| |
November 19, 2008 » 484 days ago
current events
Ewan ko talaga kung paano ko ikukwento ‘to. Medyo mahabang paliwanagan din kasi. Mahaba, magulo, kumplikado. Kahit ako hindi ko alam kung naiintindahan ko nang lubos ang mga naging desisyon ko at umaasa na lang ako na sana nga e tama itong mga ginagawa ko sa buhay ko.
Hindi ako nag-enrol ngayong semestre. Hmmm, ang safe naman ng pagkakasabi ko. Ayoko na muna mag-aral. Ayan, mas may dating.
Ika-limang taon ko na sa kursong apat na taon lang dapat kinukuha. Nagkaproblema kasi ako at marami nga. Nagsimula sa patikim-tikim hanggang sa unti-unting lumalim. Tipong ganun, pero hindi ko ito ginusto. May mga klase akong hindi pinagtuunan ng pansin, yung mga minor subjects. Long history, nagsimula nung unang semestre ko pa lang sa eskwelahang parang gusto kong pagsisihan kung bakit ko pinasok.
Pasensya na sa inyong lahat. Nasayang ang buwis na ibinayad para sa pagpaparal sa akin. Hindi bagay ang kalayaang hatid ng unibersidad sa aking personalidad. Ewan, pero ang masisisi ko lang naman talaga e ang sarili ko. Hindi ako nagbago, hindi ako nakiayon, at hinayaan ko na lang na magkandaloko-loko ang sitwasyon ko hanggang sa umabot ako sa ganito.
Tatakas ako mula sa isang bagay na hindi ko matatakasan. Pero wala kasing mangyayari kung ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko. Sigurado akong lalo lang mabubulilyaso, lalong lalala at yun ay kung may mas ilalala pa sa kasalukuyan nitong estado. Nawalan ako ng interes, at lalayo ako sa pagbabakasakaling muling bumalik ang pagnanais kong pumasok sa loob ng klasrum upang mag-aral.
Under construction ang daan patungo sa aking graduation at wala ang construction workers na gumagawa nito na ako ang namamahala. Mag-iiba muna ako ng daang bubuuin. Ibang kalsada muna ang aking tatahakin.
Hindi sapat ang isang post para ipaliwanag ko ng lubos, na hindi ako sigurado kung kaya nga. Sa Biyernes mag-uumpisa ang training ko sa isang trabahong ‘di ko dati ninais pasukin. Ang trato ko sa trabahong ito ay tulad ng trato ko sa sponsored reviews, philippine politics, business pyramiding, at kursong nursing. Pero wala e, kung tatakas ako, mas maganda kung mabilis.
NCO Group, sa may building ng ABS-CBN. Ayus, araw-araw kong matatanaw ang mga dyip papunta sa unibersidad. Makakasalubong ko pa rin ang mga mag-aaral na nakasuot ng siglo strap sa ID.
Kung iisipin, pati ba naman diploma, ika-cram ko pa rin?
November 17, 2008 » 487 days ago
blog update
sumakit na ang ulo ko kakalaro ng Babysitting mania. bwisit na mga bata yan, napakagulo, di ko tuloy matapos ung level 25. at dahil ayoko nang maglaro, naisipan kong gumawa na lang ng blogentry. oh diba, sobrang random, namiss ko rin kasing magpost.
unang-una, gusto kong magsorry sa lahat ng mga dumadalaw at nagco-comment dito sa kundiman. sorry dahil di ako nakakadalaw sa mga blog nyo. :( may mga bagay na kinatatamaran ko na ngayon at aminado akong isa na ang pagbo-blog. actually, di na pala bago un. naalala ko tuloy ung panahon na as in naging buhay ko ang blogging. maya’t-maya ang entry, umaabot ng double digits ang comments at laging puno ang shoutmix. masipag din kasi akong magbloghop noon. pero ngayon, wala na. ni ung mga taong nasa blogroll namin, hindi ko na nadadalaw. sorry. super sorry talaga. di nyo naman siguro ako masisisi na dahil sa mga nangyari eh manahimik muna. masyado kong minahal ang pagbo-blog pero anong nangyari. sa sobrang pagmamahal ko sa pagbo-blog, ito rin ung nakasakit sa akin. lahat nga naman ng sobra ay masama.
noon ko pa naisipang tumigil sa pagbo-blog. pinigilan ako ni arvin. at ngayon, sya naman tong tinatamad. :P ang hirap nito, dalawa na nga kaming author nitong kundiman, pareho pa kaming tamad. tsk. pano na yan diba? kawawang kundiman.
