroonan ngayo’y ang luha nya’y dulot ng paglisan ng liwanag niyang araw, sa paglubog nito sa kanluran.

– komski, Sept. 26, 2008

Oct. 12, 2008

9:00 am, habang naghihintay ako ng masasakyan pauwi ay nagtext ka. Parang noong unang beses tayong nagkita, alas-syete pa lamang ay nagpapalitan na tayo ng mensahe. Sinigurado mong pupunta ako sa tagpuan natin. Oo naman, sabi ko. Kahit na puyat ako’t kulang sa tulog, hindi ko mapapalampas ang pagkakataong ito. Ang pagkakataong makita na kita sa wakas.

Naalala kita sa katabi kong lalake, tahimik. Wala kang imik na iniabot sa akin ang bulaklak, at kahit na tumabi na ako sau, di mo pa rin ako kinakausap. Ramdam ko ang kaba sa buo mong katawan pero dinaldal pa rin kita. Di mo lang halata na kinakabahan din ako.

Pagsakay ko ng bus, hinahantay kong may humawak ng aking mga kamay ngunit wala ka. Nais ko nang maramdamang muli ang init ng iyong mga kamay habang mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin. Malamig sa loob ng bus, pero wala ka para yakapin ako’t hayaan akong makatulog sa iyong mga bisig.

Muli kang nagtext, sabi mo’y ingat ako. Parang nung gabing inantay mo akong makasakay papauwi. Bago ako makasakay ng jeep ay hinalikan mo pa ako sa pisnge. pagsakay ko’y, hinabol kita ng tingin habang tumatakbo ang jeepney papalayo. Ang tagal na nun, apat na buwan na pala ang nakalipas.

===

Apat na buwan nang nakalipas ngunit ang mga ala-ala ng nangyari ng araw na un ay hindi ko makakalimutan. Mula sa paghihintay mo sa akin sa MRT station hanggang sa makasakay na ako ng jeep na biyaheng San Mateo. Hanggang ngayo’y napapangiti pa rin ako kapag naaalala ko kung pano natin naagaw ung bench dun sa dalawang mama, at naririnig ko pa rin ang hiyawan natin habang nanonood sa Project One. Ang saya talaga ng araw na un. Sobra. :)

Happy Monthsary baby ko:* Mahal na mahal kita.

Mga Kahalintulad na Posts



6 Responses to “ katorse ”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
kode.dr.ag/on
Images by desEXign.