blog-mo-magkano

blog mo, magkano?

Posted 3 years ago blog update

sa wakas, may panahon nang magblog. dahil Thanksgiving dito bukas (Nov. 27), nagoff ako sa trabaho. nagkaroon tuloy ako ng 3-day weekend! woot woot! sa wakas, makakapagpahinga, sa wakas makakapagblog na naman. bloghop bloghop!!! :)

kapag wala akong magawa sa trabaho, nagche-check ako ng email. at nung isang araw lang eh may narecieve akong email galing kay Lily Andrew. di ko na dapat papansinin dahil nasa Spam naman, pero nawindang ako sa title nung email.

medyo may pagkamanghuhula ata itong si Lily Andrew. bakit? dahil ilang araw lang bago ko mabasa ung email ay naisipan ko nang tumigil na sa pagbo-blog. oo, as in tumigil na. as in tama na. u know, enough. tas mababasa ko itong email? tsk. tempting.

nung magsimula akong magblog, hindi pa uso ung money-making through blogging. eh ngayon, halos lahat na ata ng blogger na kakilala ko eh kung hindi may Ads eh may mga sponsored posts. sa tagal ko nang nagbo-blog, di ko naisip na pagkakitaan man lang ung mga naging blog ko. hmm, siguro dahil, una pa lang, di ako maaapprove dahil bihira akong gumawa ng english posts. at saka, ayoko lang. sabi nga sa akin dati ni kuya zaldy aka majorkontrapelo aka SEO addict, na since andito ako sa Amerika, dapat ako daw ang nakikinabang sa mga sponsored post o ads. mas malaki daw ang kita. eh kaso, hindi talaga eh. wala talaga akong interest.

kahit na siguro tumigil na ako sa pagbo-blog, di ko pa rin ibebenta ang kundiman. well, depende pala, kung magbreak kami ni arvin. :P hehe. joke lang baby :D *yakap!* kakabit na ng kundiman sina karmi at komski. andito sa kundiman lahat ng kakesohan, kaemohan at kaartehan naming dalawa. mga videos, pictures at mp3s na may kasamang ala-ala ng aming nakaraan at ng ngayon. hay, memories dude. both good and bad.

sabi nga sa commercial, “there are things that money can’t buy” at sa pagkakataong ito, walang katumbas na pera ang mga ala-alaa’t mga kwentong aming naibahagi dito sa kundiman. mga comment ng mga taong dumaan at tumambay. mga readers na aming nainspire?, napaiyak at napatawa. priceless talaga.

pero…

nakakacurious pa rin eh. kahit na wala talaga akong balak.

magkano nga kaya kapag binenta ko ang kundiman? hmmm..

21 Responses to “ blog mo, magkano? ”

  • Noime said,

    pwede nang $500. tas ate, padalhan mo ako ng gift sa bday ko. >:P sabay ganun eh. oo, tama. money can’t buy anything. sows.

    heniweys, dun sa comment mo. ayun. dko pa ren napapanuod. bukas pa. :P

  • Ibenta mo sa halagang tipong hindi niyo na kailangang magtrabaho ni Komski.

    Hehe. As if naman. *LOLz*

  • Supergulaman said,

    eheks..cguro mga $18,000 – $22,000… mahal na kya bentahan ngayon..ilang panahon din mo itong pinaghirapan…kung ayaw nya nang ganun price…wag na lang..sayang kasi…:)

  • daniel said,

    yeah, pumasok sa isip ko before yung abt sa adsense nung nasa blogger pa ako, pero hindi ko trip yung may mga ads sa site eh. hindi na sya mukang personal so yun.. :D

  • abou said,

    ibenta na to tas gawa ka uli ng bago ha ha

  • samieboi said,

    hmmm.. benta mong mahal tapos bumili kang bago na mas bongga pa…

    ako din hindi ko maisip na magkaron ng ads. dati may mga ads ads alng ako pero ano lang para may laman lang ngayon wala na. hahah :))

  • Ui, sayang naman ipagpatuloy mo po.. :) at andito po ako para tumulong.. lalo na sa muling pagpapakilala ng kundiman… :D

  • rio said,

    benta mo karms ng 1M dollars…tapos balik ka na dito sa pinas…hehe

  • Hachi said,

    mahirap talaga, lalo na pag may sentimental value na. :)

  • Ayiene said,

    eh sa akin nga, nagoffer na bilhin ko daw ang kalawakan.com since bumili daw ako ng dot info. hahaha =P

    wag ibenta ang kundiman. noooo waaay.

  • chocSui said,

    wag ibenta ang makesong blog nato…magtatampo ako!…ito lng ang kesosarap n blog na tinatambayan… iLove the cheesy kundiman! (and that yakap yakap thingy written there…hahahah i want to see more of it…haha)

    so wag ibenta… pro kung may bibili ng $1M …hmmm..pwede narin! ahahahah! (penge $2,000 dollars…pang NCLEX at pang HK…ahahahah!!!)

  • master said,

    Naku Mimay, scammer yan! May natanggap na rin akong ganyan! Pero if ever totoo, wag mong ibenta.

  • dong ho said,

    may mga ganyan pala. hindi ko rin ibebenta blog ko. buti at hindi mo to tinangap.

  • kengkay said,

    ask kung magkano ang price na gusto nya tapos you tell him you want 1 million dollars :D pero ingat ka din at baka may virus yung email na yan. takot na ako sa mga spammers na yan. teka kapag ok yung 1 milyon, pamasko ko ha, hehe

  • Fia said,

    Magandang domain name ang kundiman. Sayang naman kung ibebenta. :)

  • claire said,

    ay, ako din, if i were you, di ko ibebenta kundiman kasi may senti value para sa kin :)

  • neri said,

    may ganyan palang nag-eemail? wehehe. so pede palang maglagay ng blog for sale na ad no? noon talaga ayokong maglagay ng ads lalo na sponsored posts. kaso kelangan ko rin pera ehe. kaya as much as possible ginagawa kong personal ung sponsored posts ko ehe ^^

  • prosetitute said,

    tsk. tsk. WAG! sayang.
    ako bibili domain next week. wala namang host. wala din.
    benta ko na lang kaya si prosetitute. haha

  • Bernadeth said,

    woahhh! nakakawindang naman yan~ sana wag mong ibenta ate kase parang nandto lahat ng memories ehh

  • daniel said,

    kahit uber tamarin ka na. wag na wag mo itong ibebente.. part mo na to ayt? saka sayang naman. ang dami mo na ring pinuhunan dito. :D

  • yeye said,

    ayaw ko ng nakakarinig ng break ah.
    ayaw

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.