job-hunting-mode-on

job hunting mode ON.

Add comments November 3, 2008 » 502 days ago
buhay SATown

naalimpungatan ako dahil sa pagriring ng celphone ko. tiningnan ko kung sino ung tumatawag, bossing ko. di ko na lang muna sinagot ung tawag dahil wala pa ako sa matinong pagiisip, baka may kung anong masabi pa ako. tumigil ang pagring ng telepono at inintay kong magleave na lang sya ng voicemail. at ayun nga, nagiwan ng mensahe ang aking bossing. dinial ko ang ‘1′, at pinakinggan ang mensahe. malamang work related ito.

Carme, I just got a call from *supervisor’s name* about an issue regarding last weekend.

*gulp* patay na. ako lang ung nagtrabaho para sa shift namin buong weekend. ano kayang nangyari??

.. it was about the Monthly Advisory template that shouldn’t be run and it was highlighted on both the regular schedule and weekend turnover. When we checked the schedule, it got your initials on it that you ran it. Can you please call me back as soon as you get this message.

x_x napabangon akong bigla. siomai. pwede bang magpalit muna ng pangalan kahit ngayon lang? para lang makalusot sa problemang ito?

pero, hindi. alam kong tama ung ginawa ko. nabasa ko ung turnover, oo, sabi, wag munang i-run ung template hanggat hindi pa tapos ung isang template. eh natapos naman so ni run ko na rin. un ang sabi ko sa bossing ko habang kausap ko sya sa telepono. sabi nya sa akin, tawagan ko daw ung isang bisor sa trabaho, para i-explain ko. hainaku, akala ko tapos na, di pa pala. nosebleed much.

di-nial ko ung number namin sa trabaho. kinausap ung isang bisor. *yada yada yada* inexplain sa kanya ung ginawa ko, kung bakit ko ginawa at inamin ang pagkakamali. tsk. sabi daw pala sa turnover, DO NOT RUN UNTIL FUTHER NOTICE. actually, di ko nabasa un talaga. pero, bisor eh, check ko na lang ung turnover sheet mamaya pagpasok ko. natapos ang paguusap namin sa pagsasabi ko ng ‘Yes ma’am, its my fault.’ magse-send daw sya ng email sa programmer at dun sa client. ayos, sikat na naman ako for the wrong reasons.

tinawagan ko muli ung bossing ko, kwento ulit. at oo, mali ko nga talaga. wala na lang syang ibang nasabi, kundi, ‘Thanks for calling me back.’ nice one karmi. ayos ka talaga.

hay.

kakasimula pa lang ng panibagong taon ko sa pinagtatrabahuhan ko, katatapos lang ng yearly evaluation, pero nakakadalawang major pagkakamali na ako. sobrang malas naman. tsk. baka sa susunod eh mawalan na ako ng trabaho kaya naman job hunting mode na naman ako.

goodluck.

Mga Kahalintulad na Posts



5 Responses to “ job hunting mode ON. ”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.