madaling-araw/umaga
kakahiwalay pa lang natin, mga tatlumpong minuto ang nakakaraan ay nagri-ring na ung telepono ng barkada ko. alam na namin pareho kung sino ung nasa kabilang linya, ikaw syempre. sinagot ko ang telepono, alas-dyes na un ng gabi, at tama nga ang kutob namin. walang patid na kwentuhan pa rin ang nangyari, kahit na buong araw na taung magkasama kanina. hinatid mo pa nga ako dito sa bahay ng barkada ko, dahil may company outing kami kinabukasan. nasakto namang magkapitbahay lang kayo, kaya ok lang na hinatid mo ako. may tigabitbit tuloy ako ng gamit. inaya mo kami ng kaibigan ko na lumabas, pumunta sa isang bar malapit sa inyo. di naman pwede dahil maaga pa kaming aalis kinabukasan, kailangan naming matulog ng maaga.
nakatulog na ung barkada ko, pero gising pa rin ako’t kausap ka. sinabi mo na sasama ka sa amin papunta sa opisina, para din may tigabitbit ako ulit ng gamit. tumanggi ako, sabi ko, wag na lang, masyadong maaga para bumangon ka’t ihatid lang kami. mejo nagtalo pa tayo noon, pero wala, nanalo pa rin ako. nagbabay ka na’t sinabing matulog na ako. sabi ko nama’y matulog ka na rin. pareho nating ayaw ibaba ang telepono pero kailangan. sapilitan.
ikaw pa nga ang gumising sa akin kinabukasan. muli mong tinanong kung pwede kang sumama, sabi ko hindi talaga pwede. pero salamat.
nasa trabaho na kami ng barkada ko, katext pa rin kita. bigla kong naisip, sana pala’y isinama na lang kita sa outing namin. sayang. nasa huli talaga ang panghihinayang.
tanghali.
masaya ang company outing. may mga games, picture taking at syempre kainan. resort ung pinuntahan namin ngayong taon. swimming galore hanggang sa magsawa. kasama ko ang mga kabatch ko sa trabaho at syempre andun ka. nagkaroon ng room assignments, kasama ko ung mga ka-team ko. pero di rin nasunod un, dahil sa inyo ako sumama. iisang kwarto lang ang pinagistyan ng batch natin. babae at lalake magkakasama sa iisang kwarto, matapos ang tanghalian, nagpahinga muna ung grupo natin sa may playground. kwentuhan, heart-to-heart talk. di ko malaman kung paanong naiwan tayong dalawa sa may swing. siguro kasi, nabore ung mga kaibigan natin kaya sumama sila sa mga naglilibot sa resort. di ako sumama kasi gusto ko lang maupo, parang pareho pa nga tayo ng iniisip dahil pareho tayong di kumibo sa kinauupuan natin. nagopen up ka, sabi mo, nagbreak na kayo ng gf mo. sya ung kinuwento mo dati na umalis ng Pinas para magtrabaho. sabi mo, di mo kayang maghintay kasi, di naman din sigurado kung may hihintayin ba. di ako makaimik dahil alam nating pareho na ganon din ang magiging sitwasyon ko. ilang buwan na lang aalis na rin ako’t may iiwanan.
un na ata ung madrama nating paguusap. ang pagkakakilala ko kasi sayo eh maloko ka, palabiro. may mga problema ka rin palang tulad ko. madalas kasi, ako ung lumalapit sayo kapag may problema ako, salamat dahil sa wakas ay nagopen up ka.
wala na ata tayong mapagusapan, kaya niyaya mo akong pumunta dun sa beach. sumama naman ako, kasi crush kita noon pa.. (hahaha, teka, kanta ng moonstar88 to ah). naglakad lang tayo sa may dalampasigan, kwentuhan pa rin. tapos, nakita natin ung banana boat, walang sakay kaya sabi mo, sakay tayo. sinabi ko sayo na di ako marunong lumangoy, sabi mo ikaw rin, pero di mo naman ako pababayaang malunod. di na natin namalayan ang oras, lumubog na ang araw pero magkasama pa rin tayo. hanggang sa nakita na tayo ni manong, bawal daw pala ung ginawa natin, nakalibre daw tayo. oh well, too bad, natawa na lang tayo pareho.
gabi.
ngayong gabi ung company night thing. pagtapos ng hapunan at nagsipuntahan tayo sa may harap ng beach dahil may program at inuman. kasama ko ung mga barkada ko noong college na katrabaho ko rin. sayawan, kantahang walang sawa. grabe, this is the life, party hanggang madaling-araw. ganon sana ang gusto kong mangyari, pero dahil sa napagod ako dun sa pagsakay ko ng banana boat, mejo sumama ang pakiramdam ko. ang KJ. nakakainis, gusto ko pang magsayaw kasama mga barkada ko, pero nahihilo na ako.
