eto talaga ang hirap kapag nasa trabaho ka, busy-busyhan portion ka tapos biglang *poof* may maiisip kang i-blog. anong gagawin mo? dalawa lang yan, una, itigil ang trabaho saglit para ilagay sa notepad ang mga naiisip o pangalawa, ipagpatuloy ang pagtatrabaho, wag pansinin ang ingay ng utak hanggat sa mainis ka na’t wala kang ibang magagawa kundi buksan ang notepad. mas pinili ko na ang unang option ko since un at un din naman ang magiging ending nito. ayoko nang patagalin pa.
nitong mga nakaraang araw, naisip kong umalis dito sa kundiman, magbukas ng ibang blog at dun na manatili. bull. isa itong malaking kalokohan. pero ito ang naiisip kong paraan para makapagblog muli. inilihim ko ito kay arvin, pero kahapon, naopen up na rin ang topic na ito. sa di ko malamang dahilan, hindi ko alam kung bakit sobrang ingat ko nang magpost ngayon ng blog entries. napansin ko ito simula noong bumalik ako galing Pilipinas. walang ideyang pumapasok, ni kahit anong random lang na pangyayari, wala. nada. idlip pa lang ako, tinamad na akong magblog, hanggat sa lumipat na nga ako dito sa kundiman.
feeling mo ba restricted ka dito sa kundiman?
kung dun ka magiging masaya, sige, gawa ka ng bagong blog.
yan ang sabi sa akin ni arvin, kahapon, kung kelan muntik-muntikan na nga akong umalis ng tuluyan dito. restricted nga ba ako? bakit nga ba hindi ako makapagsulat ng matino tulad ng dati? malaking factor ay ang pagiisip ko sa kung anong iisipin ng iba. madalas akong gumawa ng draft ng isang blog post at pagtapos ko itong isulat ay babasahing muli, ise-save ko sa aking laptop at hindi na gagalawin pang muli. hindi ko na ito ipu-publish. bakit? dahil iniisip ko kaagad kung ano man ang magiging comment ng mga mambabasa. oo, feeling ko naman, may readers ang kundiman, kung hindi man madami eh meron naman ata kahit papano. :) masyado kong isinaalang-alang ang ibang tao kaya di ko maipahayag ang gusto kong sabihin. ewan. alam kong mali, pero ganon ako. noon pa. hindi ako katulad ng ibang blogger na walang pakialam sa sasabihin ng iba.
o pwede ring dahil tinatamad lang talaga ako kaya di ako makapagsulat ng maayos. siguro nga.
so iiwan ko ba itong kundiman?
sus. di noh.
arte lang to. :)













Hamak naman na mas madami readers niyo kesa saken. LOL :P
hmm. ganon nga minsan. bukod sa iniisip mo yung isinusulat mo, iniisip mo na rin kung anong magiging reaksyon ng mambabasa mo.
pero, blog nyo ito kaya walang pakielamanan. :D
write from the heart, shout with the mind and ignore the busy tones of the peripheral.
buti naman at drama lang yan… kung hindi eh malulungkot yung isang iiwan mo dito… okay lang yan… talaga sigurong dumadaan sa katamaran sa pagpopost… pero babalik din sigla mo nyan… at baka hindi mo na din isipin pa yung mga sasabihin ng iba.
yngat kau lagi :)
minsan ay naitanong ko na din sa sarili ko yan? tamad ba ako o nahihiya lang ako na ibuko ang sarli ko sa blog? nararamdaman ko yang nararamdaman mo..sinabi ko na din yan kay ate lalaine mo..sabiko sa kanya, buti pa nung kayong dalawa lang ni karmi ang nagbabasa ng blog ko, ang dami kong nasusulat at gustong isulat pero nung dumami ang readers ko,nahiya na akong mag sulat tungkol sa sarili ko..hehehe..
ok lang yan karmi..na mimiss ko nga yung mga entries mo e..alam mo ba na sobrang hanga ako sa iyo sa pagsusulat…
ganyan talaga yan. sabi nga ng isang blogerang nabasa ko “I have a love and hate relationship with my blog.” Lilipas din ang feeling ng katamaran. Mas mag eenjoy kakung blog kalang ng blog. Hayaan mo kung anong sabihin ng iba. Karamihan iyong mga nagsusulat ng tapat, iyon ang magaling magsulat.
ang hirap talaga pag di ka makapag express ng sarili para lang isipin ang damdamin ng iba… ang mangyayari parang hindi mo na rin ‘to blog.
happy happy B karmi!
hahahaha tol..ang arte mo talaga hehehehe. kaya kita labb eh hehehe :)
pare-parehas lang tayong walang mai-blog. hahahaha