bago-nga-kaya

Bago nga kaya?

Add comments October 15, 2008 » 482 days ago
Litratong Pinoy, buhay bahay

mga libro ko

LP logoSabi ni @bob ong, “kung hindi mo raw babasahin ang mga libro mo, hindi talaga libro ang pag-aari mo kundi mga tinta at papel”. Pero ano nga naman ba ang gagawin ko kung hindi ko talaga matagalan ang pagbabasa sa ilan sa mga ito? Siguro uumpisahan ko sa simula, babasahin isa-isa ang mga pahina, ‘tas maglalagtaw ng ng dalawang pages, tatlo, apat o lima. Pagkatapos ay lalagtawan ang buong chapter at bago ko pa marealize, ayun, nasa back cover na pala ko.

Ayun, nabasa ko na kuno ang buong libro’t ilalagay na sa kanyang lugar sa improvised shelf na yan, at hindi na muling mabubuklat? ever.

Pero hehe, ‘di naman laging ganun, dahil sa limited ang budget ko, sinisigurado kong gusto ko talaga ang isang libro bago ko bilin. Ang di ko lang naman nagugustuhan ay yung mga required references sa school, lalo na yung sa Math:P

Madaling malaman kung paborito mo ang isang bagay, yun yung mga mabilis maluma, gula-gulanit, may mga sira at dumi. Pero ginagamit mo pa rin.

Ito ang aking lahok para sa ika-29 na linggo ng litratong pinoy na may temang Bago nga kaya? Ang litrato ko ay kinuhanan kanina, ang dating lalagyan ng tv na ginawa kong bookshelf, dito sa tabi ng aking pc. Tignan ang ibang pang mga bagay na kapag nakita mo’y mapapatanong ka kung “bago nga kaya?” sa mga lahok ng iba pang miyembro.

Mga Kahalintulad na Posts



27 Responses to “ Bago nga kaya? ”

  • Jay says:

    ui!! na-miss ko bigla yung computer books ko :( lalo na yung VB5.0 kainis!!bakit ko kasi pinahiram, yun tuloy sya na ang may ari :(

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Meron akong VB6 at dahil dun e nalaman ko kung paano gumawa ng computer virus:P hahaha:P

  • FickleMinded says:

    Kaya pala mukhang bago pa nga ang mga libro mo.

    Naku, hehehe, ‘di ko na rin masyado nagagamit yung mga programminbg books kasi simula nung magkainternet ako, ayun, online references na ang binabasa ko:D Binili ko yung mga yan nung ala pa kaming net:) Hehe.

  • Thess says:

    Kung kasing kapal ng Java database for beginner na yan, tatakbo na talaga ako papalayo sa libro ha ha ha!
    pero parang gusto ko yung Alamat ng Gubat :)

    Oo nga, for begginers nga:P Pero siguro kasi, kung beginner e mas maraming paliwanagan ang kailngang gawin hehehe. Hmmm, medto nakatulong nga yan sa akin e, ewan ko lang kung saan.

  • Pinky says:

    Naku, ako man “allergic” sa mga masyadong hi-tech na libro na puno ng jargon :) Ano yung “Luha ng Buwaya”? Tungkol ba yan sa mga politiko sa Pilipinas? Hehehe! ;)

    Yung luha ng buwaya e tngkol sa tunggalian ng mayaman at mahirap, sa bayan ng Sampilong. Maganda yun, ata:) Binasa ko nung HS yan e, para sa Filipino class:P

  • At siyempre pa, ang aking mga pag-aari ay tinta at papel lamang din. Interesante ang mga aklat mo.. pahiram ng luha ng buwaya. hehehe..

    Ang aking lahok ay naka-post na dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!

    May sentimental value ang luha ng buwaya e:P

  • lino says:

    hehe, meron din ako lahat ng libro ni bob ong, pero nakakahiyang sabihin na di ko pa rin tapos ang red book…(mac arthur)
    happy huwebes!!! :)

    Hehe, muntik ko na nga rin ‘di matapos yung red book, iba kasi e. Wala ngang balita sa kung merong bagong libro si BO.

  • ang dami!!!

    Naku, kaunti pa nga yan:P Hehe

  • karmi says:

    bigla tuloy akong napatingin din sa bookshelf ko. mejo madami rin akong librong “nabasa” ko na kunwari.. ewan, bibilhin ko kasi ung libro dahil tingin ko maganda, pero pagtagal, di ko pala feel ung kwento, so, ala na. di ko na babasahin. :P (parang alam mo na ata tong fact na ito. ^_^)

    wala na akong naitagong computer books. ipinamana ko na sa mga kaibigan ko nung umalis kami.. :)

    pero baby ha, mukha ngang bago ung mga libro mo. :P hehehe..

    hala, sabi ko nga, hindi ko na masyado sila nagagamit kasi nga may internet na:D Pero kung titignan mo yung mga BO books ko tsaka yung kikomachine:P Hehehe.

