Marami pa kung saan nanggaling ‘yan, pero baka bumagsak na kapag tinaasan ko pa yang burger bun tower. Soft, fluffy, chewy burger buns… at lahat ng ‘yan, galing sa Jollibee.
Pero dahil ‘di na pasado sa shelf life standards ng best supply chain sa buong asya-pasipiko ay ibinenta na lang ang dose-dosena nitong mga ‘di naubos na burger buns sa kanilang mga empleyado, kasama na ang pinsan ko. Piso ata isang pares.
Minsan din, Jolly hotdog buns naman.. pero oo, puro tinapay lang. Saklap.













