blog-mo-magkano

blog mo, magkano?

21 Comments » November 26, 2008 » 471 days ago
blog update

sa wakas, may panahon nang magblog. dahil Thanksgiving dito bukas (Nov. 27), nagoff ako sa trabaho. nagkaroon tuloy ako ng 3-day weekend! woot woot! sa wakas, makakapagpahinga, sa wakas makakapagblog na naman. bloghop bloghop!!! :)

kapag wala akong magawa sa trabaho, nagche-check ako ng email. at nung isang araw lang eh may narecieve akong email galing kay Lily Andrew. di ko na dapat papansinin dahil nasa Spam naman, pero nawindang ako sa title nung email.

medyo may pagkamanghuhula ata itong si Lily Andrew. bakit? dahil ilang araw lang bago ko mabasa ung email ay naisipan ko nang tumigil na sa pagbo-blog. oo, as in tumigil na. as in tama na. u know, enough. tas mababasa ko itong email? tsk. tempting.

nung magsimula akong magblog, hindi pa uso ung money-making through blogging. eh ngayon, halos lahat na ata ng blogger na kakilala ko eh kung hindi may Ads eh may mga sponsored posts. sa tagal ko nang nagbo-blog, di ko naisip na pagkakitaan man lang ung mga naging blog ko. hmm, siguro dahil, una pa lang, di ako maaapprove dahil bihira akong gumawa ng english posts. at saka, ayoko lang. sabi nga sa akin dati ni kuya zaldy aka majorkontrapelo aka SEO addict, na since andito ako sa Amerika, dapat ako daw ang nakikinabang sa mga sponsored post o ads. mas malaki daw ang kita. eh kaso, hindi talaga eh. wala talaga akong interest.

kahit na siguro tumigil na ako sa pagbo-blog, di ko pa rin ibebenta ang kundiman. well, depende pala, kung magbreak kami ni arvin. :P hehe. joke lang baby :D *yakap!* kakabit na ng kundiman sina karmi at komski. andito sa kundiman lahat ng kakesohan, kaemohan at kaartehan naming dalawa. mga videos, pictures at mp3s na may kasamang ala-ala ng aming nakaraan at ng ngayon. hay, memories dude. both good and bad.

sabi nga sa commercial, “there are things that money can’t buy” at sa pagkakataong ito, walang katumbas na pera ang mga ala-alaa’t mga kwentong aming naibahagi dito sa kundiman. mga comment ng mga taong dumaan at tumambay. mga readers na aming nainspire?, napaiyak at napatawa. priceless talaga.

pero…

nakakacurious pa rin eh. kahit na wala talaga akong balak.

magkano nga kaya kapag binenta ko ang kundiman? hmmm..

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.