yahoo-chat

Yahoo! Chat.

Add comments November 8, 2008 » 497 days ago
ldr

baby ko

Bingi ‘pag alang headset

Pinagmamasdan ko ang bawat galaw ng pagsara’t pagbukas ng iyong bibig dahil ang iyong mga salita naman’y hindi ko ko makayanang marinig. At hindi sapat ang pagbabasa ko sa mga labi mong kahit anung bukang gawin ay katahimikan pa rin ang sa mga ito’y namumutawi.

Ang mga damdaming hindi magawang masabi’y ipinararating sa mga mata mong bintana ng isip. Hindi man makiliti ang tenga mo ng boses ko’y ang mga ngiti mo nama’y nagsasabi ng sayang dulot sa ‘yong puso nitong ating pag-ibig.

Bulag ‘pag alang webcam

Naririnig ko ang boses mong abot ng aking pandinig, ngunit wala ang iyong hiningang dati’y mainit na dumadampi sa aking pisngi. Ni hindi ko rin nakikita ang bawat ngiti na dati’y hindi maatim malagpasan ng aking pagtitig.

Ngunit sa aking pagpikit ay mukha mo ang siyang ang aking mga mata’y nalilikha sa dilim, kasama na ang mga alaalang nabuo nang tayo pa’y magkasama’t magkapiling; na sa aking pagdilat ay matutungo akong muli sa katotohanang malayo ka’t hindi abot ng aking mga bisig.

Patay ‘pag alang internet

Gusto na kita makasama.

Mga Kahalintulad na Posts



3 Responses to “ Yahoo! Chat. ”

  • Chie says:

    Aww. Mahirap na talaga kapag magkalayo. Goodluck sa future niyong dalawa, eh klaro naman. ;)

  • karmi says:

    patay talaga kapag walang internet. *sigh* kaya dapat di na magloko SmartBro. sana. :)

    *yakap!* iloveyou. alam mo naman yan diba? :) dahil kahit na di kita nakikita o di naririnig ang boses, andito ka na sa akin… may idaragdag pa sana ako pero, cheesy na. :P hehe.

    iloveyou baby. :)

  • choco says:

    iLike it when both you lovebirds get cheezy…

    hay…naman! marami talaga mamatay pag nagloko ang SmartBro. tsk tsk!

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.