  • Cookie says:

    wow..ang hi-tech naman ng mga librong yan. parang nag-nosebleed ako habang tinitignan ko…di kaya ng powers ko yan!

  • nang mabasa ko mga titulo ng libro mo, feeling ko mano-nosebleed ako. LOL! ganun kasi ang sinasabi namin kapag parang di kaya ng iq ang laman ng libro. hehehe…

    http://moonlight-mom.blogspot.com/
    http://linnormarikit.wordpress.com/

  • uuuuy, love letter ba yon at postcard galing kay Karmi? aminin mo na. yun lang ata ang binabasa mo diyan eh. maaayos pa ang condition ng lahat ng libro eh.

  • jeanny says:

    Mga computer wiz pla kau hahahha….

    ayoko rin ng libro sa math…yung differential at integral calculus…bad trip hahaha pero kelangan aralin para maka graduate eh.
    Ang natitirang books na lang sa kin eh yung pang major ko dati…yung mag math books ko naglaho na :)

  • Finch says:

    pwede ba arbor yun “luha ng buwaya” ? :) lol

  • marites1034 says:

    oops..napaalala mo ako sa mga nabili kong libro na hindi ko pa nababasa.tsk! kailangang basahin na. andito na rin ang LP ko..http://www.pinaylighterside.com/2008/10/litratong-pinoy22-bago-nga-kaya-is-it.html

  • G_mirage says:

    Totoo, pag pangit ang librong nabili ko nanatili yung bago ang cover lol…di kasi nagagalaw hehe

  • yeye says:

    parehas tau. display lang sa bahay yang mga books..lalo na ung LPE. wuahahahahaha. lippincot buks LOL

    buti pa libro ni bob ong nababasa ko ng buo. toinks

    ung ibang books ko aun nga mukha pang bago, pwede pa ibenta sa recto hahaha

  • joana says:

    meron din ako nung buk ni eros na yun ska bt wala yat yung mcarthur ni BO? meron din akong kikomachine 1-4 hehe wala akong computer books pero madami akong libro ng nursing malapit na nga ako mag open ng library eh hahaha

  • ces says:

    ako rin may mga bagong luma na mga libro…naumpisahan na pero dko pa natapos ang iba:)

  • peachkins says:

    nakatabi na pala ang mga librong ito…pahiram naman.

    Nandito po ang sa akin..

    Happy LP!

  • caryn says:

    ako rin, i make sure na babasahin ko ang isang libro bago ko sya bilhin. i’m a bookworm so i tend to read a book several times over especially if i like it ;-)

  • eloiski says:

    ay lab books!
    yeah!

    lalo na yaong kay bob ong!

    apir tayo dyan!

  • Reflexes says:

    luma man ang kwaderno (naks!)…kung di pa naman nababasa ito’y bago pa rin. kala mo kung sino akong mahilig sa pagbabasa…isa pa akong tamad humawak ng libro. kay Mr. Google na lang ako magtatanong..hehe

  • may mga aklat din akong nabibili na hindi pala maganda. pero binabasa ko pa rin ng buo para matapos na agad ang aking pagdurusa sa pagbasa. hahaha!

  • iris says:

    yikes, sa mga libro mo ang hindi ko kayang basahin yung computer ek-ek! :D

  • Janis says:

    Kaaaarmiiii!!
    Guilty ako sa pagbili ng maraming maraming libro. Hehe. Minsan natatapos kong basahin yun, pero madalas nagsstay lang siya sa bookshelf ko. :) Balak ko ngang umpisahan na magbasa ulit eh. Basta hindi school-related :) Yay!

  • Janis says:

    Ooops sorry komski pala ang nagpost, hindi si karmi. hehe. sensya. antok pa ko eh. :D

  • maenoodle says:

    ayus sa collection puro computer books. adik ka adik ka! parehas tayo magbasa.. ganung-ganun.. kaso ang weird saken pag sobrang nagustuhan ko ung book pinapamigay ko. sa mga special superfriends. wala na kong book ni bob ong dito.. meron pala. ung mac arthur. nakatatlong copies na ko nung green book try ko kasi kumpletuhin sana ulit. kaso wala.. napapamigay ko. parang gusto ko lang i-share, ganun. di bale. makukumpleto ko dn un.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
kode.dr.ag/on
Images by desEXign.