tanging-liwanag

Tanging liwanag

26 Comments » October 22, 2008 » 508 days ago
Litratong Pinoy

liwanag

Sa pagsikat ng araw ay ang pagsaboy ng liwanag sa kapaligiran. Sa pagmulat ng mga mata sa umaga’y muling pagtingin sa magagandang bagay dito sa mundo. Sa paggising nati’y panimula ng isang bagong buhay… buhay sa kabila ng ating mga panaginip.

Ngunit ito ay liwanag bago ang kadiliman.

inangKailangang operahan sa mata ng lola ko, sa lalong madaling panahon. Isang mata lang, dahil sabi ng doktor ay hindi na maisasalba yung isa pa niyang mata na meron nang glaucoma, at susunod na yung isa pang natitira. Hindi namin kaya ang laser surgery, mas mura ang surgical operation. Hindi ko alam kung kailan, pero malapit na.

kung hindi lang kailangan ng liwanag upang makakita.

Ito ay aking ibinabahagi para sa ika-30 linggo ng Litratong Pinoy, na may temang Liwanag.

restricted

restricted

7 Comments » October 22, 2008 » 509 days ago
blabbers

eto talaga ang hirap kapag nasa trabaho ka, busy-busyhan portion ka tapos biglang *poof* may maiisip kang i-blog. anong gagawin mo? dalawa lang yan, una, itigil ang trabaho saglit para ilagay sa notepad ang mga naiisip o pangalawa, ipagpatuloy ang pagtatrabaho, wag pansinin ang ingay ng utak hanggat sa mainis ka na’t wala kang ibang magagawa kundi buksan ang notepad. mas pinili ko na ang unang option ko since un at un din naman ang magiging ending nito. ayoko nang patagalin pa.

nitong mga nakaraang araw, naisip kong umalis dito sa kundiman, magbukas ng ibang blog at dun na manatili. bull. isa itong malaking kalokohan. pero ito ang naiisip kong paraan para makapagblog muli. inilihim ko ito kay arvin, pero kahapon, naopen up na rin ang topic na ito. sa di ko malamang dahilan, hindi ko alam kung bakit sobrang ingat ko nang magpost ngayon ng blog entries. napansin ko ito simula noong bumalik ako galing Pilipinas. walang ideyang pumapasok, ni kahit anong random lang na pangyayari, wala. nada. idlip pa lang ako, tinamad na akong magblog, hanggat sa lumipat na nga ako dito sa kundiman.

feeling mo ba restricted ka dito sa kundiman?
kung dun ka magiging masaya, sige, gawa ka ng bagong blog.

yan ang sabi sa akin ni arvin, kahapon, kung kelan muntik-muntikan na nga akong umalis ng tuluyan dito. restricted nga ba ako? bakit nga ba hindi ako makapagsulat ng matino tulad ng dati? malaking factor ay ang pagiisip ko sa kung anong iisipin ng iba. madalas akong gumawa ng draft ng isang blog post at pagtapos ko itong isulat ay babasahing muli, ise-save ko sa aking laptop at hindi na gagalawin pang muli. hindi ko na ito ipu-publish. bakit? dahil iniisip ko kaagad kung ano man ang magiging comment ng mga mambabasa. oo, feeling ko naman, may readers ang kundiman, kung hindi man madami eh meron naman ata kahit papano. :) masyado kong isinaalang-alang ang ibang tao kaya di ko maipahayag ang gusto kong sabihin. ewan. alam kong mali, pero ganon ako. noon pa. hindi ako katulad ng ibang blogger na walang pakialam sa sasabihin ng iba.

o pwede ring dahil tinatamad lang talaga ako kaya di ako makapagsulat ng maayos. siguro nga.

so iiwan ko ba itong kundiman?
sus. di noh.

arte lang to. :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.