Ilang taon na rin akong may website o blog, 2004 pa, na araw-araw kong pinagbubuhusan ng panahon at pinaglalaanan ng oras. Webpages na isa-isa kong sinulat, ang bawat letra, bawat HTML tag, CSS style definition, at javascript code. Pero ang unang beses na nalungkot ako dahil sa hindi ko magamit ang isang site ay nung down ang, hindi ang aking site, kundi nang makita ko ito, bandang first-second quarter nitong taon, 2008.
Isa ito sa mga error screens ng Twitter, “Something is technically wrong”. Ang Twitter ang nagsimula ng microblogging kung saan makakapagpost ko ng mga maiiksing posts o updates. Pero nagamit ko, este namin ni karmi ang Twitter para makatext ang isa’t isa, para makaiwas sa mahal na international SMS rates.
Mahigit 2,900 direct messages na ang nasend ko kay karmi mula Enero, at karamihan dun ay gamit ang phtwitters. Malaking kamurahan ang piso kumpara sa dapat ay kinseng sisingilin ng Smart sa bawat int’l SMS, e kitang wala naman akong perang pangload. Ganun din naman ang benefit ni karmi sa pagtetext sa akin, dahil may US shortcode number ang Twitter na ginagamit niya.
OK na sana ang lahat nang itinigil ng Twitter ang SMS support sa Pilipinas at sa iba pang bansa, maliban sa Amerika, Canada at India ata. Naiyak nga ata si karmi dahil sa balitang yun:P Hehehe, kasi hindi na niya ako matetetext… pansamantala.
Dahil sa pag-alis ng SMS support ng Twitter, ay siya namang pagdaradag ng feature na ito sa Brightkite!:D
Ang Brightkite (BK) ay isang location-based social network na parang Twitter pero pwede kang makareceive ng posts galing sa mga taong kahit hindi mo friends e malapit naman sa kinaroroonan mo. But enough of that, kaya lang kami sumali sa BK ay para ma-exploit ang Int’l SMS support nito:P Para matext ako ni karmi.
Mainam pa nito ay dahil pwedeng iforward ng BK ang mga post mo to Twitter, kaya lahat ng updates ni karmi ay narerecieve ko na rin, parang dati.
Pero ‘wag ka magsignup sa BK, dahil baka kapag dumami ang gumagamit nito ay matulad ito sa Twitter na nidrop ang feature na ito. Kaya nga minsan, sana na lang e katulad na lang sa US ang texting sa ‘Pinas kung saan hati ang cost sa sender at receiver, at mas mababang unli at SMS rates! Para naman magwork ang mga services na tulad ng Twitter, Email to SMS, at kung anu-anu pang SMS features ng mga Web services na ginagamit natin.
Ibagsak ang mga kapitalistang GSM Networks!
Buti na lang may Sun! Well, kahit na hindi ako Sun user ay baka next year e mapagamit na rin ako dahil sa inilabas nilang Sun Call and Text International Sim, na piso lang ang text to 20 countries tulad ng US, Canada, UAE, Singapore, Hong Kong, Japan, atbp. O di ba, ‘di ko na kailangan padaanin sa Twitter na pwedeng magdown paminsan-minsan. Hanap na lang ako ng isa pang cellphone, hehe.
Pero sa ngayon Twitter muna ang gagamitin ko para maitext si karmi, at Brightkite naman ang gamit ni karmi para maitext ako. Ang kainaman pa nito, archived ang text messages namin:)
Ang Bridge the Gap series ay pagtatalakay sa mga paraang ginagawa namin ni karmi para mapunan ang layo sa pagitan naming dalawa. Sundan ang serye na ito upang makakuha ng mga tips at ideya sa mga pwedeng gawin upang mabasawasan ang hirap ng pagkakawalay sa minamahal.















buti pa kayo. (hanubayan bitter)
sweet!
(yun lang wala na akong masabi) hay ang mga inlab. keep the love while i continue to work in the lab. :D
pano ulet? haha. paturo naman kuya. sos. :D
aba! at andito ka na pala karmi.. pasensya at tagal akong nawala. pero nagbabalik na ulet and here to stay! pa-update po ng link:
http://goddessden.net
salamuch!
wow,bridge the gap talaga.
kahit ano gagawin mapunan lang ang layo sa isa’t isa..hay..