Pengeng popcorn!

Add comments December 4, 2008 » 464 days ago
ldr, writings

sinehan

Ito o, kuha ka lang.
Ang ingay mo kumain.
*belat*

Oo na, wala lang talaga ako masabi at kapag wala akong masabi e nang-aasar na lang ako. Nangiti ka naman, ok na rin yun:) Iba ang pakiramdam ‘pag napapangiti kita , tipong wala na akong pakialam kung anung nagawa ko kaya ka napangiti, basta masaya ako kapag nakangiti kita.

Ang tagal naman nung movie..
Oi, baka naman naubos mo na yan e ‘di pa nagsisimula
Hinde no, ikaw kaya umuubos, hehe.

Unang beses nating manood ng sineng magkasama. Kung yung iba nga, ligawan stage pa lang e nakakarami na ng movie dates. Tayo naman e, teka… anung stage na nga ba tayo? hehehe. Pero hindi ko naman talaga gusto ang movie dates kapag nanliligaw pa lang kasi ‘di mo naman makakausap ng maayos yung kadate mo, ni hindi nga rin makikita masyado kasi madilim. E paano kung cute ka-date ko di ba? Edi mas solb pa kung siya na lang tititigan ko kaysa sa kung sinong artistang hindi naman ako kakilala.

Oo nga pala, hindi kita niligawan. Grabe, hindi na ako magiging tao kasi never ko pa naranasang manligaw. E pa’no ba ‘yan kasi wala na akong liligawan pang iba. Ooops, ‘di pala dapat nagsasalita nang tapos dahil baka mamya e kailangan ko ‘pang ligawan ang tatay mo ‘pag nagkataon, haha.

Huy, ‘di pa nga nagsisimula natatawa ka na. Anu yun?
Ah eh… wala, may naisip lang, hehe.
Woooo, tinatawanan mo na naman ako…. Ayaaan, start na!
Start na? ok.

Pambatang animated film na comedy. Mahihirapan kasi tayo kapag madramang love story ang panonoorin, baka pareho pa tayong maiyak. At baka hindi ka pa makalabas kaagad ng sinehan dahil ayaw pang huminto ang pagpatak ng luha sa iyong mga mata. Tama na muna ang drama.

Gustong-gusto kong naririnig kang tumatawa. Kung pwede lang nga e irerecord ko yun ‘tas papakinggan ko kapag hindi kita kasama. Joke lang, adik na ‘yun. Sana palagi na lang tayong masaya ‘di ba? Tipong ang pinoproblema na lang natin e kung saan tayo kakain pagkatapos nito o kung anung pelikula ang sunod nating panonoorin. Grabe, ‘di pa nga tapos manood, ibang pelikula na iniisip ko.

Nakakaasar na yung matandang babae na yun na dapat e kinain na ng leon kanina. Ay, pambata nga pala ‘tong film kaya walang gore death scenes. Ayaw mo rin nga pala ng mga horror films. Sayang, kung may scary scene edi baka mapayakap ka pa sa akin sa takot mo, hehe. I’ll be open arms anytime, hehehe.

Teka, masi-CR ata ako..
Niye, bilisan mo:P
Hehehe, teka ha.
Sige, kukwento ko na lang sa iyo nangyayari.
Ok, tara sama ka.
Niye, siyempre sama ‘ko.
‘Wag ka titingin ha.

Anu ba yun, malapit na nga matapos, hindi ka pa nakapaghintay. Baka mamaya e hindi mo pa maabutan yung ending. Pero kung itong ating istorya ay isang pelikula at tayong dalawa ang bida… panigurado, walang manonood, hehehe. Malamang kasi hindi nila matagalan, kasi ikaw ba naman ang umupo sa loob sinehan habambuhay, kakayanin mo? ‘Tas puro popcorn lang kakainin mo, mahirap yun:P

Ok lang kahit walang manuod, basta ba ikaw pa rin ang leading lady ko hanggang ending credits.

Sa’n nga ba tayo nakaupo?
Hala, ako pang tatanungin mo:P
Hehehehe…

Happy ending:) Babalik pa kaya sila sa Central Park? Iba kasi talaga kapag masaya ka na sa isang bagay. Ayaw mo nang may mabago pa, ayaw may mawala. Parang ako sa iyo, ayoko nang mawala ka.

Ang lamig *brrrr*
O? Dito, ‘di naman masyado
Sa’n tayo kakain?
Hehehehe, kaw bahala.
Sige, sa bahay na lang, ‘di naman kita kasama e.

Anung next na panonoorin natin?
Hehehe. Oo nga, para ma-download mo na kagad:D
Adik, hehehe.
Twit na lang ha. Lowbat na rin ‘ko.

Love you baby:*
Love you too..
Babay!

Kiss ko?

Mga Kahalintulad na Posts



8 Responses to “ Pengeng popcorn! ”

  • Pinky says:

    Haaayyyy…mas exciting pa nga sa Madagascar ang love story ninyo ni Karmi – hehehe ;)

  • karmi says:

    teka, sinong kausap mo dito? :P

    ung panonood ng sine ang hindi natin naisip gawin, ewan, di rin kita inayang manood dahil wala naman atang magandang palabas noon.. ay meron pala, Kung Fu Panda. :P hehe. sayang, comedy un, feeling ko lang eh magiging makulit at maingay tayong dalawa sa loob ng sinehan. at malamang eh magagalit sa atin ung mga katabi natin. :P

    basta, next na uwi ko dyan, manonood na tayo ng sine. :) madami na naman tayong plano paguwi ko, hmmm, pwede mo na akong ligawan that time. :) hehe..

    habambuhay na nga itong kwento natin at ayoko na ring mawala ka.. :) *yakap* ok lang sa akin kahit na araw-araw mo akong asarin.. ay, hmmm.. pagiisipan ko pala ung pangaasar part. :)

    i love you.

    baby, kiss ko?

  • enge din ako!
    hi te karmi! enge popcorn. di ko uubusin. mga kalahati lang. haha. that’s one of my favorite. weee. actually all foods is my favorite. haha.

    **
    we’ll be staying here in phil until xmas is over. we think so. but we’ll extend if te vani is not ok by that day. hopefully she’s really ok by then.

    te vani ask me to tell you that she’s in the house (quote and unquote). Alam mo na daw po yun where she is.

    PS.
    enge popcorn! haha.
    te vani dont eat popcorn. KJ. Korni. Arte. evrything. haha. natitinga daw xe xa.

  • napost po ba comment ko? parang nawala? or natange lang ako?

  • tere says:

    kesoooo!
    cheeesssyyyy!
    musshhhyyy!

    KAINGGIT!,hahaha!

  • Raych says:

    I know someone online who also has a LDR who watches movies with his BF online. Dinadownload nila pareho tapos sabay nila papanoorin.

  • Yehhiiii. di ako tange. Lolx. =)
    ate karmi namiss daw ba nila jobee yung bhay nyo? u mean di dumating? baka dw po natraffic lang. naipit cguro sa xmas rush. ehihi. ‘_~

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.