Late na nagbloom ang analytical skills ko.
Ika-pito kong kaarawan, ang pinakabonggang birthday na cinelebrate ko. Ang saya, maraming bisita na puro halos mga bata’t teenager. May mga parlor games pa tulad ng pukpok-palayok, sack race, at ang tanging pabitin na nakaabot ako ng plastic ng kendi nang hindi binubuhat ninuman kasi nga ako ang may bday e pinauna akong kumuha, tipong free-throw shot. Meron ding ibang laro tulad ng Bring Me, pahabaan ng hininga sa pagbigkas ng Happy Birthday Arviiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin!, palosebo, agawan biik, chess, basketball, triple-jump, 5k marathon, synchronize swimming at diving.
Yun nga lang, alang clown o magician, boooo! pero at least merong photographer na pinagpose ako sa lahat ng events. Pinahawak niya sa akin yung pamalo sa palayok, yung bola ng basketball at pinayakap pa sa akin yung biik. Pose dito, pose dun, e grabe, ang gusto ko lang naman e kumain ng spaghetti at hotdog na may marshmallows.
Kuha ka ng isang regalo mo ‘tas kunan kita habang binubuksan mo.
Huwaw, kakakain e nakalimutan ko na may mga regalo nga pala ako, at bubuksan ko ang isa, yay! Pumunta ako sa may lamesa para pumili ng isang regalo at naisip kong piliin e yung malaki para baka malaking laruan:D Kinoach pa nga ako ng mga kalaro ko kung anung pipiliin. Exciting! Anu nga kaya ang laman ano?
Haynaku. Akala ko pa naman robot o baril-barilan o kung anumang pwedeng paglaruan, briefs pala. E anu naman ang gagawin ko dun ‘di ba? Isusuot? Hehehe.
Ito ang aking lahok para sa ika-36 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Eksayted! Ang litrato ay ako nuong 1994 habang hawak ko ang regalo sa aking pang-isang linggong set ng mga puting brief. Bisitahin ang iba pang mga bagay na nagpapa-excite sa mga LP members dito.
Nga pala, walang agawan ng biik, chess, basketball, triple-jump, 5k marathon, synchronize swimming at diving nuong 7th birthday ko, pero paano kaya kung meron ano?






ang cute cute mo naman noong 7 years old ka, sige na nga pati ngayon.
Happy LP
Ha ha ha! isang set pa talaga, at least nagamit mo hindi ba?
O nga agree ako kay Jeanny, ka cute mo naman nung bata ka…ngayon pogi na..o di ba? *pamasko ko ha* ;)
Happy LP, Arviiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnn!
Ang saya pala nung birthday mo :)
Ok na din yun, at least me bagong salawal ka nun, hehehe…
hired photographer. ang yaman talaga. :D hehehe.
mukha ka namang masaya dun sa picture habang hawak mo ung isang set ng brief. :) medyo slow ka pa nga nuon baby. :P
diba nasabi ko na sayo na cute ka noon? :) ngayon? ummm.. cute pa rin. :D hehehe.
ang saya nman ng bday mo!!!silip ko nman sken Eksayted sa pasko
ay sangayon ako sa kanila…cute ka nga noon. at mukhang wala namang pinagbago sa ngayon (diba karmi?). sarap talaga ng bata…laging may excitement kapag magb-birthday na.
kyut ka na pala noon maliit ka pa ano?:D kakatuwang tingnan at may litrato talaga na nagbubukas ka ng regalo.
aba’y ke cute na bata…angsaya naman ng bday party mo parang fiesta…haha
pinakamasayang berdey ko nung huli. sa kasalukuyan. first day ko nun sa job ko ngayon. padaan poh, naligaw eh.=)
ayus!!brip naman pala eh! ehehehehe
ako din 7th bday ang pinakabonggang bday ko. hehehehe. ung cake ko snow white and seven dwarfs. tama ung prediction ng klasmeyt ko nung grade 1.anliit ko daw kasi.hahaha
Ang ganda ng buhok ah, shining! Binata na brief na ang regalo! ahahaha. Happy LP!
hi kuya arvin.
im sorry but i cant stop myself from laughing looking at your pic. :D
i have lots of pic that same pose in ur pic. haha.
hehe, pwede rin huwag magsuot arvin… hehehe…
pasensya na at nahuli, pakisilip po ang aking lahok… :)
hehehehe…
magandang remembrance ng nakaraan
wish i had more pics when i was young
salamat sa pagdalaw