a surprise visit

Add comments December 5, 2008 » 469 days ago
blabbers

i love surprises. sino ba namang hindi diba? lalo na ung tipong surprise na maiiyak ka sa tuwa at dahil na rin sa hindi ka makapaniwalang nangyari talaga un. kelan nga ba ako huling nasurprise? hmmm.. siguro ung pinaka memorable eh nung may bigay na bulaklak si arvin para sa akin nung nagkita kami. di ko expected un, nasurprise talaga ako.

kanina lang, may nagdoorbell, pinuntahan ng tatay ko, at may cute na Fedex guy na may hawak na package. akala naming lahat eh para sa kapatid kong lalake, pero ako ang tinawag ng tatay ko. para sa akin daw pala ang package. pinirmahan ko, kahit na di ko alam kung sinong nagpadala. pangalan ko ung andun sa SHIP TO: pero wala akong idea kung anong laman nun…

package from sissy. :)

kausap ko si arvin, pero di naman daw sya ang nagpadala ng package. tiga-Olongapo. siomai, wala akong kilalang tiga Olongapo. di rin pamilyar ung pangalan nung nagpadala. tsk. ayokong buksan. baka mamaya nyan eh kung ano na ung laman.. mahirap na.. pumasok pa ang tatay ko sa kwarto para lang tingnan ung package. kinuha ung papel, tapos tinanong pa ako kung sigurado daw ba akong wala akong kilalang ganon. di naman ako magtataka ng bonggang bongga kung kilala ko ung nagpadala at kung may idea ako kung anong laman. Stuff toys – Gifts only. yan ung nakalagay. stuff toy? para sa akin?! haaay.. wala talagang ibang way para malaman kung anong laman nito kundi buksan. kaya naman kinuha ko na ung gunting at ginupit ung box..

jobee,HK,naruto

umm. Jollibee. Hello Kitty. Naruto. (hindi po kasama si Pluto). nung nakita ko si Jollibee, saka pa lang nagsink in sa akin… hahaha. :P

btw. sissy!!! alam mo bang may lahi akong manghuhula? hula ko kakatok si jobee sa pinto ng bahay nyo bukas. kasama pa c naruto. at nakisabay c hello kitty.. =)

– Vanny

hahaha. sissy! grabe, galing sayo pala ung package. super thank you talaga. :D mga ilang minuto rin akong tumawa na medyo naluha dahil sa package na natanggap ko. waaaa, di pa rin ako makapaniwala. hehehe. super thank you sissy. teka nasabi ko na pala un. :)

THANK YOU talaga. :) haynaku, hahanapan ko talaga ng lugar yang mga bigay mo, actually, ung Hello Kitty eh pinuwesto na ng nanay ko dun sa bookshelf ko. sina Jollibee at Naruto eh di ko muna tatanggalin sa plastik at idi-display ko na lang dito sa table ko. :)

pagaling ka na ha. :) i know andyan si Shobe at sina kuya J to take care of you.. ^_^ basta basta, rest ka lang dyan, wag matigas ang ulo ha.. :) *hugs* love yah!

nga pala sissy, binigay ko pala ung address ko sayo? :P hehehe. ^^,

Mga Kahalintulad na Posts



8 Responses to “ a surprise visit ”

  • rio says:

    huwaw..santa vanny, ikaw ba yan?? haha..kakatuwa naman si vanny…ang cute nung hello kitty…=}

  • Rachel says:

    wow naman ang daming gifts ang swerte mo naman sis

  • ate mimay! ;)
    grabe, nagulat ako ang laki pala nung box. kaya pala mukhang bomba. hahaha. kala ko small box lang. hehehe.

    sabi nya, nung malapit na yung bday mo, hiningi daw nya address mo kay kuya arvin. db dapat nung bday mo pa yan. di daw nya napadala kc nga.. you know.. Lolx.

    you’re welcome daw ng marami din. lolx. happy cya kc nasurprise ka daw with matching teary eyes. ehehe.

    explanations ng stuff toys:
    hello kitty – welcome home gift mo daw yan. di nga lang nya naibigay nung umuwi ka d2. haha.

    naruto – bday gift. di daw kc kasya c kuya arvin sa box, kaya c naruto na lang pinadala nya.

    jobbee – kaw daw una nyang naalala nung nakita nya yan sa jollibee. :p

    ayan.. and2 cya sa tabi ko. :p binasa ko kay ate vani tong post mo. di xa pwde mag laptop db. bantay sarado. :p

    PS.
    cute din daw yung fedex guy na friend nya na sinabihan nya na ipadala yan. qualification ba yun sa fedex? na dapat cute? Lolx. =)

    haynaku, pwede ulit pasabi kay vanny na THANK YOU?! :D hehehe. hindi makagetover eh noh.. :P

    hahaha. soooo, si arvin pala ang nagbigay sa kanya nung address ko, at oo, dineny nya. :P akala ko tuloy eh sobrang makakalimutin ko na dahil di ko talaga naalalang binigay ko kay Vanny ung address ko.. ^_^

    vanny, pagaling ka na! :D para makapagchat ulit tau sa YM.. ^^, thanks din shobe sa chikahan natin nung isang araw.. :) hehehe..

  • komski says:

    Kinabahan nga rin ako kung sino ung nagpadala. Hala, binisto naman ako, dineny ko nga na sa akin tinanong yung address mo e, hehehe:P Sa akin na lang yung Naruto, hehehe:P Uhm, ikaw na lang kaya, pwede?

  • abou says:

    wow paskong pasko na talaga! andaming gifts ha ha

  • Noime says:

    Oww. How sweet. Oh sha ate, naregaluhan ka na. Isesend ko na lang yung address ko sayo. BWAHAHA. :P

  • maenoodle says:

    so sweeeet! gusto ko din jollibee waha ang kyut naruto pa. malamang maluha din ako pag nakatanggap ng ganyang package wew.

  • eloiski says:

    huwaw!
    ang sweet!
    at talaga namang masusurprise ka!
    weeehee!

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.