sana-june-na-lang-forever

sana June na lang forever.

5 Comments » November 20, 2008 » 485 days ago
inlove, ldr

mula ata nung pagpapaplano natin ng ating pagkikita eh, yan na ang lagi nating sinasabi. sana June na lang forever. :)

Hindi ko pala nasabing mahal na mahal kita carme ko *yakap* hmmm, hndi p naman to ang huli:) bus n ko. Post ulit ako mamaya, hehehe

– June 30, 2008, 23:43:23

June 30. kinabukasan na ang flight ko, alas-sais ng umaga pero hanggang halos magaalas-dose eh nasa bahay ka pa rin kasama ang mga barkada ko. nagpicture taking galore syempre, at ito ay isa sa mga kuha.

uwian na.

busy na nagpipicture taking ung mga kaibigan ko habang tayong dalawa ay nasa sulok, naguusap, magkayakap na para bang ayaw bumitiw sa isa’t-isa. sayang, wala man lang tayong kuha nung gabing un diba? ewan ko kung pareho nating nakalimutan o kung may dala ka bang camera ng gabing un.

hindi nga tayo nakapag-iloveyou sa isa’t-isa. ewan ko rin kung bakit, siguro kasi mas naging mahalaga para sa atin noong gabing un na magkasama tayo, kahit na walang salitaan. kahit titigan lang. mejo matagal din taung magkayakap, na kung pwede nga lang ay di na tayo umalis sa sandaling iyon. pero dahil gabi na rin at sa bundok ka pa uuwi, kelangan mo nang umalis.

pagkaalis mo’y syempre, magkatext naman tayo. di ata ako nakatulog ng matino nun, pareho nga tayong puyat diba? hanggang sa huling sandali’y ginawa nating biruan ang pagalis ko.. sabi ko’y ayokong umalis, at sumagot ka naman.

hehe:) edi wag k umalis. Gala tayo mamaya, hehehe.

kung pwede lang talagang di umalis. kung pwede lang na magpaiwan para makasama ka.

memorable talaga ang June this year para sa ating dalawa at hanggang ngayo’y gusto ko pa ring balik-balikan lahat ng naging gala natin noon. gusto ko pa ring maging June na lang sana forever, pero this time, mas winiwish ko na sana, kahit hindi lang June, eh makasama na kita. :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.