Ewan ko kung matutuwa ka, magugulat o matatakot.

Posted 3 years ago BridgeTheGap

Siguro lahat, depende kung mula sa panaginip ka gigising o mula sa bangungot.

mimay: pwede bang ikaw na lang lagi ang gumising sa akin? :)

Hmmm, sigurado ka? Hehehe. Well, assuming ako nga ang sinasabihan ni mimay niyan, na tingin ko naman e ako nga. Medyo mahirap yung hinihiling mo kasi nga malayo ako. Buti sana kung sa iisang bahay lang tayo nakatira, yun, paniguradong magigising na kita palagi:D

Pero ngayong nasa Amerika ka pa e ang tanging paraan lang para mabulabog ko ang iyong pagtulog e ang matext kita gamit ang Twitter o kaya’y matawagan gamit ang EarthCaller. Pero may naisip akong isa pang way para kulitin ka para gumising na, at eto yun:D

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Isang alarm tone! Hehehe. Ako yan! Ewan ko na lang kung gagamitin mo or what:P Bahala ka na lang pero gamit yan, edi ako na talaga ang gigising sa iyo lagi. Yun ay kung iseset mo yung alarm:D Pwede mong i-download yung tones pati na rin yung message tone ko para sa iyo dito.

Ang Bridge the Gap series ay pagtatalakay sa mga paraang ginagawa namin ni karmi para mapunan ang layo sa pagitan naming dalawa. Sundan ang serye na ito upang makakuha ng mga tips at ideya sa mga pwedeng gawin upang mabasawasan ang hirap ng pagkakawalay sa minamahal.

4 Responses to “ Ewan ko kung matutuwa ka, magugulat o matatakot. ”

  • karmi said,

    hi baby! :* kakasave ko lang nung message tone, nakalimutan ko kasi ilagay sa phone ko kanina bago ako matulog. :)

    hehehe, kamusta naman sa alarm tone. sana nga magising ako, eh di ba pareho tayong inaantok kapag naririnig natin ang boses ng isa’t-isa? baka lalo akong makatulog nyan. :P hehehe.. *yakap*

    sana nga dumating ung time na ikaw na talaga ang gigising sa akin.. :)

  • rio said,

    sana nga dumating ung time na ikaw na talaga ang gigising sa akin.. :)..karmi

    >>> ang sweet nyo naman…nakakainggit talaga..
    darating din yung time na yun basta lagi lang kayong magmamahalan …

  • Kandis said,

    Ang sweet naman. Sana may ka sweet-an din ako. :( Inggit mode. :|

  • cindyrella said,

    nakakatuwa naman to.. ^^ sana nga dumating na ang panahon na iyon, tuwing ilang beses ba kayu sa isang taon kung magkita? ^^

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.