Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.
Oo na, video nga dapat ang post ko para sa iyo pero… hehehe. Hindi kaya ng video editing ng PC ko at ng skills ko na rin:P Turuan mo na lang muna ako kung paano, kaw bihasa diyan e, hehehe.
Happy Birthday baby ko! Simula kanina, e ewan ko na kung anung ipopost ko para sa iyo, at malamang nga, tulad ngayon e wala ring kapupuntahan itong post na ito. Uy, parang yung darating na letter ko sa iyo:P Hehehe. Sana matanggap mo na yun! Special yun kasi todo-effort ang nilagay ko dun:D
Basta, kung medyo lagpas 3 tears yung naging birthday mo last year, sana e may naitulong ako para naman maging masaya ngayon:) Pwede bang yun na lang ang regalo ko? Hehehe:P
Love you baby ko! Miss you:D

Sa pagsikat ng araw ay ang pagsaboy ng liwanag sa kapaligiran. Sa pagmulat ng mga mata sa umaga’y muling pagtingin sa magagandang bagay dito sa mundo. Sa paggising nati’y panimula ng isang bagong buhay… buhay sa kabila ng ating mga panaginip.
Ngunit ito ay liwanag bago ang kadiliman.
Kailangang operahan sa mata ng lola ko, sa lalong madaling panahon. Isang mata lang, dahil sabi ng doktor ay hindi na maisasalba yung isa pa niyang mata na meron nang glaucoma, at susunod na yung isa pang natitira. Hindi namin kaya ang laser surgery, mas mura ang surgical operation. Hindi ko alam kung kailan, pero malapit na.
kung hindi lang kailangan ng liwanag upang makakita.
Ito ay aking ibinabahagi para sa ika-30 linggo ng Litratong Pinoy, na may temang Liwanag.
eto talaga ang hirap kapag nasa trabaho ka, busy-busyhan portion ka tapos biglang *poof* may maiisip kang i-blog. anong gagawin mo? dalawa lang yan, una, itigil ang trabaho saglit para ilagay sa notepad ang mga naiisip o pangalawa, ipagpatuloy ang pagtatrabaho, wag pansinin ang ingay ng utak hanggat sa mainis ka na’t wala kang ibang magagawa kundi buksan ang notepad. mas pinili ko na ang unang option ko since un at un din naman ang magiging ending nito. ayoko nang patagalin pa.
nitong mga nakaraang araw, naisip kong umalis dito sa kundiman, magbukas ng ibang blog at dun na manatili. bull. isa itong malaking kalokohan. pero ito ang naiisip kong paraan para makapagblog muli. inilihim ko ito kay arvin, pero kahapon, naopen up na rin ang topic na ito. sa di ko malamang dahilan, hindi ko alam kung bakit sobrang ingat ko nang magpost ngayon ng blog entries. napansin ko ito simula noong bumalik ako galing Pilipinas. walang ideyang pumapasok, ni kahit anong random lang na pangyayari, wala. nada. idlip pa lang ako, tinamad na akong magblog, hanggat sa lumipat na nga ako dito sa kundiman.
feeling mo ba restricted ka dito sa kundiman?
kung dun ka magiging masaya, sige, gawa ka ng bagong blog.
yan ang sabi sa akin ni arvin, kahapon, kung kelan muntik-muntikan na nga akong umalis ng tuluyan dito. restricted nga ba ako? bakit nga ba hindi ako makapagsulat ng matino tulad ng dati? malaking factor ay ang pagiisip ko sa kung anong iisipin ng iba. madalas akong gumawa ng draft ng isang blog post at pagtapos ko itong isulat ay babasahing muli, ise-save ko sa aking laptop at hindi na gagalawin pang muli. hindi ko na ito ipu-publish. bakit? dahil iniisip ko kaagad kung ano man ang magiging comment ng mga mambabasa. oo, feeling ko naman, may readers ang kundiman, kung hindi man madami eh meron naman ata kahit papano. :) masyado kong isinaalang-alang ang ibang tao kaya di ko maipahayag ang gusto kong sabihin. ewan. alam kong mali, pero ganon ako. noon pa. hindi ako katulad ng ibang blogger na walang pakialam sa sasabihin ng iba.
o pwede ring dahil tinatamad lang talaga ako kaya di ako makapagsulat ng maayos. siguro nga.
so iiwan ko ba itong kundiman?
sus. di noh.
arte lang to. :)
pasensya na sa post ko ngayon. sobrang wala pa ako sa hulog magsulat eh. may naisip rin nga pala akong post pero dahil ayokong magdrama at magpost tungkol sa kanya, eto na lang.. :D
first year college ako, ewan ko ba kung panong nauso sa class namin ung mga mga kahawig daw na artista. may kahawig ni Paolo Bediones, Borgy Manotoc, at kung sinu-sino pang celebrity. ako? may kahawig ba ako? ummm.. meron daw. :P
ni sa panaginip, di ko naisip na kahawig ko sya. naman. aminado ako na hindi ako maganda, cute lang. :P kaya naman lagi kong tinatanong ung mga kaklase ko kung ok lang ba sila sa tuwing sinasabi nilang kahawig ko nga raw si.. Miriam Quiambao.. :P
grabe, the Miriam Quiambao. Ms. Universe beauty, tas hawig ko?! KAMON!

:| ok. di ako feelingera. kahit ako, hanggang ngayo’y di pa rin makita kung panong magkahawig kami..
malapit na birthday ko at ito ang bumungad sa akin sa friendster comments ko nung isang araw..

*si ate Bev ay kapatid ng bestfriend kong si Raych.
ang agang pa-birthday naman nun.. hehehe.
sabihin mo nga sa akin, hawig ko ba sya?! :P hehehe.