Isang gabi, habang nagpapahinga kami sa paggawa ng project namin sa Social Studies, na hindi ako sigurado nun kung matatapos namin, ay biglang naisipan ng kaklase kong ipakita ang mga nakuha niyang scanned pictures nung Intrams. Isa-isa naming tinignan, hanggang sa makarating kami sa litrato sa itaas.
Ang kaklase kong lalakeng inaantok ata habang pinagtitripan ng mga babae. Ang korny kong platoon commander habang nagpapump ng hangin para sa mga baloons, ang mayor naming ewan ko na kung saan nakakuha ng shades, at teka teka, bigla ko na lang naalala kung nasaan ako sa litratong ito, andun ako sa kinulayan kong bilog. Andun ako sa likod, katabi yung crush ko.
Kwentuhan mode. Ewan ko lang kung anung hinihintay namin, basta alam ko e kumportable ako sa kinauupuan ko. Kausap ko siya, kausap ko siya! At laking tuwa ko pa na habang may biglang kumausap sa aking iba, ay umusod yung crush ko papalapit sa kinauupuan ko:D Ang isang dangkal na layo namin sa isa’t isa ay nangalahati na. Sobrang close na namin! Hehehe.
Ok na sana ang lahat, kung hindi lang naglunchtime. Nauna nang tumayo ang mga kaibigan ko, paalis na papuntang canteen; pero ako, naistuck yata sa pagkakaupo. Naguluhan ako sa aking gagawin, gusto ko magpaiwan, pero magugutom ako, lol. Hindi ko naman siya maaayang magluch, may baon siya. Tinawag akong muli ng mga kaibigan ko. Ayun, tumayo na ako at umalis. Oo na, ang hina mo komski!
Pilit kong pinagmamadali ang mga kaibigan ko para makabalik kaagad kami sa Gym. At ayun, back to start, mag-uumpisa na naman sa pasimple-simple kong pag-upo papalapit sa crush ko. Minsan, ako yung nagbobomba ng hangin at siya naman ang may hawak sa baloon. Awww, kilig, hahaha.
Well, ‘di ko na maalala yung ibang detalye pero basta, nasira yung isa sa dalawa naming pumps, kaya humina yung produksyon namin ng baloons. E malapit na magstart yung program, kaya ako, ayun nagsusubok magpakahero para pogi points. Sinubukan kong ayusin yung pump.
Natanggal kasi yung pinagkakabitan nung handle sa loob mismo nung pump. Sinubukan kong buksan, e hindi naman pala napipihit yung takip. Humiram ako ng gunting para paluwagin yung takip, tipong bottle-cap opener. Pero ewan ko ba sa kung anung kamalasan ang dulot nung pump na yun, tumalikwas yung gunting at nasalo ng daliri ko. Ayun nagdugo. Duguan na ang nagpi-feeling hero.
“Ok lang ako, ok lang ako..”, yun na lang ang nasambit ko. Pero tumatagas ang dugo. Kinuha ko yung panyo ko at itinakip sa aking daliri. At eto ang maganda, (hahaha, kinikilig ako, lol) Siya ang gumamot sa akin! Hahaha. Masakit ang alcohol sa sariwang sugat, pero grabe, ang sarap:P lol. Inalagaan ng prinsesa ang duguang kabalyero!
Uhm… medyo blurry na yung mga sumunod na pangayari. Ibig sabihin, alang nangyaring may kinalaman sa kanya, hehe.
Scene: Malapit na mag-end ang cheering competition. Ewan ko pero kaming dalawa ng crush ko e magkatabi na naman. Maingay, magulo ang lahat, nagchi-cheer (duh!). Pero kaming dalawa, nakaupo at walang imik.
Hindi ako makapagsalita. Tahimik rin siya. Hindi ko alam ang nangyayari sa cheering. Siya lang ang iniisip ko. Matagal rin kami na ganuon, nakikiramdam sa isa’t isa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kakausapin ko ba siya? Anung sasabihin ko? Sasamahan ko siya papunta sa service niya? Aayain ko siya magMcDO? Kaya nilakasan ko ang loob ko hanggang sa…
Umuwi na siya. Tapos na kasi.
Ito ang aking lahok para sa ika-32 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Maalaala mo kaya? Hindi ko alam kung saan galing yung litrato sa itaas, nakuha ko lang sa kaklase ko; kinuhanan nuong Intrams 2003, 4th year high school ako. Bisitahin ang iba pang mga alaala ng mga miyembro dito.
