Siyam.

Posted 3 years ago blog update, pakulo

Pasko na naman, o kay tulin ng araw. Paskong nagdaan tila ba kung kelan lang. Ops, ‘wag mo kantahin, hehehe. Pero naramdaman mo na naman na siguro na malamig na nga talaga ang simoy ng hangin, pwera na lang kung nasa Australia ka o sa may Canada na lagi naman ata talaga malamig.

Mga parol at christmas lights, puto bumbong at bibingka, mga regalo’t 13th month pay, christmas tree’t mga kung anu-anong palamuti. Maraming mga bagay ang nagpapakita na Pasko na nga talaga. Isama mo na rin ang isang bagay na nakaukit na sa kultura nating mga Pilipino,

Ang Simbang gabi ay isang kaugalian sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan. Ang simbang gabi ay nagsisimula tuwing ika-16 hanggang ika-24 ng Disyembre. Ito ay kadalasang sinasagawa tuwing madaling araw sa mga simbahan sa Pilipinas. — Wikipedia

Siyam na araw. Anu nga bang pwedeng gawin sa siyam na sunod-sunod na araw? Uhm, magblog? Hehehe.

At yun nga ang gagawin naming dalawa ni karmi, dahil hindi naman kami makakapagsimba magkasama sa darating na Simbang gabi ay idadaan na lang namin sa pagbablog:D Isang blog entry isang araw na may kinalaman sa kapaskuhan. Pero inuunahan ko na kayo, ‘di magiging relihiyoso ang mga post namin ha, hehehe.

Special naman talaga ang Pasko kasi sa ganitong panahon kami naging close ni karmi last year, yiheee!

Sa ngayon e iniisip pa ni karmi ang title ng pakulo namin. Sana may maisip na kami, may 9 days pa naman:) Para hindi bloguinaldo, jingle blog rock, simblog gabi o 9 blog entries ang gamitin namin, hehehe:P

5 Responses to “ Siyam. ”

  • Noime said,

    isang beses ko lang natry yung simbang gabi. hahahahahahahaha. nakakaawa naman ako. :P

    osha, abangan ko yang pakulo niya ;)

  • eloiski said,

    hihintayin ko ang pakulo niyong yan!

    sayang at hindi kayo magkasama.
    pero okay lang yan
    dito lang kayo sa blog!
    may audience pa, kami!

  • jeniffer said,

    ehe oo nga lapit na ng pasko.. sayang di kayo magkasama ni karmi sa darating na simbang gabi.. ok lang yan.. daanin na nga lang sa blogpost..

  • Karen said,

    Na-curious tuloy ako sa niluluto n’yong pakulo.

  • rio said,

    kapag ito ay ang pagkumpleto ng simbang gabi…..waaaaahhhhhh…disqualified na ako dahil hindi ako naka attend ng unang simbang gabi..

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.