may sakit nga pala sya ngayon, at sa mga susunod na araw ay magiging busy na rin sya. ewan ko lang kung makakapagupdate pa sya dito. pero siguro naman. pwedeng mas marami na syang maikukwento. :)
pangalawa, salamat sa mga dumadalaw pa rin dito. sa 31 subscribers ng blog namin at sa mga nagse-search sa world wide web tungkol sa kung anu-anong keywords na napupunta dito. dahil sa inyo, hindi nawawalan ng bisita ang blog namin, sana lang may mapulot kayong kapaki-pakinabang dito. :) salamat sa mga nagco-comment, sa mga dumadaan pero di nagiiwan ng comment. sa mga E[kwento]MO participants dati, salamat sa pagdalaw dito. :D basta salamat. ayoko nang magnamedrop, basta sa mga regular dito sa kundiman, pramis dadalawin ko mga blog nyo kapag ok ok na pakiramdam ko. :) ah oo, parang magkakasakit na rin ako. ewan kung nahawa ako kay arvin. :P
hmm.. sabi ko, masama ang loob ko sa blogging. actually, sa mga blogger pala ako mejo nagagaraan. hehe. basta ingat na lang sa mga taong pagkakatiwalaan. naging note to self ko na yan. :)
720am na, petiks na naman, pwedeng habaan ko pa tong post, pero wala na naman akong masabi. sumasakit na rin ung mata ko. pasaway kasi, bibili-bili ng salamin, di naman gagamitin. tsk.
*commercial, pumasok kasi si bossing*
david: 4 more days!
carme: before what?
david: *just staring at me*
carme: oh yah, Twilight.
david: so are you going to see it?
carme: maybe. my sister wants to. so, we might.
david: you should. and then read the book after.
carme: i dont know. we’ll see
sa biyernes na ung Twilight. binasa ko ung libro hanggang Chapter 8, pero di ko nagustuhan. tapos ngayon, gustong mapanood ng kapatid ko. nagustuhan ko naman ung soundtrack, so siguro nga maganda ung movie. ewan.
paguwi ko ng bahay, matutulog na ako kaagad. malamang, malamig eh. masarap matulog nun.
kung hindi man kami makapagupdate ng ilang araw, pasensya ha. babawi kami. so parang hiatus post pala ito. hmmm, ganon na nga siguro.
kung hindi man. kundiman.
November 15, 2008 » 489 days ago
blabbers
Yun ang paminsan-minsan naming bungad ni karmi sa tuwing may nakikita kaming kakaiba sa stats, sa mga bumibisita, mga binibisita, mga kiniclick, mga viniview, at pati na yung mga hinde. May mga weird searches, weird na referrers at minsan din, may mga weird na visitors… at eto ngayon ang isa.
Eto ang isa sa mga pinakaweird na nakita namin. Weird, kasi, hindi namin alam kung bakit. Well, sinabi ko na lang kay karmi na hindi lang sa amin niya ito nagawa at malamang ay sa iba rin. Kung anu yun, tignan mo muna itong screenshot ng statcounter page ng kundiman.

Tignan mong url na viniew niya; H:/Ang Blog natin/kundiman -imissu.mht Yan ang weird na part. Ang simpleng explanation ay sinave niya yung post page ng imisu entry ni karmi, yung may video. At viniew niya nung isang araw at muli, kaninang umaga.
Well, ang sinasabi nitong stats ay gumagamit siya ng IE, Windows XP at base sa nakuhang screen resolution, isang laptop; na sa pagbabasa ko sa wikipedia ay nakakalamang na isang Lenovo Thinkpad. Yung iba kasing netbooks ay Vista na ang gamit o kung anung flavor ng Linux kaya narrowed down ang choices.
PLDT Sampaloc. Nagmukhang static IP ang gamit niya na offered lang ata sa business package ng PLDT MyDSL, pero laptop ang gamit so malamang na home user siya? Ewan.
At kamusta naman sa Ang Blog natin na folder name. Ang alam ko kasi ay kaming dalawa ni karmi lang ang nagmamay-ari sa kundiman, at nasa Amerika si karmi. Wala ako sa Sampaloc, hindi ako naka-PLDT at lalong wala akong laptop, wish ko lang:P So yun ang isa pang weird.
Plus, notice the drive letter, H:\, na masyado atang malayo sa normal na C: at D: kaya ang naiisip ko lang na dahil ay isa itong USB flash disk. Which raises the question, bakit sa flash disk niya sinave? Nung una e hindi ko pa napapansin na laptop yung gamit kaya ang naisip ko nung isang araw ay nagpunta siya sa net shop, sinave yung post page sa usb, para basahin sa bahay, na ngayon ay unlikely na.