wala akong ibang nagawa kundi ang bumalik na lang sa kwarto. at dun na kita nakita. tinanong mo ako kung ok lang ba ako, sabi ko, hindi, nahihilo ako kaya babalik na lang ako sa kwarto. sabi mo’y samahan mo na ako. pumayag naman ako. kwentuhan, pero tahimik ka lang. actually, tahimik ka naman talaga. pagdating sa kwarto eh andun ung iba nating kabatch. pinaalis mo ung isa kaibigan natin dun sa kama at sinabing kailangan ko kasing mahiga. pinahiga mo ako’t kinumutan. tinanong mo ko kung nagugutom ba ako, sabi ko hindi.
di ka na umalis sa tabi ko mula noon. sabi ko sau, lumabas ka na, ok lang ako, sayang kasi ung kasiyahan sa labas. sabi mo, hindi na lang, dun ka na lang. tinanong mo ko kung ano bang nangyari, sabi ko, napagod lang buong araw. nakatulog na ako. ewan kung umalis ka ba sa tabi ko.
nagising ako sa ingay ng mga kabatch ko sa kwarto. di na ako masyadong nahihilo kaya’t bumangon ako’t hinanap ka. andun ka sa labas, nagmumuni-muni ata. nilapitan kita at nagpasalamat. tinanong mo ako kung kamusta na pakiramdam ko, sabi ko, ok na. tahimik ka talaga. bihirang magsalita. gusto kong tanungin kung anong iniisip mo, pero di na lang. hinayaan ko ang katahimikang pumagitan sa ating dalawa. masaya na ako dun.
umaga. tanghali. gabi. 2005 pa nangyari yan. summer 2005. hanggang ngayo’y naaalala ko pa rin, bawat nangyari ng araw na un. isang araw, 3 lalake. oo, iba’t-ibang lalake yan.













May pre-monthsary post ka pang nalalaman nung isang araw:P haay, siempre, ‘di naman maiiwasan na magselos sa iyong nakaraan, pero yung nga, nakaraan na:P
Hmmph, ba’t ‘pag sa kanila, maayos kang magpost, sa akin, parang ‘di mo nga maalala yung mga ginawa natin sa araw-araw na nagkasama tayo:( Nakalimutan mo na kagad.
Kakaunti na lang nga, labo-labo pa, hehehe. well, ganun talaga:P Wala naman ako magagawa pa dun.
playgirl ka ba dati karmi? he he
biro lang he he
hala. c bilas arvin, nagseselos oh.
mukang epektib tong gantong tactic ah. sis, pwde bang pagaya ng post? haha.
er. wag na pala. behave mode ako eh.. kumbaga grounded ako sa mga ganyang bagay bagay. hehehe.
missYou sis! muahmuah. =)
PS.
malapit lang ba ang LA sa inyo? joke. baka magdilang anghel ako. naku. di pa ako ready. hehehe. :D
ui jelling c arvin hahahahaha
3 lalake. lalakero si karmi hahahaha. lagot! :lol:
nyay…ang dami mo palang kalalakihan…pahingi naman kahit dalawa..joke lang..
miss u karmi
i missed your ka-sentihan talaga na soooper haba =)pero kaaliw basahin. im glad im back =)
uy selos si komski. haha.
ok. sasagot lang ako ha =) hehe.
@komski – nakausap na kita tungkol dito. :) sorry kung nagselos ka, di naman un ang gusto kong mangyari.. oo, past na yan. :) sus. parang i remember the boy, but i dont remember the feeling na yan. :)
@abou – hahaha. di ako playgirl kuya. closeness lang siguro talaga ako sa mga kaibigan kong lalake. kaya ayan. :)
@sissy – teka, anong meron sa LA?! hmmm.. malayo sa amin, pero, pwede namang dayuhin. :D hehe.
@yeye – lalakero ba? er.. lagot nga. hehehe. :P pero, dati na yan noh. :D stick to one naman ako eh.. :) hehe.
@ate rio – miss u too ate! hala, daming lalake ba? hehe. isa lang dyan ung inibig ko talaga. nyahahaha.
@roselle – buti bumalik ka na! :D namiss din kita.
@hachi – hachiko! :D ummm. wag mo nang gatungan. hehe.. ^_^ tc!