nakita-mo-yung-stats

Nakita mo yung stats?

11 Comments » November 15, 2008 » 489 days ago
blabbers

Yun ang paminsan-minsan naming bungad ni karmi sa tuwing may nakikita kaming kakaiba sa stats, sa mga bumibisita, mga binibisita, mga kiniclick, mga viniview, at pati na yung mga hinde. May mga weird searches, weird na referrers at minsan din, may mga weird na visitors… at eto  ngayon ang isa.

Eto ang isa sa mga pinakaweird na nakita namin. Weird, kasi, hindi namin alam kung bakit. Well, sinabi ko na lang kay karmi na hindi lang sa amin niya ito nagawa at malamang ay sa iba rin. Kung anu yun, tignan mo muna itong screenshot ng statcounter page ng kundiman.

nagsave

Tignan mong url na viniew niya; H:/Ang Blog natin/kundiman -imissu.mht Yan ang weird na part. Ang simpleng explanation ay sinave niya yung post page ng imisu entry ni karmi, yung may video. At viniew niya nung isang araw at muli, kaninang umaga.

Well, ang sinasabi nitong stats ay gumagamit siya ng IE, Windows XP at base sa nakuhang screen resolution, isang laptop; na sa pagbabasa ko sa wikipedia ay nakakalamang na isang Lenovo Thinkpad. Yung iba kasing netbooks ay Vista na ang gamit o kung anung flavor ng Linux kaya narrowed down ang choices.

PLDT Sampaloc. Nagmukhang static IP ang gamit niya na offered lang ata sa business package ng PLDT MyDSL, pero laptop ang gamit so malamang na home user siya? Ewan.

At kamusta naman sa Ang Blog natin na folder name. Ang alam ko kasi ay kaming dalawa ni karmi lang ang nagmamay-ari sa kundiman, at nasa Amerika si karmi. Wala ako sa Sampaloc, hindi ako naka-PLDT at lalong wala akong laptop, wish ko lang:P So yun ang isa pang weird.

Plus, notice the drive letter, H:\, na masyado atang malayo sa normal na C: at D: kaya ang naiisip ko lang na dahil ay isa itong USB flash disk. Which raises the question, bakit sa flash disk niya sinave? Nung una e hindi ko pa napapansin na laptop yung gamit kaya ang naisip ko nung isang araw ay nagpunta siya sa net shop, sinave yung post page sa usb, para basahin sa bahay, na ngayon ay unlikely na.

He/she has a laptop, sinave niya sa usb yung page, ‘tas viniew niya kaninang umaga. Well, even the saving part is weird. Bakit mo isesave yung page kung may internet connection ka naman? Tignan mo, sinave niya yung page na nagcocontain ng Statcounter code. Inopen niya sa browser yung page, gumana yung script kasi nga may internet connection kaya nakuha sa stats. Walang referring link kasi nga nidouble-click lang niya yung nakasave na file.

Ang weird talaga ng nagsave sa post na yun.

Kung balak lang niyang mapanood yung video at sinave niya yung page thinking na hindi na ito makukuha sa stats, I suggest na kunin na lang niya yung Vimeo page nung vid. At hmmm, kakaunti lang yung entries nung IP na yun sa stats pero thinking na sinave niya yung isang post, malamang subscribed siya sa feed ng kundiman.

Bakit nga kaya ano?

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.