Nakita mo yung stats?
Yun ang paminsan-minsan naming bungad ni karmi sa tuwing may nakikita kaming kakaiba sa stats, sa mga bumibisita, mga binibisita, mga kiniclick, mga viniview, at pati na yung mga hinde. May mga weird searches, weird na referrers at minsan din, may mga weird na visitors… at eto ngayon ang isa.
Eto ang isa sa mga pinakaweird na nakita namin. Weird, kasi, hindi namin alam kung bakit. Well, sinabi ko na lang kay karmi na hindi lang sa amin niya ito nagawa at malamang ay sa iba rin. Kung anu yun, tignan mo muna itong screenshot ng statcounter page ng kundiman.
Tignan mong url na viniew niya; H:/Ang Blog natin/kundiman -imissu.mht Yan ang weird na part. Ang simpleng explanation ay sinave niya yung post page ng imisu entry ni karmi, yung may video. At viniew niya nung isang araw at muli, kaninang umaga.
Well, ang sinasabi nitong stats ay gumagamit siya ng IE, Windows XP at base sa nakuhang screen resolution, isang laptop; na sa pagbabasa ko sa wikipedia ay nakakalamang na isang Lenovo Thinkpad. Yung iba kasing netbooks ay Vista na ang gamit o kung anung flavor ng Linux kaya narrowed down ang choices.
PLDT Sampaloc. Nagmukhang static IP ang gamit niya na offered lang ata sa business package ng PLDT MyDSL, pero laptop ang gamit so malamang na home user siya? Ewan.
At kamusta naman sa Ang Blog natin na folder name. Ang alam ko kasi ay kaming dalawa ni karmi lang ang nagmamay-ari sa kundiman, at nasa Amerika si karmi. Wala ako sa Sampaloc, hindi ako naka-PLDT at lalong wala akong laptop, wish ko lang:P So yun ang isa pang weird.
Plus, notice the drive letter, H:\, na masyado atang malayo sa normal na C: at D: kaya ang naiisip ko lang na dahil ay isa itong USB flash disk. Which raises the question, bakit sa flash disk niya sinave? Nung una e hindi ko pa napapansin na laptop yung gamit kaya ang naisip ko nung isang araw ay nagpunta siya sa net shop, sinave yung post page sa usb, para basahin sa bahay, na ngayon ay unlikely na.
He/she has a laptop, sinave niya sa usb yung page, ‘tas viniew niya kaninang umaga. Well, even the saving part is weird. Bakit mo isesave yung page kung may internet connection ka naman? Tignan mo, sinave niya yung page na nagcocontain ng Statcounter code. Inopen niya sa browser yung page, gumana yung script kasi nga may internet connection kaya nakuha sa stats. Walang referring link kasi nga nidouble-click lang niya yung nakasave na file.
Ang weird talaga ng nagsave sa post na yun.
Kung balak lang niyang mapanood yung video at sinave niya yung page thinking na hindi na ito makukuha sa stats, I suggest na kunin na lang niya yung Vimeo page nung vid. At hmmm, kakaunti lang yung entries nung IP na yun sa stats pero thinking na sinave niya yung isang post, malamang subscribed siya sa feed ng kundiman.
Bakit nga kaya ano?






ok. isa lang ibig sabihin niya.
may fan na si ate karmi. haha
hmmm…detective conan…ikaw ba yan? hahaha!!! detective komski…hayaan mo na yan.. hehehe!!!
bilas, wag ka na mag isip ng kung anu ano. para di ka na mahirapan, aamin na ako. hahaha.
ako yan! di mo ba naisip? una, pldt. san ba ako nag work? pangalawa, laptop. ano ba gamit ko pag nasa bahay? pangatlo, samplaoc. san ba ako nakatira? hehehe.
ini-stalk ko kc c ate karmi. hahahaha. inggetera kc ako. :D
waaaaahhh.. joke. hahaha. kc naman bakit ganun, lahat ng clue mo, parang tumatama sa akin. hahaha. except yung browser at OS. mozilla at vista gamit ko eh. :D
miss ko na kayo ni karmimay! :D
PS.
ATE mimay, artista ka na! may stalker ka na. parang ako lang. hahaha. muahmuah! =)
@noime – hala ka, bat naman fan. :| baka trip lang talaga nyang panoorin ung video. :D
@choco – hahaha. detective nga ang dating ni arvin. :P talagang every clue counts. hehe.
@sissy – nye. ate mimay ka dyan. :P sissy naman.. anyways, hahaha, ikaw ba yan? sus, istalker ka dyan, eh alam mo naman lahat ng tungkol sa akin. haha, alam nga ba? LOL.
miss you too sissy! mwah!
==
ay comment ko nga pala. umm, nawindang ako baby, talagang pati laptop eh nalaman mo. :P hehe, ibang klase ka talaga. pero sino nga kaya sya ano? nuninuninuni.. isa na namang misteryo yan.. hehe.
uy… may mystery sa kundiman… anu kaya meron? hmmmm :D
komski: nakakanowsblid. puro jargon! hahahahaha
karmi: nax naman tol…hahahaha. sikat hehehe
vanny: nagjoke ka pa. aminin mo na kasi. LOL
nosebleed ako kay komski.
may stalker ang kundiman! haha
@karmi. ive used the RESPOND button nga pala in my blog, if its ok. :)
wow. fan nga siguro yan. :))
sa USB pa nagsave. :))
BTW, I have linked you in my other 2 blogs, I hope you can link my two blogs too. Their URLs are kimehh-ness.info and its-kimeh.cn. Oh yea, you are also linked on kimeh.net~Take Care! :p
nanosebleed din ako dun ah. hahaha =P
ate karmi yan, may fan. hahaha.
aysuuss!
ay panuod nga niyan hehe. isa ka ng star karmi waw ha may fan? sowcial! ewan ko sayo master komski adik ka. akalain mong naisip mo lahat un?! ayus ung taga-monitor nio ng stats high-tech ah.