aking-magulong-mundo

Aking magulong mundo.

Add comments November 19, 2008 » 487 days ago
current events

Ewan ko talaga kung paano ko ikukwento ‘to. Medyo mahabang paliwanagan din kasi. Mahaba, magulo, kumplikado. Kahit ako hindi ko alam kung naiintindahan ko nang lubos ang mga naging desisyon ko at umaasa na lang ako na sana nga e tama itong mga ginagawa ko sa buhay ko.

Hindi ako nag-enrol ngayong semestre. Hmmm, ang safe naman ng pagkakasabi ko. Ayoko na muna mag-aral. Ayan, mas may dating.

Ika-limang taon ko na sa kursong apat na taon lang dapat kinukuha. Nagkaproblema kasi ako at marami nga. Nagsimula sa patikim-tikim hanggang sa unti-unting lumalim. Tipong ganun, pero hindi ko ito ginusto. May mga klase akong hindi pinagtuunan ng pansin, yung mga minor subjects. Long history, nagsimula nung unang semestre ko pa lang sa eskwelahang parang gusto kong pagsisihan kung bakit ko pinasok.

Pasensya na sa inyong lahat. Nasayang ang buwis na ibinayad para sa pagpaparal sa akin. Hindi bagay ang kalayaang hatid ng unibersidad sa aking personalidad. Ewan, pero ang masisisi ko lang naman talaga e ang sarili ko. Hindi ako nagbago, hindi ako nakiayon, at hinayaan ko na lang na magkandaloko-loko ang sitwasyon ko hanggang sa umabot ako sa ganito.

Tatakas ako mula sa isang bagay na hindi ko matatakasan. Pero wala kasing mangyayari kung ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko. Sigurado akong lalo lang mabubulilyaso, lalong lalala at yun ay kung may mas ilalala pa sa kasalukuyan nitong estado. Nawalan ako ng interes, at lalayo ako sa pagbabakasakaling muling bumalik ang pagnanais kong pumasok sa loob ng klasrum upang mag-aral.

Under construction ang daan patungo sa aking graduation at wala ang construction workers na gumagawa nito na ako ang namamahala. Mag-iiba muna ako ng daang bubuuin. Ibang kalsada muna ang aking tatahakin.

Hindi sapat ang isang post para ipaliwanag ko ng lubos, na hindi ako sigurado kung kaya nga. Sa Biyernes mag-uumpisa ang training ko sa isang trabahong ‘di ko dati ninais pasukin. Ang trato ko sa trabahong ito ay tulad ng trato ko sa sponsored reviews, philippine politics, business pyramiding, at kursong nursing. Pero wala e, kung tatakas ako, mas maganda kung mabilis.

NCO Group, sa may building ng ABS-CBN. Ayus, araw-araw kong matatanaw ang mga dyip papunta sa unibersidad. Makakasalubong ko pa rin ang mga mag-aaral na nakasuot ng siglo strap sa ID.

Kung iisipin, pati ba naman diploma, ika-cram ko pa rin?

Mga Kahalintulad na Posts



7 Responses to “ Aking magulong mundo. ”

  • yeye says:

    awts…isang sem na lang.. isang sem na lang!!!
    sayang!

    kursong nursing? anong trabaho ba yn

    hahahaha

    pagaling kayong dalawa…hehehe

    ay walang kinalaman sa nursing yung trabaho ko:P call center, call center, hehe. at uhm, yun nga e, isang sem na lang, baka magkandaloko-loko pa.

  • Hachi says:

    sana maging maayos parin ang lahat…. sana talaga.

  • Ayos! At least araw araw ka makakakita ng artista. Pakisabi pala kay Maja Salvador eh mahal ko siya. *LOLz*

  • karmi says:

    umm. aun nga. hanggang ngayon di ko pa rin alam kung anong ico-comment ko dito. :P

    basta alam mo naman na andito lang ako, kahit na anong mangyari. :) gudlak na lang sa panibagong daan na tatahakin mo. :)

    love you!

  • churvah says:

    ay sayang naman yun,pero ikw ang mas nakakakilala sa sarili mo,at kung hanggang san lang ang kaya mo..pero sana maayos mo yung mga dapat mong ayusin,sayang kasi isang sem na lang.

    goodluck sa work!
    baka masalubong mo yung kakambal mo, si John Lloyd,pasabi “hello” hehe! (napagaya lang ako sa comment ni gas dude, :-))

  • raysh says:

    pero plano mo pang tapusin or change ng career path na talaga?

    anyway, ganyan din feeling ko pero i’m still struggling here…

    geh goodluck! ^_^

  • maenoodle says:

    aw. nasa NCO ka?? anu account hehe. gusto ko din sana dun eh.. kasi andun bespren ko. at ung isa ko pang superfriend. masaya naman sa callcenter di ko nga naisip dati na ganto pala eh. basta! magwawalong buwan na ko ngaun dun at nage-enjoy pa rin naman ako. kaso sayang 1 sem. isang sem na lang eh.. sabagay. ako nga eh anim na taon sa kolehiyo. dahil din sa.. bisyo. katamaran. kaadikan. at kung anu-ano pa. aus lang din.. basta tapusin mu!

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.