Ilang taon na rin akong may website o blog, 2004 pa, na araw-araw kong pinagbubuhusan ng panahon at pinaglalaanan ng oras. Webpages na isa-isa kong sinulat, ang bawat letra, bawat HTML tag, CSS style definition, at javascript code. Pero ang unang beses na nalungkot ako dahil sa hindi ko magamit ang isang site ay nung down ang, hindi ang aking site, kundi nang makita ko ito, bandang first-second quarter nitong taon, 2008.
Isa ito sa mga error screens ng Twitter, “Something is technically wrong”. Ang Twitter ang nagsimula ng microblogging kung saan makakapagpost ko ng mga maiiksing posts o updates. Pero nagamit ko, este namin ni karmi ang Twitter para makatext ang isa’t isa, para makaiwas sa mahal na international SMS rates.
Mahigit 2,900 direct messages na ang nasend ko kay karmi mula Enero, at karamihan dun ay gamit ang phtwitters. Malaking kamurahan ang piso kumpara sa dapat ay kinseng sisingilin ng Smart sa bawat int’l SMS, e kitang wala naman akong perang pangload. Ganun din naman ang benefit ni karmi sa pagtetext sa akin, dahil may US shortcode number ang Twitter na ginagamit niya.
OK na sana ang lahat nang itinigil ng Twitter ang SMS support sa Pilipinas at sa iba pang bansa, maliban sa Amerika, Canada at India ata. Naiyak nga ata si karmi dahil sa balitang yun:P Hehehe, kasi hindi na niya ako matetetext… pansamantala.
Dahil sa pag-alis ng SMS support ng Twitter, ay siya namang pagdaradag ng feature na ito sa Brightkite!:D