Apat sa mga kaklase ko ang may parehong pangalan, kasama na rin yung crush ko. Kaya ang ginagamit namin para tawagin sila ay ang kanilang apelido. Ang apelido ng crush ko? Maala.
Para sa mga sagot ko sa mga tanong ni teacher Julie:D ito yung magiging sagot ko kung nung 90’s ako tinanong:)
1. Ano ang paborito mong palabas sa TV? madami, cartoons at anime
2. Sino ang paborito mong artista? Wala:P
Ano ang paborito mong pelikula? Back to the Future series
3. Ano ang paborito mong meryenda? hotcakes sa may gilid ng simbahan (aliw kasi panoorin yung pagluluto sa bilog na flat na kawali)
4. Ano ang paborito mong babasahin? Encyclopedia!
5. Ano ang paborito mong lugar na pasyalan? toy store:D
6. Sino ang iyong pers crush? hindi ko kilala, kaklase ko nung kinder, anak ng titser
7. Sino ang iyong best prend? wala.
8. Sino ang iyong paboritong guro? Sir Pascual, kasi magaling ako sa Math!
9. Ano ang iyong paboritong laro? Super Mario Land, FamiCom
10. Meron ba kayong alagang hayop noon? Si Brownie, kaya lang tulog ng tulog, niluto tuloy ng mga tito ko.














sayang di kita si komski. hehehehe
kamukha nung guy ang aking pamangkin. hehehe! Sana high school pa ako. ang saya di ng intramurals namin nun
kahit mahaba, binasa ko ang kuwento ha. nakakatuwa kasi malaman ang ibang detalye ng kwento nyo. :)
Overflow
Captured Moments
akala ko di mahaba un pala mahaba.:)
masaya naman ako at tinapos ko.:)
nakakawili pala
maligayan LP
Photography of a Frustrated IT Student
ganda na sana ako sa kuwento mo kaya lang na-shock ako doon sa nangyari kay Brownie. Kakatakot naman ng mga tito mo, niluluto ang mga natutulog hehehehe!
Kiligan blues, nakakatuwa pag naalala di ba? Kayo talaga, kabataan nakakamiss!
onga, aso ba si brownie? sana nga kesa pusa…wawa naman.
nakakakilig talaga ano kapag nakakasama at nakakausap ang crush? ang lagay e hanggang crush na lang ba? yeeeheeee! :D
1. Ano ang paborito mong palabas sa TV? lahat ng shows sa ABS-CBN. lalo na ung mga cartoon series at educational shows. :D
2. Sino ang paborito mong artista? ummm. Jolina forever! hahaha.
Ano ang paborito mong pelikula? kahit anong Jolina movie?! hahahaha.
3. Ano ang paborito mong meryenda? halo-halo na walang red beans. ayoko nun eh.
4. Ano ang paborito mong babasahin? di pa ako nahihilig magbasa ng libro. cguro ung mga pocketbooks lang na pinaparentahan ng tita ko sa probinsya.
5. Ano ang paborito mong lugar na pasyalan? Ali-Mall sa may Cubao.
6. Sino ang iyong pers crush? Marianito ung pangalan nya. as in tinutukso kaming dalawa ng buong klase. :P at tinawag nila akong Marianita. hahaha. wat a name. (syet, codename na naman ito.)
7. Sino ang iyong best prend? Jessamine. classmate ko rin nung kinder.
8. Sino ang iyong paboritong guro? Mrs. Jadaone. Calculus teacher namin nung HS.
9. Ano ang iyong paboritong laro? badminton.
10. Meron ba kayong alagang hayop noon? ummm, meron, rabbit at aso.
===
masyado akong naaliw dun sa 10 questions. grabe baby, talagang kahit konti lang ung kita sa likod mo eh nalaman mo pa. :)
ayiiii. crushness. ang dami mo talaga crush. :P
ahahaha! ang torpe mo pala noon! :p
nakaktuwang maalala ang mga masasayang oras na ito ng kabataan habang tayo ay nasa eskewelahan pa lamang…something to cherish and give a smile on our face once in a while…
ganda pala ng header mo… ngayon ko lang napuna… :)
so intramurals pala ang memories mo…. :)
Hehe. Happy LP!
Kumusta po? Ito po ang lahok ko ngayong linggo.
Naku, Komski, mabuti na lang at di selosa si Karmi at pinayagan itong “Maala”-ala mo kaya moment mo – hehehe
ang sarap alalahanin ang high school life no?
happy LP!