E[Kwento]MO winner.

Posted almost 4 years ago contest, pakulo

and it all comes down to this…

ang nanalo sa E[Kwento]MO: Emo Writing Contest ay si….

ma?am, pangarap ko lang naman ang magkaroon ng bahay kubo kung saan nandoon ang nanay at tatay ko. pero, hindi ata mabibili ng dollars ng nursing yun eh.

Bahay Kubo | Ishy Bitsy

isang simpleng kwento tungkol sa anak na ang tanging hangad lang ay ang magkaroon ng Bahay Kubo kung san makakasama nya ang kanyang mga magulang. Simple, pero tagos. Congrats Ishy!

at ang mga runner’s up ay sina..

2nd PlaceNaaalala Mo Pa Ba? | Yods
3rd Place - Colds | Abou
When Can You Say that ENOUGH is ENOUGH? | PonCHONG
Lamentations of a Withered Tin Can | Ron
Wasak | Enday
4th Place - Sanlaksang Katanungan | Prosetitute
5th PlaceLonging? | Ice

ang official tally ng mga boto ay makikita sa E[Kwento]MO Winners Page.

Congratulations sa mga nanalo. Super thank you sa mga sumali at bumoto.. :) naging successful ang kauna-unahang Emo Writing Contest. salamat, sobrang salamat talaga!

Monochrome Friday #1: Flowers

Posted almost 4 years ago monochromeDay

Monochrome Day

Monochrome Friday #1: Flowers

If I had a flower for every time you made me smile,
I’d be walking in an endless garden.

* Picture taken last June 17, 2008 at La Mesa Eco Park.

===

Do you love monochrome — black & white, sepia or dualtone pictures? Then why not be a part of Monochrome Day — a photo meme, which runs every Friday. All you have to do is post a monochrome picture based on the theme for that week. Just go ahead and visit the website to fill out a registration form and start posting your favorite pictures. :)

bago-nga-kaya

Bago nga kaya?

Posted almost 4 years ago buhay bahay, Litratong Pinoy

mga libro ko

LP logoSabi ni @bob ong, “kung hindi mo raw babasahin ang mga libro mo, hindi talaga libro ang pag-aari mo kundi mga tinta at papel”. Pero ano nga naman ba ang gagawin ko kung hindi ko talaga matagalan ang pagbabasa sa ilan sa mga ito? Siguro uumpisahan ko sa simula, babasahin isa-isa ang mga pahina, ‘tas maglalagtaw ng ng dalawang pages, tatlo, apat o lima. Pagkatapos ay lalagtawan ang buong chapter at bago ko pa marealize, ayun, nasa back cover na pala ko.

Ayun, nabasa ko na kuno ang buong libro’t ilalagay na sa kanyang lugar sa improvised shelf na yan, at hindi na muling mabubuklat? ever.

Pero hehe, ‘di naman laging ganun, dahil sa limited ang budget ko, sinisigurado kong gusto ko talaga ang isang libro bago ko bilin. Ang di ko lang naman nagugustuhan ay yung mga required references sa school, lalo na yung sa Math:P

Madaling malaman kung paborito mo ang isang bagay, yun yung mga mabilis maluma, gula-gulanit, may mga sira at dumi. Pero ginagamit mo pa rin.

Ito ang aking lahok para sa ika-29 na linggo ng litratong pinoy na may temang Bago nga kaya? Ang litrato ko ay kinuhanan kanina, ang dating lalagyan ng tv na ginawa kong bookshelf, dito sa tabi ng aking pc. Tignan ang ibang pang mga bagay na kapag nakita mo’y mapapatanong ka kung “bago nga kaya?” sa mga lahok ng iba pang miyembro.

katorse

katorse

Posted almost 4 years ago inlove, ldr

Bumubuhos ang ulan, may bagyo na naman pala. Parang nung gabi bago tayo unang nagkita. Ngunit humupa naman ito sa oras ng ating pagtatagpo. Hindi tuloy nabasa ng ulan ang mga bulaklak na binili ko habang iniisip ka.

Maingay ang pagtama ng ulan sa bubungan. Parang nung sa MRT at sa bawat pagdating ng tren, na animo’y nawalan ng boses, nang makita kita. Tanging ang narinig ko lang nuon ay ang boses mong masaya at ang tibok ng puso kong hindi mapigil ang kaba.

Malamig ang hanging ihip ng nahuhulog na mga ulap, na lalong nagpapasarap sa pagkakayakap ko sa iyo at mga kamay kong ayaw bumitaw sa bewang mong malambot.

Kung dati’y umiiyak sa ligaya ang kalangitang bumalot sa ating kinaroroonan ngayo’y ang luha nya’y dulot ng paglisan ng liwanag niyang araw, sa paglubog nito sa kanluran.

– komski, Sept. 26, 2008

Oct. 12, 2008

9:00 am, habang naghihintay ako ng masasakyan pauwi ay nagtext ka. Parang noong unang beses tayong nagkita, alas-syete pa lamang ay nagpapalitan na tayo ng mensahe. Sinigurado mong pupunta ako sa tagpuan natin. Oo naman, sabi ko. Kahit na puyat ako’t kulang sa tulog, hindi ko mapapalampas ang pagkakataong ito. Ang pagkakataong makita na kita sa wakas.

Naalala kita sa katabi kong lalake, tahimik. Wala kang imik na iniabot sa akin ang bulaklak, at kahit na tumabi na ako sau, di mo pa rin ako kinakausap. Ramdam ko ang kaba sa buo mong katawan pero dinaldal pa rin kita. Di mo lang halata na kinakabahan din ako.

Pagsakay ko ng bus, hinahantay kong may humawak ng aking mga kamay ngunit wala ka. Nais ko nang maramdamang muli ang init ng iyong mga kamay habang mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin. Malamig sa loob ng bus, pero wala ka para yakapin ako’t hayaan akong makatulog sa iyong mga bisig.

Muli kang nagtext, sabi mo’y ingat ako. Parang nung gabing inantay mo akong makasakay papauwi. Bago ako makasakay ng jeep ay hinalikan mo pa ako sa pisnge. pagsakay ko’y, hinabol kita ng tingin habang tumatakbo ang jeepney papalayo. Ang tagal na nun, apat na buwan na pala ang nakalipas.

===

Apat na buwan nang nakalipas ngunit ang mga ala-ala ng nangyari ng araw na un ay hindi ko makakalimutan. Mula sa paghihintay mo sa akin sa MRT station hanggang sa makasakay na ako ng jeep na biyaheng San Mateo. Hanggang ngayo’y napapangiti pa rin ako kapag naaalala ko kung pano natin naagaw ung bench dun sa dalawang mama, at naririnig ko pa rin ang hiyawan natin habang nanonood sa Project One. Ang saya talaga ng araw na un. Sobra. :)

Happy Monthsary baby ko:* Mahal na mahal kita.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.