He/she has a laptop, sinave niya sa usb yung page, ‘tas viniew niya kaninang umaga. Well, even the saving part is weird. Bakit mo isesave yung page kung may internet connection ka naman? Tignan mo, sinave niya yung page na nagcocontain ng Statcounter code. Inopen niya sa browser yung page, gumana yung script kasi nga may internet connection kaya nakuha sa stats. Walang referring link kasi nga nidouble-click lang niya yung nakasave na file.
Ang weird talaga ng nagsave sa post na yun.
Kung balak lang niyang mapanood yung video at sinave niya yung page thinking na hindi na ito makukuha sa stats, I suggest na kunin na lang niya yung Vimeo page nung vid. At hmmm, kakaunti lang yung entries nung IP na yun sa stats pero thinking na sinave niya yung isang post, malamang subscribed siya sa feed ng kundiman.
Bakit nga kaya ano?
November 12, 2008 » 492 days ago
maalaala ko kaya
madaling-araw/umaga
kakahiwalay pa lang natin, mga tatlumpong minuto ang nakakaraan ay nagri-ring na ung telepono ng barkada ko. alam na namin pareho kung sino ung nasa kabilang linya, ikaw syempre. sinagot ko ang telepono, alas-dyes na un ng gabi, at tama nga ang kutob namin. walang patid na kwentuhan pa rin ang nangyari, kahit na buong araw na taung magkasama kanina. hinatid mo pa nga ako dito sa bahay ng barkada ko, dahil may company outing kami kinabukasan. nasakto namang magkapitbahay lang kayo, kaya ok lang na hinatid mo ako. may tigabitbit tuloy ako ng gamit. inaya mo kami ng kaibigan ko na lumabas, pumunta sa isang bar malapit sa inyo. di naman pwede dahil maaga pa kaming aalis kinabukasan, kailangan naming matulog ng maaga.
nakatulog na ung barkada ko, pero gising pa rin ako’t kausap ka. sinabi mo na sasama ka sa amin papunta sa opisina, para din may tigabitbit ako ulit ng gamit. tumanggi ako, sabi ko, wag na lang, masyadong maaga para bumangon ka’t ihatid lang kami. mejo nagtalo pa tayo noon, pero wala, nanalo pa rin ako. nagbabay ka na’t sinabing matulog na ako. sabi ko nama’y matulog ka na rin. pareho nating ayaw ibaba ang telepono pero kailangan. sapilitan.
ikaw pa nga ang gumising sa akin kinabukasan. muli mong tinanong kung pwede kang sumama, sabi ko hindi talaga pwede. pero salamat.
nasa trabaho na kami ng barkada ko, katext pa rin kita. bigla kong naisip, sana pala’y isinama na lang kita sa outing namin. sayang. nasa huli talaga ang panghihinayang.
tanghali.
masaya ang company outing. may mga games, picture taking at syempre kainan. resort ung pinuntahan namin ngayong taon. swimming galore hanggang sa magsawa. kasama ko ang mga kabatch ko sa trabaho at syempre andun ka. nagkaroon ng room assignments, kasama ko ung mga ka-team ko. pero di rin nasunod un, dahil sa inyo ako sumama. iisang kwarto lang ang pinagistyan ng batch natin. babae at lalake magkakasama sa iisang kwarto, matapos ang tanghalian, nagpahinga muna ung grupo natin sa may playground. kwentuhan, heart-to-heart talk. di ko malaman kung paanong naiwan tayong dalawa sa may swing. siguro kasi, nabore ung mga kaibigan natin kaya sumama sila sa mga naglilibot sa resort. di ako sumama kasi gusto ko lang maupo, parang pareho pa nga tayo ng iniisip dahil pareho tayong di kumibo sa kinauupuan natin. nagopen up ka, sabi mo, nagbreak na kayo ng gf mo. sya ung kinuwento mo dati na umalis ng Pinas para magtrabaho. sabi mo, di mo kayang maghintay kasi, di naman din sigurado kung may hihintayin ba. di ako makaimik dahil alam nating pareho na ganon din ang magiging sitwasyon ko. ilang buwan na lang aalis na rin ako’t may iiwanan.
un na ata ung madrama nating paguusap. ang pagkakakilala ko kasi sayo eh maloko ka, palabiro. may mga problema ka rin palang tulad ko. madalas kasi, ako ung lumalapit sayo kapag may problema ako, salamat dahil sa wakas ay nagopen up ka.
