mula ata nung pagpapaplano natin ng ating pagkikita eh, yan na ang lagi nating sinasabi. sana June na lang forever. :)
Hindi ko pala nasabing mahal na mahal kita carme ko *yakap* hmmm, hndi p naman to ang huli:) bus n ko. Post ulit ako mamaya, hehehe
– June 30, 2008, 23:43:23
June 30. kinabukasan na ang flight ko, alas-sais ng umaga pero hanggang halos magaalas-dose eh nasa bahay ka pa rin kasama ang mga barkada ko. nagpicture taking galore syempre, at ito ay isa sa mga kuha.
busy na nagpipicture taking ung mga kaibigan ko habang tayong dalawa ay nasa sulok, naguusap, magkayakap na para bang ayaw bumitiw sa isa’t-isa. sayang, wala man lang tayong kuha nung gabing un diba? ewan ko kung pareho nating nakalimutan o kung may dala ka bang camera ng gabing un.
hindi nga tayo nakapag-iloveyou sa isa’t-isa. ewan ko rin kung bakit, siguro kasi mas naging mahalaga para sa atin noong gabing un na magkasama tayo, kahit na walang salitaan. kahit titigan lang. mejo matagal din taung magkayakap, na kung pwede nga lang ay di na tayo umalis sa sandaling iyon. pero dahil gabi na rin at sa bundok ka pa uuwi, kelangan mo nang umalis.
pagkaalis mo’y syempre, magkatext naman tayo. di ata ako nakatulog ng matino nun, pareho nga tayong puyat diba? hanggang sa huling sandali’y ginawa nating biruan ang pagalis ko.. sabi ko’y ayokong umalis, at sumagot ka naman.
hehe:) edi wag k umalis. Gala tayo mamaya, hehehe.
kung pwede lang talagang di umalis. kung pwede lang na magpaiwan para makasama ka.
memorable talaga ang June this year para sa ating dalawa at hanggang ngayo’y gusto ko pa ring balik-balikan lahat ng naging gala natin noon. gusto ko pa ring maging June na lang sana forever, pero this time, mas winiwish ko na sana, kahit hindi lang June, eh makasama na kita. :)














oo, sana june july august etc na lang forever… memories. huhuhu =(
nakakatuwa,hehe! kasi u still keep text msgs from the one u love, tipong kahit full memory na yung inbox, talagang sinesave pa rin yung mga mushy messages,haha!
gnyan din ako eh, tapos pag na mimiss mo,ibabackread mo yung mga texts db? hay….hahaha!
sana June na nga lang poreber, di naman halatang miss mo an si arvin eh noh? hehehe!
Dapat pala sinunod ko yung una kong plano:D Dapat kasi, maghihintay ako sa inyo hanggang sa umalis na kayo. Yun nga ang alam sa amin e, hehe. Pero hindi ko naman nasabi sa iyo nun, at siguro baka lalo lang tayo magdrama kapag tumagal pa ako dun na tayo lang.
Masaya tayo nung huli tayo nagkita dahil alam nating pareho na hindi pa yun ang huli:*
homaygulay. naiiyak ako dito. hahaha. naalala ko yung huling araw na magkasama kame ni kriz eh. hahays. dibale, may kasunod pa yung June na yan ate. :P
“sana june na lang forever”… ang sweet ng line. sana magkasama na kayo forever, para masaya. :)