Ewan ko kung matutuwa ka, magugulat o matatakot.
4 Comments » December 8, 2008 » 468 days agoBridgeTheGap
Siguro lahat, depende kung mula sa panaginip ka gigising o mula sa bangungot.
mimay: pwede bang ikaw na lang lagi ang gumising sa akin? :)
Hmmm, sigurado ka? Hehehe. Well, assuming ako nga ang sinasabihan ni mimay niyan, na tingin ko naman e ako nga. Medyo mahirap yung hinihiling mo kasi nga malayo ako. Buti sana kung sa iisang bahay lang tayo nakatira, yun, paniguradong magigising na kita palagi:D
Pero ngayong nasa Amerika ka pa e ang tanging paraan lang para mabulabog ko ang iyong pagtulog e ang matext kita gamit ang Twitter o kaya’y matawagan gamit ang EarthCaller. Pero may naisip akong isa pang way para kulitin ka para gumising na, at eto yun:D
Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.
Isang alarm tone! Hehehe. Ako yan! Ewan ko na lang kung gagamitin mo or what:P Bahala ka na lang pero gamit yan, edi ako na talaga ang gigising sa iyo lagi. Yun ay kung iseset mo yung alarm:D Pwede mong i-download yung tones pati na rin yung message tone ko para sa iyo dito.
Ang Bridge the Gap series ay pagtatalakay sa mga paraang ginagawa namin ni karmi para mapunan ang layo sa pagitan naming dalawa. Sundan ang serye na ito upang makakuha ng mga tips at ideya sa mga pwedeng gawin upang mabasawasan ang hirap ng pagkakawalay sa minamahal.












