don’t talk to strangers. yan na ata ung unang bilin sa atin ng mga magulang natin mula nang tayo’y matutong gumala at makihalubilo sa ibang tao. wag na wag sasama sa ibang tao, wag makikipagusap sa di kilala. nauso pa nga ung commercial dati sa TV na may manong at dalawang bata, ung may kasamang butterfly ung mga bata na nagpapaalalang wag tatanggapin ung lollipop. effective ung paalala nung butterfly, dahil di nga sila sumasama, nakikipagusap sa di nila kakilala.
ngayon ko narealize, parang kailangan ko ata ng sarili kong butterfly.
nagbu-bus ako araw-araw. dahil hindi pa ako marunong magmaneho, kelangan kong magbus, rain or shine. medyo matagal din ung paghihintay ko, 15 mins. kaya naman kailangan kong aliwin ang aking sarili habang naghihintay. naglalaro ng DS, nakikinig ng kanta, at minsan nama’y kausap ko si arvin.. kanina, habang naghihintay ako, naisipan kong kunin ang aking camera. pagkaupong-pagkaupo ko sa bench ay pinikturan ko kaagad ung lalagyan ng sigarilyo na nasa may upuan, para subukan ung macro settings ng camera ko.. ayos, pwede.. kukuhanan ko na sana ung ilan pang basura, nang may kumausap sa akin.
(may sinabi sya na di ko naintindihan)
napansin ata nyang nakatitig lang ako sa kanya, kaya naman..
hi.
hi.
oh, what are you doing?
nothing, i’m just taking random pictures.
really? take a picture of me!
anu daw?! nawindang ako sa sinabi nya. nagulat kaya naman ‘ok’ na lang ang naisagot ko. natatawa ako sa sarili ko, dahil heto ako’t may hawak na camera at pinipikturan ang hindi ko naman kakilala. tumayo pa sya at nagpose, nag-peace sign pa nga. pagclick ko ng camera ay eto ang lumabas..
note: di na sya nakapeace sign dahil nainip ata sya sa tagal ng pagkuha ko ng litrato nya. ayan, nagalit tuloy.
can i see it?
sure. here. hawak ko lang ung camera
(pilit nyang inaaninag ung picture. mga ilang beses nyang gustong kunin ung camera ko. pero ano ako, tange? no way.)that is a nice picture of me.
gusto ko sanang tanungin kung gusto ba nyang isend ko sa email nya para mailagay nya sa myspace account nya, pero di ko na un ginawa, tinago ko na lang ung camera ko’t naupo lang dun sa bench. kinausap pa rin nya ako, at syempre, sumagot naman ako sa bawat tanong nya. nung dumating na ung bus ko, tumayo kami pareho. akala ko’y sasakay din sya sa bus, pero hinde, naglakad sya. nagbabay naman sya sa akin bago sya umalis.
don’t talk to strangers. naalala ko tuloy ung nangyari 2 years ago. may nakita akong babae, nawawala daw sya. kinausap ko, mukha namang mabait. tinulungan ko sya. pano? pinapasok ko sya sa bahay namin para gumamit ng telepono. 30 mins. later, tumawag ako sa 911 dahil ayaw umalis nung babae. dumating ung pulis at ambulansya. nalaman kong high ung babae at buti na lang daw sa sobrang high eh di nya magawang kumilos. sabi nung pulis, sinuwerte daw ako. ayos. ansaya diba? antalino mo talaga mimay!
sadya atang lapitin ako ng mga ganyan. swerte.













