maala-ala-ko-kaya

Maala-ala ko kaya

Posted 3 years ago Litratong Pinoy, maalaala ko kaya

Roger

Isang gabi, habang nagpapahinga kami sa paggawa ng project namin sa Social Studies, na hindi ako sigurado nun kung matatapos namin, ay biglang naisipan ng kaklase kong ipakita ang mga nakuha niyang scanned pictures nung Intrams. Isa-isa naming tinignan, hanggang sa makarating kami sa litrato sa itaas.

Ang kaklase kong lalakeng inaantok ata habang pinagtitripan ng mga babae. Ang korny kong platoon commander habang nagpapump ng hangin para sa mga baloons, ang mayor naming ewan ko na kung saan nakakuha ng shades, at teka teka, bigla ko na lang naalala kung nasaan ako sa litratong ito, andun ako sa kinulayan kong bilog. Andun ako sa likod, katabi yung crush ko.

Kwentuhan mode. Ewan ko lang kung anung hinihintay namin, basta alam ko e kumportable ako sa kinauupuan ko. Kausap ko siya, kausap ko siya! At laking tuwa ko pa na habang may biglang kumausap sa aking iba, ay umusod yung crush ko papalapit sa kinauupuan ko:D Ang isang dangkal na layo namin sa isa’t isa ay nangalahati na. Sobrang close na namin! Hehehe.

Ok na sana ang lahat, kung hindi lang naglunchtime. Nauna nang tumayo ang mga kaibigan ko, paalis na papuntang canteen; pero ako, naistuck yata sa pagkakaupo. Naguluhan ako sa aking gagawin, gusto ko magpaiwan, pero magugutom ako, lol. Hindi ko naman siya maaayang magluch, may baon siya. Tinawag akong muli ng mga kaibigan ko. Ayun, tumayo na ako at umalis. Oo na, ang hina mo komski!

Pilit kong pinagmamadali ang mga kaibigan ko para makabalik kaagad kami sa Gym. At ayun, back to start, mag-uumpisa na naman sa pasimple-simple kong pag-upo papalapit sa crush ko. Minsan, ako yung nagbobomba ng hangin at siya naman ang may hawak sa baloon. Awww, kilig, hahaha.

Well, ‘di ko na maalala yung ibang detalye pero basta, nasira yung isa sa dalawa naming pumps, kaya humina yung produksyon namin ng baloons. E malapit na magstart yung program, kaya ako, ayun nagsusubok magpakahero para pogi points. Sinubukan kong ayusin yung pump.

Natanggal kasi yung pinagkakabitan nung handle sa loob mismo nung pump. Sinubukan kong buksan, e hindi naman pala napipihit yung takip. Humiram ako ng gunting para paluwagin yung takip, tipong bottle-cap opener. Pero ewan ko ba sa kung anung kamalasan ang dulot nung pump na yun, tumalikwas yung gunting at nasalo ng daliri ko. Ayun nagdugo. Duguan na ang nagpi-feeling hero.

“Ok lang ako, ok lang ako..”, yun na lang ang nasambit ko. Pero tumatagas ang dugo. Kinuha ko yung panyo ko at itinakip sa aking daliri. At eto ang maganda, (hahaha, kinikilig ako, lol) Siya ang gumamot sa akin! Hahaha. Masakit ang alcohol sa sariwang sugat, pero grabe, ang sarap:P lol. Inalagaan ng prinsesa ang duguang kabalyero!

Uhm… medyo blurry na yung mga sumunod na pangayari. Ibig sabihin, alang nangyaring may kinalaman sa kanya, hehe.

Scene: Malapit na mag-end ang cheering competition. Ewan ko pero kaming dalawa ng crush ko e magkatabi na naman. Maingay, magulo ang lahat, nagchi-cheer (duh!). Pero kaming dalawa, nakaupo at walang imik.

Hindi ako makapagsalita. Tahimik rin siya. Hindi ko alam ang nangyayari sa cheering. Siya lang ang iniisip ko. Matagal rin kami na ganuon, nakikiramdam sa isa’t isa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kakausapin ko ba siya? Anung sasabihin ko? Sasamahan ko siya papunta sa service niya? Aayain ko siya magMcDO? Kaya nilakasan ko ang loob ko hanggang sa…

Umuwi na siya. Tapos na kasi.

Ito ang aking lahok para sa ika-32 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Maalaala mo kaya? Hindi ko alam kung saan galing yung litrato sa itaas, nakuha ko lang sa kaklase ko; kinuhanan nuong Intrams 2003, 4th year high school ako. Bisitahin ang iba pang mga alaala ng mga miyembro dito.

Apat sa mga kaklase ko ang may parehong pangalan, kasama na rin yung crush ko. Kaya ang ginagamit namin para tawagin sila ay ang kanilang apelido. Ang apelido ng crush ko? Maala.

Para sa mga sagot ko sa mga tanong ni teacher Julie:D ito yung magiging sagot ko kung nung 90′s ako tinanong:)

1. Ano ang paborito mong palabas sa TV? madami, cartoons at anime
2. Sino ang paborito mong artista? Wala:P
Ano ang paborito mong pelikula? Back to the Future series
3. Ano ang paborito mong meryenda? hotcakes sa may gilid ng simbahan (aliw kasi panoorin yung pagluluto sa bilog na flat na kawali)
4. Ano ang paborito mong babasahin? Encyclopedia!
5. Ano ang paborito mong lugar na pasyalan? toy store:D
6. Sino ang iyong pers crush? hindi ko kilala, kaklase ko nung kinder, anak ng titser
7. Sino ang iyong best prend? wala.
8. Sino ang iyong paboritong guro? Sir Pascual, kasi magaling ako sa Math!
9. Ano ang iyong paboritong laro? Super Mario Land, FamiCom
10. Meron ba kayong alagang hayop noon? Si Brownie, kaya lang tulog ng tulog, niluto tuloy ng mga tito ko.

job-hunting-mode-on

job hunting mode ON.