wala na ata tayong mapagusapan, kaya niyaya mo akong pumunta dun sa beach. sumama naman ako, kasi crush kita noon pa.. (hahaha, teka, kanta ng moonstar88 to ah). naglakad lang tayo sa may dalampasigan, kwentuhan pa rin. tapos, nakita natin ung banana boat, walang sakay kaya sabi mo, sakay tayo. sinabi ko sayo na di ako marunong lumangoy, sabi mo ikaw rin, pero di mo naman ako pababayaang malunod. di na natin namalayan ang oras, lumubog na ang araw pero magkasama pa rin tayo. hanggang sa nakita na tayo ni manong, bawal daw pala ung ginawa natin, nakalibre daw tayo. oh well, too bad, natawa na lang tayo pareho.
gabi.
ngayong gabi ung company night thing. pagtapos ng hapunan at nagsipuntahan tayo sa may harap ng beach dahil may program at inuman. kasama ko ung mga barkada ko noong college na katrabaho ko rin. sayawan, kantahang walang sawa. grabe, this is the life, party hanggang madaling-araw. ganon sana ang gusto kong mangyari, pero dahil sa napagod ako dun sa pagsakay ko ng banana boat, mejo sumama ang pakiramdam ko. ang KJ. nakakainis, gusto ko pang magsayaw kasama mga barkada ko, pero nahihilo na ako.
wala akong ibang nagawa kundi ang bumalik na lang sa kwarto. at dun na kita nakita. tinanong mo ako kung ok lang ba ako, sabi ko, hindi, nahihilo ako kaya babalik na lang ako sa kwarto. sabi mo’y samahan mo na ako. pumayag naman ako. kwentuhan, pero tahimik ka lang. actually, tahimik ka naman talaga. pagdating sa kwarto eh andun ung iba nating kabatch. pinaalis mo ung isa kaibigan natin dun sa kama at sinabing kailangan ko kasing mahiga. pinahiga mo ako’t kinumutan. tinanong mo ko kung nagugutom ba ako, sabi ko hindi.
di ka na umalis sa tabi ko mula noon. sabi ko sau, lumabas ka na, ok lang ako, sayang kasi ung kasiyahan sa labas. sabi mo, hindi na lang, dun ka na lang. tinanong mo ko kung ano bang nangyari, sabi ko, napagod lang buong araw. nakatulog na ako. ewan kung umalis ka ba sa tabi ko.
nagising ako sa ingay ng mga kabatch ko sa kwarto. di na ako masyadong nahihilo kaya’t bumangon ako’t hinanap ka. andun ka sa labas, nagmumuni-muni ata. nilapitan kita at nagpasalamat. tinanong mo ako kung kamusta na pakiramdam ko, sabi ko, ok na. tahimik ka talaga. bihirang magsalita. gusto kong tanungin kung anong iniisip mo, pero di na lang. hinayaan ko ang katahimikang pumagitan sa ating dalawa. masaya na ako dun.
umaga. tanghali. gabi. 2005 pa nangyari yan. summer 2005. hanggang ngayo’y naaalala ko pa rin, bawat nangyari ng araw na un. isang araw, 3 lalake. oo, iba’t-ibang lalake yan.
November 10, 2008 » 494 days ago
inlove
ang weird noh? katatapos lang nating magusap pero miss na kita agad. hay. habang di siguro kita nakakasama talaga, lagi kitang mamimiss. :)
sabi ko sau, ipopost ko ung video natin eh. hehe. isang random video nung 06/24/08. akala natin pareho, last day na nating pagkikita un. pero hindi.
http://www.vimeo.com/2205075
062408.
i miss you baby ko! sa tuwing napapanood ko tong video natin, di ko mapigilang hindi mangiti. :) nakakamiss ung tawanan, asaran natin. miss ko na Kung Fu Panda ko. :D hehe. *yakap!* ung notebook at picture nating dalawa ang dinala ko dito, na sa tuwing nakikita ko ay naaalala ko lahat ng pinagsamahan natin.. kulang noh? yaan mo, paguwi ko, may panibagong memories na naman un. :D
bukas paggising mo, makakausap na naman kita. pero, miss na kita agad. kung pwede lang nga talagang makasama na kita para di na kita mamiss masyado noh? hay. kelan nga kaya un? hehe.
basta, alam mo naman na andito lang ako. :) iloveyou. imissyou!
*early monthsary post ata ito. :) hehehe. happy monthsary baby ko*
|
|