yahoo-chat

Yahoo! Chat.

3 Comments » November 8, 2008 » 496 days ago
ldr

baby ko

Bingi ‘pag alang headset

Pinagmamasdan ko ang bawat galaw ng pagsara’t pagbukas ng iyong bibig dahil ang iyong mga salita naman’y hindi ko ko makayanang marinig. At hindi sapat ang pagbabasa ko sa mga labi mong kahit anung bukang gawin ay katahimikan pa rin ang sa mga ito’y namumutawi.

Ang mga damdaming hindi magawang masabi’y ipinararating sa mga mata mong bintana ng isip. Hindi man makiliti ang tenga mo ng boses ko’y ang mga ngiti mo nama’y nagsasabi ng sayang dulot sa ‘yong puso nitong ating pag-ibig.

Bulag ‘pag alang webcam

Naririnig ko ang boses mong abot ng aking pandinig, ngunit wala ang iyong hiningang dati’y mainit na dumadampi sa aking pisngi. Ni hindi ko rin nakikita ang bawat ngiti na dati’y hindi maatim malagpasan ng aking pagtitig.

Ngunit sa aking pagpikit ay mukha mo ang siyang ang aking mga mata’y nalilikha sa dilim, kasama na ang mga alaalang nabuo nang tayo pa’y magkasama’t magkapiling; na sa aking pagdilat ay matutungo akong muli sa katotohanang malayo ka’t hindi abot ng aking mga bisig.

Patay ‘pag alang internet

Gusto na kita makasama.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.