Posted 3 years ago buhay SATown

naalimpungatan ako dahil sa pagriring ng celphone ko. tiningnan ko kung sino ung tumatawag, bossing ko. di ko na lang muna sinagot ung tawag dahil wala pa ako sa matinong pagiisip, baka may kung anong masabi pa ako. tumigil ang pagring ng telepono at inintay kong magleave na lang sya ng voicemail. at ayun nga, nagiwan ng mensahe ang aking bossing. dinial ko ang ’1′, at pinakinggan ang mensahe. malamang work related ito.

Carme, I just got a call from *supervisor’s name* about an issue regarding last weekend.

*gulp* patay na. ako lang ung nagtrabaho para sa shift namin buong weekend. ano kayang nangyari??

.. it was about the Monthly Advisory template that shouldn’t be run and it was highlighted on both the regular schedule and weekend turnover. When we checked the schedule, it got your initials on it that you ran it. Can you please call me back as soon as you get this message.

x_x napabangon akong bigla. siomai. pwede bang magpalit muna ng pangalan kahit ngayon lang? para lang makalusot sa problemang ito?

pero, hindi. alam kong tama ung ginawa ko. nabasa ko ung turnover, oo, sabi, wag munang i-run ung template hanggat hindi pa tapos ung isang template. eh natapos naman so ni run ko na rin. un ang sabi ko sa bossing ko habang kausap ko sya sa telepono. sabi nya sa akin, tawagan ko daw ung isang bisor sa trabaho, para i-explain ko. hainaku, akala ko tapos na, di pa pala. nosebleed much.

di-nial ko ung number namin sa trabaho. kinausap ung isang bisor. *yada yada yada* inexplain sa kanya ung ginawa ko, kung bakit ko ginawa at inamin ang pagkakamali. tsk. sabi daw pala sa turnover, DO NOT RUN UNTIL FUTHER NOTICE. actually, di ko nabasa un talaga. pero, bisor eh, check ko na lang ung turnover sheet mamaya pagpasok ko. natapos ang paguusap namin sa pagsasabi ko ng ‘Yes ma’am, its my fault.’ magse-send daw sya ng email sa programmer at dun sa client. ayos, sikat na naman ako for the wrong reasons.

tinawagan ko muli ung bossing ko, kwento ulit. at oo, mali ko nga talaga. wala na lang syang ibang nasabi, kundi, ‘Thanks for calling me back.’ nice one karmi. ayos ka talaga.

hay.

kakasimula pa lang ng panibagong taon ko sa pinagtatrabahuhan ko, katatapos lang ng yearly evaluation, pero nakakadalawang major pagkakamali na ako. sobrang malas naman. tsk. baka sa susunod eh mawalan na ako ng trabaho kaya naman job hunting mode na naman ako.

goodluck.

sa pagpapalit ng oras…

Posted 3 years ago inlove

ang naisip kong title para sa post ko ngayon dapat eh, “kung maibabalik ko lang”. pero di pwede, dahil nagamit ko na pala sya last year, para sa aking madramang “time change” post. naisip ko na ung english version na lang nung phrase, pero naisip ko, di naman un ang dahilan kung bakit magpopost ako ng tungkol sa pagbalik ng oras. hindi ko na hihilingin pang bumalik ang oras dahil sa isang tao. :)

ok, oo na, magara pa rin talaga ang pagpapalit ng oras ngayon, dahil maliban sa higit 8000 miles na layo eh, 14 hours na ang pagitan ng oras ng Pinas at America. hindi na pwedeng magpuyat ng sobra para lang makipagchat. ang alas-dyes ng umaga dito’y, alas-dose na ng madaling araw sa Pinas. kawawa naman ung mapupuyat ko. growing kid pa naman na kailangan ng tulog.

hala, magbabago na ug oras. pano na?
oo nga ano. so ilang oras na ung pagitan ulit?
14 hours na baby. di na kita makakausap ng matagal. :(
so ano, tama na? itigil na natin to?

oo na, paranoid na ako. bakit naman ba ako magwo-worry sa pagpapalit ng oras. sensya naman, dahil last year, kasabay ng pagpapalit ng oras ay natapos din ng ganon na lang ung huli kong relasyon. kung gaano kabilis ang pagpapalit ng oras ay ganon ding kabilis nawala ang pagmamahalang nagtagal ng ilang taon. *sob* ok tama na. ayoko nang magdrama at di naman tungkol sa nakaraan ko ang post ko ngayon.

karmi: haynaku.
noime: panic eh noh?
karmi: may trauma na ako sa time change eh.
noime: hehehe
karmi: kasi, last yr, ganitong time, nagbreak kami ng ex ko.
karmi: hahaha
noime: wooooow
noime: di bale
noime: ganitong tym naman
noime: may arvin ka :)

time change last year kami nagsimulang maging close ng baby ko ngayon. naging madalas ang paguusap, ang pagkukwentuhan. hanggat sa nahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya. at ngayon nga’y alam na kung anong nangyari. :)

alam kong oras lang ang nagpalit, at wala namang magbabago sa aming dalawa. masyado lang siguro nga akong nagaalala dahil sa aking nakaraan kaya ganito ako. pero tapos na un, at alam kong iba ngayon. :)

kinakabahan pa rin ba ako ngayong nagpalit na naman ng oras? di naman masyado. :) mejo lang. dahil alam kong sa pagpapalit ng oras, ibig sabihin lang nun ay malapit nang matapos ang taon, at mas nalalapit ang pagkikita naming dalawa. :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.